Chapter 26: Thyril Wilton

12 3 0
                                    

+Nikki's POV+

Narinig ko ang boses nya sa likod at humarap sa kanya. Nakita ko ang taong bestfriend at tinuring kong kapatid sa loob ng maraming taon.

"Benj!" Sabi ko at niyakap sya. Niyakap nya din ako.

"Pat." Rinig kong sabi nya. Bumitaw kami sa pagkakayakap.

"Kamusta na?" Sabi nya at ginulo ang buhok ko.

"Ayos lang! Ikaw?" Sabi ko. Tinaas nya lang yung thumb nya at sinabing "Oks na oks!"

"Namiss kita." Sabi nya.

"Ako din." Tumalikod ako at tiningnan yung music room.

"Namiss ka ng music room na toh. Ang tagal ng walang tumutugtog nitong piano tsaka gitara dito." Sabi ko at hinawakan ang gitara.

"Ano gusto mong kanta, Pat?" Sabi nya nang kunin nya ang gitara at pumwesto na tutugtog sya.

"Hmmm..." umasta akong nag-iisip, "Anong bagong tinutugtog mo ngayon?"

"Ah! Eto eto.." sabi nya at magsisimula na sanang tumugtog nang biglang magring yung bell.

"Aish! Wrong timing naman yang bell na yan eh!!" Sabi ko at napapadyak.

"Haha!! Hayaan mo may mamaya pa naman haha!" Sabi nya nang ilapag ang gitara sa kinalalagyan nito kanina.

"Sa bagay." Sabi ko at lumabas na kaming dalawa ng music room.

Naglakad kami papuntang classroom.

"Anong section mo?" Tanong ko. Sana magkaklase ulit kami.

Di siya nagsalita. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Wala siyang sinabing kahit ano. Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hayst! 'Wag ka na ngang magpa-suspense pa dyan!!" Sabi ko at hinampas sya sa braso.

Tumawa lang sya at ginulo ang buhok ko. Aishh!!

"Saan ang section mo? Ihahatid na kita." Tanong nito sakin.

"Section 1; Gra-- ano? Hatid?" Gulat kong sabi sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti.

Tumigil kami sa paglalakad.

"Dito yun diba? Section mo." Sabi nito at oo nandito na kami sa classroom namin. Tumango ako.

"I guess doon sa kabilang room ang classroom ko." Sabi niya at tinuro ang Section 2; Grade 10. Sa kabilang section siya at ang ibig sabihin nun ay 'di kami magkaklase.

Kaya pala wala syang sinasabi kanina pa. Kapag ganun hindi niya tanggap na hindi kami magkaklase.

"Jam, ok lang 'yan. Magkatabi naman ang room natin eh." Sabi ko.

"Yeah. I know. Madami na daw kasi ang students sa section nyo kaya sa kabilang section na lang ako nilagay." Sabi niya with a bright and sincere smile.

"Benj?"

Napatingin kami sa nagsalita.

"Migs!/Miguel!" Sabay na sabi namin ni Jamjam.

"Magkakilala kayo?" Tanong samin ni Andrew. Magkasama silang dalawa ni Miguel.

"Oo. Bestfriend ko!" Sabi ko at inakbayan siya kahit mas matangkad siya sakin,
"Magkakilala din kayo?" Tanong ko naman sa kanila.

"Oo. Sila nung barkada niya yung mga kalaro namin ng basketball kapag weekend." Sabi ni Miguel. Tumango-tango ako.

"Oo nga pala, Jamjam. Si Miguel tsaka si Andrew, new friends namin tsaka classmates." Sabi ko kay Jamjam

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon