+Miguel's POV+
Ang nakaraan...
Andito na ako sa bahay. Pumunta sa kwarto, nagpalit ng pambahay na damit at nahiga.
Bakit kaya yun ang natanong ni NikNak sakin kanina? Ang dami daming pwedeng tanungin, yun pa. -_-' Pero sino kaya yung crush nya? Kahit sinabi nyang wala baka tinatago nya lang sakin ang katotohanan. Hay naku Miguel. Think positive Miguel. Wala pa syang crush.
Pero gusto ko malaman kung may crush ba sya o wala. Eh pano ko malalaman yun.
Aha! Alam ko na! Tatanungin ko si Kuya jobert. Baka may alam sya kahit konti sa mga ganun.
End...
Ayan! Tatanong ko na kay Kuya Jobert kung pano magka-crush ang babae. ^_^
Bumaba na ako at pumunta sa kwarto ni Kuya Jobert. Andito na ako sa tapat ng kwarto nya. Kumatok na ako. Maya-maya lumabas na si Kuya Jobert.
"Bakit po Sir Miguel? May pupuntahan po ba kayo?" Sabi nya.
"Ah. Wala po Kuya Jobert. Pero may itatanong lang po sana ako sa inyo." Sabi ko.
"Ah. Ganon po ba? Sige po. Pasok muna po kayo." At pinapasok na ako sa kwarto nya.
"Sir, upo muna po kayo." Umupo ako sa side ng kama nya.
"Sir, ano pong itatanong nyo sakin? May problema po ba?" Sabay upo sa tabi ko.
"Naku kuya. Wala naman pong problema. May gusto lang po sana akong itanong sa inyo."
"Oh Sige. Ano yun? Huwag kang mahiya."
Napakamot ako sa batok ko. Ano ba toh. Bakit ba ako nahihiya? Si Kuya Jobert lang naman toh.
"Ano po kasi... Uhmm..." Sabay kamot ulit sa batok. Ano ba toh. -_-
"Sige po sir. Ok lang po yan. Ano po ba yun? Huwag po kayong mahiya sakin. Matagal na rin naman po ang napagsamahan natin e." Sabay ngiti nya.
"Nacu-curious lang po kasi ako. Gusto ko po kasing malaman kung may gusto po sakin yung crush ko." Sabi ko habang kinakamot ang batok ko.
"Ah. Yun lang pala Sir. Hehe! Kayo talaga." At napangiti ako sa sinabi nya. =)
"Si Ma'am Nikki po yan noh?" Sabi nya nang nakangiti.
Tumango ako at ngumiti ng nahihiya.
"Naku! Sinasabi ko na nga ba e. Hihihi! Mahal mo sir noh? Hehehe! Naalala ko pa po nung unang araw nyo syang nakilala at kinwento nyo sya sakin... Nakikita ko po sa mata nyo sir na... Love at first sight yun... Hindi ko maikakaila... Bagay kayo... Kaya... Gumawa ka na ng move... Ligawan mo... At pagsinagot ka... Mahalin mo... At wag mo na pakakawalan..." Sabi nya. Tumagos sa puso ko yung mga sinabi ni Kuya Jobert ah.
Napangiti ako. Tama si Kuya... Mahal ko sya... At love at first sight yun...
Ngumiti si Kuya Jobert at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Para malaman mo kung may crush sya sayo... Sa isang tao lang umiikot ang mundo mo. Ibig sabihin... Iisang tao lang ang kanyang tinitingnan. Example... Parang silay-silay ganyan. Naninimple ng tingin. Yung mga ganun.
BINABASA MO ANG
Heart Snatcher~
Novela JuvenilHeart Snatcher~ Ito ay tungkol sa siyam na babaeng mga baliw. Siyam na babaeng magkakasama lagi sa lahat ng bagay. Siyam na babaeng walang ibang ginawa kundi gumala nang gumala. Siyam na babaeng masaya at ine-enjoy lang ang highschoo...