Chapter 15:

37 2 0
                                    

+Andrew's POV+

Nagring na yung bell at eto papunta na ako sa upuan ni Miguel na nakayukyok sa armchair.

Wala bang balak kumain toh?

Nakita ko namang nakatingin si Nikki kay Insan. Uy! Yung Operation chu chu ni Insan nga pala! Haha! XD

"Bro tara na." Sabi ko pero hanggang ngayon nakayukyok pa din sya sa arm chair.

"Hmm.. Mauna ka na, Drew." Mahinang sagot nya.

Narinig ko namang inaya na ni Jasmin si Nikki sa canteen kaya kami n lang ni Miguel ang natira dito.

"Uy, Insan. Tumayo ka na nga dyan. Hindi ka ba kakain?"

"Mauna ka na nga lang, Drew. Masakit ulo ko. Itutulog ko muna toh." Mahinang sabi nya. Ptcha! Masakit pala ulo edi pumuntang clinic! Loko toh ah!

"Masakit pala ulo mo eh! Edi dalhin na lang kita sa clinic!" Ako at itinayo sya pero ganun pa din ang posisyon nya. Ayaw ng loko!!

"Ayoko! Ang dami pang kaartehan don! Itutulog ko na lang toh!" Miguel. Aish!!! Bakit ba ang tigas ng ulo netong Insan ko!

"Hala sige!! Uy!! Si Ma'am!! Ma'am!! Masakit po ang ulo ni Miguel!!!" Ako. Pero kunwari lang naman yun hahaha!!! Para lang makapunta na tong clinic. Ayaw nya kasing nagpapababy sya sa mga teachers. XD

Nakita ko namang napatayo sya at binatukan ako! Aray ah!!

"Bwiset ka alam mo yun!!" Miguel. Haha!! XD

"Oo alam ko! Matagal na! Hahaha!" Ako.

"Tss." Pabalik na sya sa pagupo pero pinigilan ko.

"Aish!! Insan naman! Wag ka ngang matigas ang ulo!! Binilin ka sakin ng Mama mo kaya responsibilidad kita!! Umayos ka nga!! Aish!!" Ako. Inalalayan ko syang makatayo.

"Palalagyan lang natin yan ng ointment para mawala yung sakit ng ulo mo. Ok?" Nakakunot syang tumango sakin.

Naglakad na kaming papuntang clinic. Nakarating na kami at inupo ko si Miguel sa kama. Buti naman at andito yung nurse.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse.

"Masakit po ulo. Maglalagay lang po kami ng ointment." Ako.

"Hmm.. Sige.. Anong pangalan nya?" Nurse. May tinignan sa papel.

"Miguel Soberaña po." Ako. May sinulat naman sya doon sa papel.

"Oh sige." Lumapit sya kay Miguel. Ako naman umupo doon sa upuan malapit kay Insan.

"Ang sakit ng ulo madaming dahilan yan. Ichecheck ko lang yung temperature nya kasi yun ang kadalasang symptoms kapag may fever. Lalo na ngayon.. Tagulan na kasi." Pageexplain nya. Tumango tango lang ako sa sinabi nya.

Chineck na nya yung temperature ni Insan gamit ang digital thermometer. Tinapat nya lang kasi sa noo ni Insan.

"May sinat sya. Kailangan nyang uminom ng gamot para hindi tumaas. Kumain muna kayo. Kailangang may laman ang tiyan nya kapag uminom sya ng gamot." Nurse.

"Ah.. Sige po." Sabi ko.

"Dito na lang kayo kumain para di na sumakit lalo yung ulo ni Miguel sa dami ng tao sa canteen."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Nurse.

"Bro. Bili lang akong pagkain natin ah." Tumango lang sya na nakakunot ang noo.

Umalis na ako at pumuntang canteen. Bumili na ako ng pagkain namin ni Miguel. Habang iniintay ko yung binili kong pagkain, nakita ko naman yung Nikki and friends! Haha! XD wala akong maitawag sa kanila eh. Edi yun na lang hahaha!! XD

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon