Chapter 16: She's Back!!

33 3 1
                                    

+Nikki's POV+

YEHEY!! Sabado na at susunduin na namin si Bestie K sa airport!!! 😁😁😁

"Oh. Ok na ba yung mga dadalhin natin?" Tanong saming lahat ni Casey.

Nagthumbs-up naman kaming lahat.

Andito ang Gala Girls kasama na din si Bestie J sa bahay. Eto kami at naghahanda na sa mga dadalhin namin. May pa-confetti pa kasi silang nalalaman eh hahaha!!

It's exactly 12:00 noon. 2:30 daw ang arriving time ni Bestie K.

"Tara na. Baka matraffic pa tayo." Aia.

"Sige sige." Kami.

Lumabas na yung iba at kami ni Aia ang huling lumabas kasi ilolock pa namin tong pinto tska gate. Nagsipasukan na kami sa van ni Casey.

Katabi ko si Bestie J sa right at sa left ko naman ay ang window. Driver nila Casey ang nagdadrive at nasa shotgun seat si Casey. Sa first layer ng upuan, ako, si Bestie J, Aia and Sofie. 2nd layer ay sina Marrie, Trixie at Kelly.

"Ayos lang kayo dyan?" Casey. Habang nakaharap sya samin.

"Ayos lang!!" Kaming lahat.

"Buti naman. Sige pwede kayong matulog, malayo pa naman eh." Sabi nya samin at ngumiti. Umayos na ulit sya ng upo at nagearphones.

"Grabe!! Excited na talaga ako makita si Bestie K!!!" Bestie J.

"Oo nga eh!! Ako din!!!" Ako. 😁😁

"Lahat naman tayo excited na syang makita eh!! Hihihi!!!" Aia. Oo nga naman haha!! XD

"Kamusta naman yung binake mong cake?" Tanong ko kay Bestie J.

"Ayos naman! Sana nga magustuhan nya yun eh! Hihihi!" Tuwang tuwa nyang sabi.

"Uy, Jasmin! Penge kami nyan ah!!" Sofie. Hahaha!! Tong mga toh!! XD

"Oo naman! Kasya yun sating lahat!!!" Bestie J.

After nun, kanya-kanya na kami ng ginagawa sa van. Si Marrie nagsasoundtrip. Si Trixie at si Kelly naman ay nagseselfie. Pati yung labas pinicturan. Si Sofie at si Aia nagkwekwentuhan. Si Bestie J tulog at ako naman ay nakaearphones.

Maya-maya nakatulog na din ako.

~♥~

"Ugh!! Kainis naman tong traffic na toh!! Wrong timing!!!" Sofie.

"Oo nga!! Ano ba naman toh!!!" Aia.

"Baka di pa tayo makaabot neto!!" Trixie.

"Baka naman pagdating natin doon, nakauwi na sila sa bahay! Ugh!!" Jasmin.

"Bakit ba kasi traffic eh!!" Casey.

Nagising ako sa ingay at sa mga boses na naririnig ko. Ano ba nangyayari? Nasa airport na ba kami?

"Ano nangyayari?" Ako. Tiningnan naman nila akong lahat.

"Ay sorry, Bestie! Nagising ka namin! Sige tulog ka na ulit hehe!!" Bestie J.

"Ok lang. Ano ba nangyayari? Wala pa ba tayo sa airport?" Napakusot ako sa mata ko at tumingin sa bintana since katabi ko naman yun.

"Yun na nga eh! Mukhamg natraffic pa tayo!! Tsk!" Bestie J. Napasandal na lang sya ng padabog.

"Hmm.. Mukha nga." Ako. Tumingin ulit sa kanila at nasandal na din.

"Ma'am, pasensya na po kung traffic yung nadaanan natin." Sabi nung driver.

"Ok lang po, kuya. Dumaan na lang tayo sa shortcut mamaya." Sabi naman ni Casey.

Tumingin ako sa relo ko. 1:10 na pala. Isang oras na pala kaming bumabyahe.

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon