+Nikki's POV+
Pagkatapos ng nangyari, sumasama na ulit sila Andrew saming grupo kasama sila Jamjam, Carlo, at Drake. Wala siyang sinabing dahilan kung bakit sila umiiwas nung nakaraang araw. Basta bumalik na lang ulit silang dalawa ni Andrew sa grupo.
Lunch ngayon at ang dami naming nagsasalo-salo sa iisang table ng canteen. Ang saya!! Kahit na nagsisiksikan na kami.
Yun nga lang, nakakaramdam ako ng awkwardness dito sa dalawang toh. Si Miguel at si Jamjam. Ang weird weird nilang pareho. Tulad na lang ng nangyayari ngayon.
"Oy! Patpatin kong besprend! Ito, dagdagan mo yang kanin mo nang hindi ka mangayayat!" Sabi ni Jamjam na inilagay ang kanin niya sa baunan ko. Hindi ko na pinigilan kasi gusto ko pa din naman ng kanin. XD
"Thank you, Besprend!!" Sabi ko naman sa kanya at nagpatuloy ako sa pagkain.
Nasa tapat ko si Jamjam at katabi niya naman si Miguel. Nasa kanan ko si Bestie J. Habang nasa kaliwa ko naman si Bestie K.
"Oh ito, Nikki. Maggulay ka naman para maging healthy ka." Sabi naman ni Miguel at tinaasan baba ako ng kilay. Nilagay nya ang ulam niyang gulay sa baunan ko. Hinayaan ko na lang kasi gusto ko din naman ng gulay. Tiyaka madami pa akong kanin so, kain kain kain!! Hahaha! XD
"Thank you, Miguel!" Sabi ko din sa kanya at nagpatuloy na ulit kumain na naudlot dahil nagsalita na naman si Jamjam.
"Patpat!! Ito oh magsabaw ka!" Sabi ni Jamjam nang ilagay niya ang sabaw sa kanin ko. Tatanggi sana ako kaso nalagay na nya. Ayos lang! Pagkain naman. Blessing toh! Haha!! Sarreh! Matakaw is meh eh! XD
"Hehe! Salamat ulit besprend!" Sabi ko ulit sa kanya. Nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Nikki, sa'yo na itong ulam ko! Pakabusog ka ah!" Sabi naman ni Miguel kaya natigil ako sa pagkain nang ibigay niya lahat ng ulam at pagkain niya sa'kin.
"Hehehe! Salamat ulit, Miguel." Sabi ko naman at nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Patpat!! Sayo na din tong pagkain ko para tumaba ka naman! Hahaha!" Sabi ni Jamjam at nilagay ang lahat ng pagkaing kinakain niya sa baunan ko.
Ok? Over na toh ah. Di naman sa nagrereklamo. Eh halos lahat ng pagkain nilang dalawa na sa akin na! Onti na lang sasabog na tong baunan ko sa sobrang daming pagkain! Pero ayos lang kasi pagkain naman. XD Kaso ayan nga! Ang weeeiiirddd nilang parehoo! Nakakalokaa!!
"Hehe! Thanks!" Sabi ko kay Jamjam at nagpatuloy sa pagkain.
Habang kumakain ako, nasamid ako. Sos!! Sa dami ba naman nitong nasa baunan ko tsaka grabe din ako kumain parang patay gutom hahahha!! XD
"Patpat, uminom ka oh!/Nikki, inom ka!" Sabay na sabi ni Miguel at Jamjam habang hawak hawak ang bote ng tubig na inaalok nila sa akin. Nagkatinginan silang dalawa at napasimangot. Tumingin silang agad sa akin at ngumiti.
Umiling ako at kinuha ang bote ng tubig sa bag ko, "Hehe! Salamat na lang. Meron ako." Sabi ko at ngumiti sa kanilang dalawa. Napahawak sa batok si Jamjam at napakamot na lang sa ulo si Miguel.
Nagpatuloy ako sa pagkain at natigil na yung dalawa. Hay! Salamat naman!
Nakalipas ang araw at uwian na!! Yeey!!
Kasama ko ang besties at napag-isipan naming gumala at magbonding sa mall gaya ng sinuggest ni Sophie kasama ang Gala Girls siyempre hahaha!! Tutal wala naman kaming masyadong gagawin tsaka konti lang ang assignments, so go go go!!!
Umuwi muna ang iba para makapagbihis at ganun din ang gagawin namin.
Kasama ko si Aia at ang dalawa kong besties. Magtatraysikel na lang kami pag-uwi.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...