+Nikki's POV+
"I'll start courting you."
Napalunok ako sa sinabi nyang iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabalot kami ng katahimikan pagtapos nyang sabihin yun at parehas lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko.
"But of course, di ako magmamadali. Alam kong madami kang priorities tulad ng pag-aaral. I won't force you to say yes." Sabi nya. Ngumiti na lang ako at umiwas ng tingin.
~~~~~
Next Day...
"Kyaaaahh!!!" Sabay na tili nila nang ikwento ko yung nangyari kahapon. Jusmiyo tong mga toh!!! Kaaga-aga, ang ingay! Pag napagalitan talaga kami dito ah!! Lagot silang dalawa sakin!
Andito kami ngayon sa canteen na naging tambayan na namin ng Besties.
"Grabee!!! Ito na ang matagal nating pinapangarap!!" Kilig na sabi ni Bestie K. Hala sya! Matagal na pinapangarap talaga? Kaloka toh!
"Oo ngaa!! MiKki love team forever! Whooooh!!" Kilig ding sabi ni Bestie J. Hindi ba tatahimik tong mga toh? Tumitingin na yung ibang estudyante samin! XD
"Sshh!! Ang ingay nyo!" Pagsaway ko sa kanila.
"Hihi!! Sorry!" Sabay na sabi nila with matching peace sign.
"Anong sabi mo after nun?" Bestie K.
"Wala. Ngumiti lang ako."
"Eh?" Sabay ulit sila. Ano ba toh? Concert? XD
"Bakit? Ano ba dapat kong ginawa?"
"Hindi ka ba kinilig?" Bestie J.
"O kaya naman wala kang sinabi?" Bestie K.
Umiling lang ako sa kanilang dalawa. Binigyan lang nila ako ng nagtatakang face.
"Wala akong sinabi nung time na yun kasi hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang sasabihin ko. Ngumiti lang ako sa kanya tapos, tapos na! First time ko lang maranasan toh and I don't know what to feel. I'm confused." Sabi ko at humalumbaba sa table.
Tumango sila pareho.
"Don't worry! We're here!! We'll help you with that!" Bestie K. Ngumiti naman ako at umakbay sya sakin.
"Oo nga! Wattpad experts kaya tong besties mo!! Hahaha!!" Bestie J. Tumawa kaming tatlo dahil dun.
Pumunta na rin kami sa classroom after nun. Baka malate pa kami sa first subject namin.
~~~~~~
Whooh! Hinga Nikki hinga!!
Hindi ako makaconcentrate sa pakikinig ng lesson. Hala! Anubatoh!
"Nikki!" Bigla akong nahimasmasan ng matawag ako ng teacher namin, "are you listening?"
"P-po?" Ay jusko! Nakakaloka naman ako ngayon!! Lutang!
"I said you will be the one who will lead your group that I assigned a while ago. Do you have any problem with that, Ms. Alvares?" Pagpapaliwanag ng teacher namin.
"Ah. Opo. No problem po, Ma'am." Sagot ko.
"Ok. That's good. Now listen very well class...." Nagpatuloy na ulit sa pagdiscuss si Ma'am. Ako naman nakinig na lang dahil baka matawag na naman ako ng wala sa oras.
KRRRIIIINNNGGG!!!
Hay sa wakas! Recess naaa!! Nakakagutom!
Inayos ko na ang gamit ko at kinuha ang wallet.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...