+Miguel's POV+
Sabado ngayon at napagdesisyonan namin ni Andrew na mag basketball ulit kasama nila Benj. Pangalawang laro namin ito.
Naglakad na kami papunta sa court na pinuntahan namin noon. After ng di naman masyadong matagal na paglalakad, nakapunta na kami sa court.
"Guys, guys, guys!! So glad to see you again!" Sabi ni Benj nang makita nya kami.
Nag fist bump kaming dalawa pati sila ni Andrew.
"Namiss namin kayong makalaro!" Sabi nya.
"Kami din! Kaya nga kami naparito. Buti na lang at nandito kayo." Sabi ko.
"Eh ano pang hinihintay natin? Tara! Maglaro na tayo!" Sabi nya at tinawag ang iba nyang kasama.
Nakita ko yung mga nakalaro din namin last week. May napansin lang ako. May namukhaan akong parang kaklase ko eh.
"Miguel! Ikaw pala yung sinasabi ni Benj!" Sabi nya. Sila nga!
"Drake and Carlo. Kayo nga!" Sabi ko naman.
"Wow! So magkakilala na pala kayo! That's nice!" Sabi ni Benj, "kasama sila sa team ko. Kaya magkaka-team na tayo!"
"Eh bakit parang wala kayo noong naglaro kami last week?" Sabi ni Andrew na nasa tabi ko.
"May pinuntahan kasi sila ng family ni Drake at si Carlo naman ay tinatamad." Pagpapaliwanag samin ni Benj. Tumango-tango kami ni Drew.
"Tara na! Maglaro na tayo!" Sabi ni Drake na nagdribble na ng bola.
"Oo nga! Excited na akong makalaro ka, Miguel!" Sabi ni Carlo na inakbayan ako.
Nagsimula na kaming maglaro. Magaling din palang maglaro si Carlos. Si Drake ay magaling magshoot. Kami ni Benj magkasundo na sa game. Alam na namin ang mga galaw namin. Kaysa last week medyo nalilito ako sa kanya.
Naging maganda ang laro namin kaya lahat kami nag-enjoy.
"Hanep!! Ang galing mo nga, Miguel! Maglaro ulit tayo bukas!" Sabi ni Carlo at uminom ng tubig.
"Oo nga! Sumali ka sa basketball team natin sa school!" Sabi ni Drake.
"Oo! Next week may try outs na sabi ni coach!" Sabi ulit ni Carlo.
"Sali kayo ni Andrew ah!" Sabi ni Drake at pinat yung shoulders namin ni Drew.
"Tara! Meryenda tayo!" Pag-aya samin ni Benj.
"Ayos! Libre mo ah!" Sabi ni Carlo na inakbayan si Benj. Tinabig nya ito.
"Aish!! Libre libre may utang ka pa nga sakin!" Benj na inayos ang bag.
"Utang?! Kelan?! Paano? Saan?!"
"Yung barbecue kahapon!!" Sinigawan nya si Carlo.
"Ay! Utang pala yun! Kala ko libre hehe!" Sabi ni Carlo na napakamot sa ulo.
"Eishh!! Ewan ko sayo! Bayaran mo yun!" Benj na nagsimula nang maglakad.
"Tara! Kasama kayo! Haha!" Sabi ni Drake at nagsimula na ding maglakad.
Tinanguan ko lang si Drew na nagsasabing sumama na lang tayo. Naglakad na din kami at sinundan sila.
~~~
"Hahaha!!" Kaming apat.
Andito kami ngayon sa bahay nila Benjamin. Yun ang full name nya. Dito sya nag-aya ng meryenda.
"Guys, excuse me lang ah." Sabi ni Drake at tumayo. Nagring kasi yung phone niya at sinagot niya iyon.
"So, nakapag-enroll ka na ba, Benj?" tanong ni Carlo kay Benj na kumagat ng cookie.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...