Chapter 31: His Voice

10 1 0
                                    

+Drake's POV+

"Benj, wag kang magpadala sa galit mo." Sabi ko kay Benj na kasalukuyang nakatayo sa terrace at nakatingin sa kawalan.

Nakaupo ako sa upuan at nasa tapat ko naman si Carlo.

"Tama si Drake, pre." Sabi naman ni Carlo na kumakain ng merienda galing sa refrigerator nila Benj.

Nasanay na si Benj kay Carlo na lagi na lang kumukuha ng pagkain sa kanila. Kaya minsan hinahayaan na lang nya ito.

"Kaibigan na natin si Migs. Huwag mong hayaang masira na lang yun ng galit mo." Sabi ko ulit.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at nagpatuloy sa pagtingin sa kawalan.

Naging magkakaibigan kami nung Grade 4 kami. Madami na ding naranasan ang friendship namin sa loob ng maraming taon. Kilala na namin ang isa't isa. Alam namin ang mga problema ng bawat isa.

Kaya naiintindahan namin ni Carlo ang kalagayan ni Benj ngayon.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Benj. Pinat ko ang balikat niya.

"Huwag kang mag-alala. Andito lang kami. Naiintindihan ka namin. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Umakbay siya sa akin, "Mabuti na lang talaga at kaibigan kita." Sabi niya at huminga ng malalim.

Biglang umakbay naman saming dalawa si Carlo, "Ano ba kayo!! Wag niyo naman akong kalimutan!" Sabi nito.

Tumawa kaming tatlo at umakbay sa isa't isa.

Masasabi kong sila na ang tumayong pamilya ko. Sa mga panahong kailangan ko ng magulang, sila ang nandiyan palagi.

~~~~

+Nikki's POV+

Recess na namin ngayon at papunta ako sa canteen kasama ng mga besties ko.

"Hahaha! Hay naku! Tumigil ka na nga diyan Jasmine." Sabi ko kay Bestie J. Inaasar na naman kasi nila ako kay Miguel. Hayst! >.< XD

"Pero pansin nyo ba si Benj nung mga nakaraang araw?" Tanong ni Bestie K.

Napuno naman ng pagtataka ang mukha namin ni Bestie J.

"Bakit ano yun?" Tanong ko dito. Napakibit balikat lang ito.

"Ewan ko lang. May napapansin lang akong kakaiba dito kay Benj kapag magkasama kayong dalawa." Sabi nito.

"Huh? Ano naman yun?" Sabi naman ni Bestie J.

"Nothing. It's just... weird." Sabi nito. Napakunot noo na lang kami dito ni Bestie J at nagkatinginan.

"Let's go! Gutom na ako." Sabi ni Bestie K at hinila kaming dalawa ni Bestie J papunta sa canteen.

~~~

+Benjamin's​ POV+

Pansamantala kong inalis ang galit ko kay Miguel. Tama si Drake. Hindi dapat ako magpapadala sa galit ko. Hindi maganda ang kahihinatnan kung magpapalamon ako sa galit ko.

Recess namin ngayon at 10 minutes bago magklase ang section nila Miguel.

Kailangan ko siyang makausap.

Don't ya worreh! Wala akong gagawing masama sa Miguel nyo hahaha! Kakausapin ko lang siya okay? ;) XD

Naglalakad ako sa hallway at hinahanap si Miguel. Asan ba yun?

Nakita ko siyang naglalakad kasama si Andrew. Pabalik sila dito sa school building.

"Migs! Andrew!" Bati ko sa kanilang dalawa. Finist bump ko silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon