+Miguel's POV+
Andito kami ngayon ni Andrew sa park. Uwian na nmin at nagpunta kami ni Andrew dito para mapagusapan yung Operation CBA. XD
"So... Dalawa na yung natatapos natin dito sa list. Pano natin gagawin tong no. 3?" Andrew. Hawak hawak nya yung tiny notebook ko na pinaglagyan ko ng list of signs.
"Hmm.. Patingin nga." Ako. Kinuha ko yung tiny notebook ko sa kanya.
√1. Naninimple ng tingin. Sumisilay-silay
√2. Di makali kapag dadating ako.
3. May concern sakin pag may sakit ako.
4. Di makatingin ng diretso sa mata pag kausap ako.
5. Na-uutal utal kapag kausap.
6. Nag-aayos kapag nakita ako.
"Hmm.. Edi magpapanggap akong may sakit ako." Sabi ko.
"Magaabsent ka?"
"Oo. Wala naman sigurong gagawin bukas kasi Friday."
"Ok. Tara basketball tayo! Wala akong magawa eh hehe!" Andrew. Hmm.. Oo nga noh!
"Sige sige!! Tagal na din tayong hindi nagbabasketball eh!" Sabi ko na excited. XD namiss ko na din kasi magbasketball.
Naglakad na kami papuntang bahay. Kinuha namin yung basketball.
After nun, dumeretso kami sa court malapit sa park. Maraming naglalaro dito ah. Sumali kami dun sa isang group na naglalaro. Buti nman pumayag. Friendly din pala ang mga tao dito. =)
Syempre magkakampi kami ni Andrew sa laro. Naglaro lang kami at napanalo namin ang team na nasalihan namin. Pawis na pawis nga ako eh. XD
"Nice game!!" Sabi nung lalaki. Benj ang pangalan nya. Sya siguro ang leader. Nagfist bump silang lahat. Group of friends I think.
Habang nagpupunas kami ng pawis dito ni Andrew sa tabi kinausap kami ni Benj. Umalis na din yung ibang kasama naming kalaro namin.
"New here?" Benj. Habang nagpupunas din ng pawis. At uminom ng tubig.
"Yeah!" Sabi ko.
"Magaling kayo ah! Nice game!" At nakipag fist bump sakin at kay Andrew.
"Thanks! Matagal tagal na din kaming hindi nakakapagbasketball. Ngayon lang ulit." Sabi ko.
"Well.. Hindi halata bro. Varsity ka ba sa school nyo?" Benj.
"Wala pang try outs pero sa dating school ko yes." Ako.
"Oo pare! Sya lagi ang varsity player noong nasa dating school pa kami." Andrew.
"Whoa! That's nice! No doubt magiging varsity ka sa school nyo ngaun!" Benj.
"Thanks dude! Magaling ka din!" Ako.
"Ah sige! Nice meeting you two!! Next time ulit!! Una na ako ah! Babyee!!" Sabi nya at kumaway samin. Nagbabaye din kami.
"Dumadami na friends natin dito ah!" Sabi ni Andrew.
"Oo nga eh! I missed Philippines too. Yung mga friendly na tao." Ako. At nagsimula na kaming maglakad pauwi.
"Bakit? Hindi ba friendly mga tao sa US?" Andrew. Tss..
"Hindi naman sa ganon. I miss being home." Sabi ko.
"Ay ganon! Humugot si insan!! Hahahaha!! Joke!" Andrew.
"Hahahaha!! Loko loko ka talaga!" Ako at ginulo ang ulo nya.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...