Three

6.1K 161 8
                                    

Jessa's POV


UMUWI si Jessa na bagsak ang mga balikat matapos puntahan ang Tita Beth niya, kapatid ito ng Mommy niya pero wala rin siyang napala. Tumanggi itong pautangin siya kahit na halos magmakaawa siya dito. Ganun din ang ibang mga kamag-anak nila na nilapitan niya. Iisa ang sagot ng mga ito at mga walang balak pautangin siya. Sa dami ng mga kamag-anak nila wala siyang nahingan nang tulong kahit isa. Samantalang noon natatandaan niya laging lumalapit ang mga ito sa Mama niya lalo na sa Papa niya. Mga nangungutang at nagsasanla. Pero bakit ngayong sila ang nangangailangan nang tulong wala man lang gustong tumulong sa kanila?

Nakakasama ng loob. Nakarinig pa siya nang masasakit na salita, kesyo bobo raw kasi ang Papa niya at uto-uto. Pagod at sama ng loob lang ang napala niya. Naubos ang buong araw at pamasahe niya sa pagbabakasaling may isa man lang sa mga kamag-anak nila ang makakatulog sa kanila pero wala, nga-nga!

Isa na lang ang naiisip niya. Ibenta ang bahay. Malaki ang bahay nila, mansion na ngang maituturing, ang alam niya milyon ang halaga ng bahay nila. Pwede niya iyong ibenta at ang matitira ay kukuha siya ng mas maliit na bahay para sa kanilang mag-ama. Nagmamadali na siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Wala ang Papa niya pagdating niya. Agad siyang umakyat sa library kung saan nagsisilbing opisina noon ng Mama niya.

Ganoon pa rin ang ayos niyon walang binago at pinanatiling ganoon kung paano ito iniwan ng Mama niya. Biglang kumirot ang puso niya sa alaala ng ina. Kung nabubuhay siguro ito hindi ganito ang buhay nila ng Papa niya. Hindi niya kailangang lunukin ang pride at magmakaawa sa ibang tao para makahingi nang tulong.

Nilapitan niya ang desk ng Mama niya at dinampot ang picture frame nito roon. Naupo sa swivel chair habang tinititigan ang picture ng ina.

"Ma, bakit kasi nagmadali kang umalis? Hindi ko tuloy alam kung paano ako hahanap ng sampung milyon pang bayad sa utang ni Papa," pagkausap niya sa litrato ng ina. "Sapian mo naman ng kahit konting swerte si Papa." Suminghot siya at hinaplos ang litrato ng Mama niya. "Kailangan kong isangla itong bahay o ibenta nang tuluyan para hindi chop-chopin si Papa. Si Papa naman kasi nagpauto sa Ninong, ngayon kailangan naming magbayad ng sampung milyon!" maktol niya saka napahagulgol.

Ayaw niya rin namang ibenta ang bahay nila. Dito na siya lumaki at nagkaisip. Maraming memories ng Mama niya ang naririto sa bahay na ito. Mahal niya ang bahay na ito dahil pakiramdam niya kapag nandito siya kasama niya pa rin ang ina.

Pero kailangan niya itong bitawan pati ang memories ng Mama niya alang-alang sa Papa niya. Tinuyo niya ang luha at ibinalik ang picture frame sa puwesto nito.

Binuksan niya ang cabinet para kunin ang susi sa filing cabinet na pinaglalagyan ng mga papeles. May mga notebook, mga resibo at ballpen na naroroon. Hanggang sa natigilan siya nang makita ang sobre na galing sa isang bangko. Bigla siyang kinabahan. Dinampot niya ang sobre. Bukas na iyon. Kinuha niya ang laman sa loob at binasa ang nilalaman.

Nanlumo siya ng malamang notice iyon galing sa banko. Mayroon na lang silang ilang lingo para matubos ang bahay nila. Nakasangla pala ang bahay nila!


IYAK SIYA nang iyak nang makausap ang Papa niya. Inamin nito na last year pala nakiusap ang pinsan ng pinsan ng Papa niya at nanghihiram ng pera dahil nakulong ang anak nitong na sa saudi. Malaking halaga raw ang kailangan dahil kailangan daw magbayad ng private lawyer para gumalaw ang kaso, sa dami raw kasi ng inaasikaso ng COA hindi raw matutukan ang kaso ng anak nito. Kaya lumapit ito sa Papa niya at nanghingi ng tulong. Naawa naman daw ang Papa niya kaya naisipang isangla sa bangko ang titulo ng bahay nila para mapautang ang pinsan ng pinsan nito.

"N-Nangako naman si Magda, anak, magbabayad naman daw sila."

Hindi niya kilala ang Magda na tinutukoy nito pero kilala niya si Tita Chet na pinsan ng Papa niya na pinsan naman nung Magda. Kakagaling niya lang sa Tita Chet niya kanina at pinagtabuyan siya nito at tumangging pautangin siya samantalang nasa abroad ang lahat ng anak nito!

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon