Chapter Eight: Pimple XD

38 4 0
                                    

+Miguel's POV+

Nagising na ako sa pagkakatulog ko kagabi. Tumingin ako sa orasan. 5:00 am palang? Ang aga pa pala. Matulog muna ako.

Kaso lang, di na ako makatulog. Haha! Excited na ako mamaya! Makikita ko na naman ulit si NikNak! XD Haha!

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko tapos kinusot-kusot ko yung mata ko. Nag-inat inat. Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Humarap ako sa salamin.

What???!! O_O

Ano toh?! Pimple?!

Hinawakan ko yung pimple ko sa bandang ilong ko.

Hala!!!!

Bakit ako may pimple???!!!!!

Teka... Nagkakapimple ba ang mga lalaki??

Oo. May nakikita naman ako. Kaso lang.. Bakit sakin isa lang? At ang laki pa ha.

Aaaaaaarrrrrggghhhhhh!!!!!!

Di ako pwede magkaron ng PIMPLE!!!!!

Pano pag nakita toh ni Niknak? Nakuuuu!!! Nakakahiyaaaa!!!

Pano na yan??? Ayoko naman umabsent. Anong idadahilan ko bakit ako absent?? Dahil sa pimples?? Lang?? Anu ba yan! Nakakahiya kapag nakita nya toh!! Nakakahiyaaa!!

Pano ba toh?? Anong gagawin ko?? Tsk. Kainis!!

Hay... Lalabas na nga lang ako ng makapagalmusal na. =_=

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Pumunta na ako sa dining table at naabutan kong nag-aayos ng pang-almusal namin si Yaya.

"Hi Sir Miguel! Good morning po!" Bati ni Yaya.

"Good morning Ya!" Bati ko rin.

Umupo na ako para makakain. Nagsimula na ako mag-almusal. Iniisip ko pa rin tong pesteng pimple na toh! (Sorry for the word) Kainis!! >_

"Oh Miguel! Ang aga mo ah." Gising na pala toh si Andrew.

Umupo sya sa harap ko at pumunta naman ako sa lababo para maghugas. Pero ang totoo nyan di pa ako tapos mag-almusal. Nagkunwaring naghugas lang ako kasi sigurado aasarin na naman ako nyan pag nakita nya tong pesteng pimple na toh. -_-' Sorry for the word ulit. ^_^

"Oh. Migs! May kanin ka pa oh! Di mo ba uubusin toh?" Tanong sakin ni Drew.

"Sige Drew. Sayo na lang yan. Ligo na ko." Sabi ko habang di tumitingin sa kanya at iniiwas kong makita nya tong pimple ko.

Paakyat na sana ako nang biglang magsalita si Andrew.

"Teka bro. Umiiwas ka ba sakin? Galit ka ba?" Sabi nya nang may pagtataka.

"W-wala toh. Sige na kumain ka na jan." Sabi ko na lang at tumakbo na sa kwarto ko.

Hay anu ba toh. Sarili kong pinsan di ko makausap ng maayos dahil lang dito sa nakakainis na pimple na toh. Aaarrgh! Kainis. >_

*tok tok*

Naku sino naman toh? Baka si Andrew toh! Naku! Pano toh! Ah alam ko na!! Takpan ko na lang tong bandang ilong ko. ^__^

Tinakpan ko yung bandang ilong ko para di makita yung pimple. Tapos binuksan ko na yung pinto.

"Oh Drew! Bakit? May kailangan ka ba? Maliligo na sana ako kumatok ka lang." Sabi ko habang nakatakip kung asan yung pimple.

"Ah. Wala naman. Eh ikaw.. Bakit ganyan ka? Iniiwasan mo ba ako bro? Bakit nakatakip yang mukha mo?" Sabi ni Andrew. Tapos aakmang tanggalin yung kamay na tumatakip sa pimple ko.

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon