Chapter 27: Jealous

25 3 1
                                    

+Miguel's POV+

"Thyril Wilton!!" Sigaw ng dalawang babae kaya napatigil ako sa paglalakad.

Huli na para maglakad palayo sa kanila nang mayakap nila ako mula sa likod. Aish.

"Waah!! Thyril!! Papicture naman po!!" Sabi ng isang babae na sobra kung makayakap sakin na parang nakakita ng artista.

Tinanggal ko ang pagkakayakap nila sakin at hinarap sila, "Excuse me? Sorry pero di ako ang tinutukoy niyong lalaki."

"Hindi ako pwedeng magkamali! Ikaw si Thyril Wilton! Ikaw yun!" Sabi ng babae.

"Maniwala kayo. Hindi ako yun." Sabi ko at naglakad na muli palayo sa kanila.

Kaso hinarangan nila ang daanan ko at may ipapakita sana yung isang babae sa phone nya.

"Eto ang patunay na ikaw si Thyril Wilton!" Sabi ng babaeng may hawak ng phone at pinakita ang picture sa phone nya.

"Sino ba yang Thyril na yan? Masyado nyong pinagkakaguluhan ang pinsan ko." Biglang sulpot ni Andrew at inagaw sa babae ang phone.

"Hey! Give me back my phone!!" Sabi nito at akmang kunin ang phone nya pero di nito magawa dahil sa katangkaran ng pinsan ko. Hahaha! XD

"Ano! Ano ha! Kukunin mo pa?" Sabi ni Insan sa babae na pilit pa ding kinukuha ang phone nya.

"Urrghh!" Sabi nito at napapadyak.

Tiningnan naman ni Andrew ang phone ng babae.

"Wah! Kamukha mo pala tong Thyril na sinasabi nila eh! Tignan mo!" Sabi nito na gulat na gulat at pinakita sakin ang phone. Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa phone.

 Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa phone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kamukha ko lang yan pero di ako yan." Sabi ko. Binalik ni Andrew ang phone sa babae. Hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Yan ang nakikita ko sa mukha nila.

"Oo nga! Tsaka mas gwapo pa nga si Insan dyan sa Thyril na yan! Diba Insan?" Sabi ni Andrew at napaismid ako.

"Hindi kami naniniwala." Sabi ng isang babae at naghalukipkip.

"Aisht! Bakit? Kilala nyo ba yang Thyril na yan? Close kayo ah? Close kayo? Sinabi niya ba sa inyong dalawa na dito siya nag-aaral? Siguraduhin niyo muna kung sino yung binabangga niyo ok? Hayst!" Sabi ni Andrew sa dalawang babae.

Napairap ang dalawang babae. Hindi sila nakaimik at mataray na nag-walk out.

"Hay salamat naman umalis na yun!" Sabi ni Andrew, "Teka nga, insan. Akala ko ba ligtas tayo dito sa Pilipinas. Bakit nila--"

"Tara. Umuwi na tayo. Nakakapagod ang araw na ito." Pagputol ko sa anumang sinasabi niya.

Sumunod na lang si Andrew at naglakad na kami papuntang van. Sumakay na kami dito at umuwi sa bahay.

Heart Snatcher~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon