+Jasmin's POV+
Hi guys! Me again! Hahaha! You miss me? Ako di ko kayo miss. De joke lang! Haha!!
AP class namin ngayon. Pinagawa lang kami ni sir ng activities sa libro. Yung iba tapos na kaya free time na nila. Yung iba naman sinadyang free time na at kunwaring tapos lang. Ako, eto siyempre gumagawa. Sipag noh? Minsan lang yan hahaha!! Joke! XD
"Ang sipag naman ni Jasmin! Totoo ba toh? Hahaha!" Rinig kong sabi ng kakadating lang na seatmate ko.
"Alam mo Carlo, kung may plano kang manggulo ng kaklase wag ako ok? Tss." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Hahaha!! Eh ikaw ang gusto kong guluhin eh!" Sabi nito at kinuha pa ang ballpen ko, "Uy! Akin toh ah! Bakit na sa'yo? Ikaw ah! Nangunguha ka ng gamit! Tsk tsk."
"Argh!!" Kinuha ko sa kanya ang ballpen ko pero iniwas niya lang ito.
"Akin yan!!" Sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Ay! Sir oh nananakit!" Sabi nito at tinuro pa ako. Di lang siya pinansin ni sir at nagpatuloy sa ginagawa. Hahaha!! Di pinansin!! Buti nga! =P "Hahaha!!"
"Ba't ka tumatawa? Anong nakakatawa? Hahaha!! Baliw ka na siguro! Hahah!!" Sabi niya sa akin at nilaro laro ang ballpen ko.
Binatukan ko siya, "Ikaw yung baliw!" Sabi ko at kinuha ang ballpen ko.
"Aray!!" Sabi niya.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Kaso paano naman ako makakatapos nito kung nanggugulo tong isang toh! Arrgh!!
"Ano ba?! Tigilan mo nga pangangalabit mo!" Inis na sabi ko sa kanya at tinulak siya.
"Carlo! Tigilan mo na si Jasmin. Baka pagalitan pa kayo diyan." Rinig kong sabi ng taong nasa likod.
Tumingin ako kung sino yun at nakita ko si Patrick. Kaklase namin na mahilig maggitara. Hawak niya ang gitara niya at tumugtog na ulit pagtapos niyang sawayin si Carlo sa ginagawa.
Umalis na si Carlo sa tabi ko at pumunta na lang sa barkada niya. Hay salamat naman! Makakagawa na ako dito.
Tiningnan kong muli si Patrick at ngayon naggigitara na ulit siya. Para siyang si Kit kung umasta. Tahimik. Pero mas tahimik si Kit kaysa sa kanya. Mahilig sa music si Patrick at trip niyang maglaro ng computer games at ng iba pang sports tulad ng basketball tsaka volleyball.
"May... problema ba?" Natigil ako sa kakaisip nang magsalita siya.
"W-wala." Sabi ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa. Narinig kong tumugtog ulit siya.
Nakakaloka! Napansin niya palang nakatingn na ako sa kanya. Ayst! Tigil na nga! Gagawa na lang ako dito!
~~♥~~
+Kate's POV+
*Lunch*
"Bestie K!! Una na kami ah! Tomguts na kami eh!" Sabi ni Bestie J sakin.
"Sige! Sunod na lang ako!" Sabi ko. Umalis na sila at naiwan naman ako dito sa classroom. May pinaayos pa kasi sa akin si Ma'am kaya ito nagpaiwan na muna ako kahit gutom na din ako.
Nang matapos ko ang ginagawa ko nagpasya na akong lumabas at pumunta sa canteen.
Habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Coach Sam. Siya ang coach sa basketball. Bumati ako bilang paggalang.
"Good afternoon, coach!" Pagbati ko sa kanya. Ngumiti ito at ngumiti din naman ako.
"Good afternoon." Bati din niya sa akin. Nang makalagpas siya sa akin, tinawag nito ang pangalan ko kaya napatigil ako at humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...