+Aia's POV+
"I-i," huminga sya ng malalim, "I'm sorry..."
After nun, humiwalay na sya sa yakap at mabilis na naglakad papunta sa mga kasama namin kanina na ngayo'y malayo na sa amin.
Naiwan lang ako ditong tulala at naguguluhan.
All I can say is...
I can't breathe.
I really can't breathe!! Literally!! Parang... Sasabog na lang yung puso ko at gusto kong mahimatay?! Shemay!! Ano bang nangyari?! Bakit ba bigla na lang syang nagsorry? Diba dapat ako yun?! Ako yung nakagawa ng mali!! Bakit sya yung nagsorry ngayon?
Waaahhh!! Naguguluhan ako!!!! 😵😵
"Aia!! Tara na!! Ano pa bang ginagawa mo dyan?" Sigaw nya habang tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Thank you ah! Ngayon mo lang ako napansin! Tss.
"Huy! Tara na!" Sabi nya nang nasa tapat ko na sya.
"Uuwi na lang ako. Ikaw na lang dun. Sumama kasi pakiramdam ko eh." Pag-excuse ko. I need to be alone.
"Ha? Eh kung ganon di na ako sasama sa kanila." Sabi nya, "May sakit ka ba?" Nilagay nya yung lapad nya sa noo ko pati sa leeg ko.
"Wala. Parang nahilo lang ako sa init. Tumuloy ka na dun. Text mo na lang ako pag-uuwi ka na." Sabi ko at tumalikod na.
"Eh baka naman mahimatay ka habang naglalakad! Sasama na ako sayo!!" Pagpilit nya. Humarap ulit ako sa kanya.
"Hindi na. Ok lang ako! Sige na! Pumunta ka na sa kanila! Iniintay ka na nila oh!"
"Aia, Nikki. Di pa ba kayo sasabay? Tara na!" Pumunta na rin dito si Miguel. Yung iba naglakad na palayo samin.
"Ayun nga eh! Nahihilo dahil sa init. Mukhang di na sasama." Sabi nya kay Miguel at tumingin nang nag-aalala sakin.
"Hala! Gusto mo pahatid kita kay Andrew?" Napalaki naman yung mata ko. Hay jusmiyo marimar!!! Kaya nga ako hindi sasabay dahil dun sa bakulaw na yun, kay Andrew, tapos sya pa ang maghahatid sakin?! Ano toh?! Sadya?!
"Hahahaha!!" Nakita ko na lang silang nagtatawanan! Aba! Aba! Galinggg!! Pagtawanan ba ako?! Ugh! Kainis tong love birds na toh! Psh!
"Just kidding, Aia!" Sabi ni Miguel na tumatawa tawa pa! Tawa pa more! Kabagan ka sana!! De joke! XD
"Just kidding! Just kidding! Just kidding-in ko yang mukha mo eh!" Pagbiro kong saad.
"Chill, Aia!!" Sabi naman nitong kambal kong pinaglihi sa asar! XD parehas kaming pinaglihi dun kaya inaasar ko din sya whahahah!! XD
"Maiwan ko na nga kayo, love birds!" Sabi ko at umalis na. Iniwan ko lang sila doong tawa ng tawa. Psh. Pero talagang bagay sila. Kahit di pa sila hahaha!! XD
Pagkarating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko at nahiga. Inisp ang naguguluhang Aia kanina. Hay... Sayang naman yung free food!! *pout* kasi naman yung bakulaw na yun eh!!! Hala!! Bakit sya sinisi mo kung ikaw yung kusang lumayo? Aisht!! Nababaliw na akooo!!! Waaah!! 😲😲
Sino ba naman kasing hindi maguguluhan sa nangyari kanina kung bigla ka na lang yakapin at mag-apoligize at mang-iwan sa ere na wala man lang sinasabing explanation!!!!
Nakakaloka kaaa!!! Nakakaloka kang bakulaw ka at kagabi mo pa ginugulo yung isipan kooo!!! Waaaahhh!!!
Kainis ka kainis ka kainis kaaa!!! Nababaliw na ako dito! Pinagsasabunot ko yung sarili ko at sinusuntok yung unan ko at kung ano-ano pa! Napasigaw na nga ako dito sa sobrang gulo ng utak ko! Waaahhh!! Buti na lang talaga mag-isa lang ako ngayon sa bahay.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Teen FictionHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...