Jessa's POV
BAGSAK ang balikat nang lumabas siya sa opisina ng Dean.
Tinanggalan na siya ng scholarship. Kailangan na niyang bayaran ang tuition fee niya sa susunod na semester. Saan naman siya kukuha ng three hundred fifty thousand?
Hindi niya rin basta-basta makukuha ang mga credentials niya para lumipat sa state University dahil kailangan niyang bayaran ang fifty percent ng scholarship. At saan siya kukuha no'n?
Naiiyak siya dahil sa nangyayari. Bakit parang hindi siya nauubusan ng problema? Pagkatapos ng isa may dumarating na naman. Parang gusto na niyang sumuko sa totoo lang.
Napaupo siya sa isang bench dahil pakiramdam niya hapong-hapo ang katawan niya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral para makahanap siya ng disenteng trabaho.
Anong gagawin niya ngayon?
Hindi naman siya nagulat na malaman ng Dean ang tungkol sa mga malalaswang litrato niya. Dahil doon kaya siya na tanggalan ng scholarship. Paglabag daw iyon sa school morality.
Napaismid siya. Wala namang moral ang mga estudyante dito sa Westwood, dahil nga sa puro anak ng mayayaman amg mga nag-aaral dito puro rin may sungay ang mga estudyante.
"Bakit nakasambakol ang mukha mo?"
Napalingon siya sa nagsalita. Si Ycos. Nakangiti ito sa kanya. Napaayos siya ng upo. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Parang pasan mo ang daigdig ngayon ah... Kamusta ka na?" pabirong anito pero malungkot ang mga mata.
Napatitig siya kay Ycos. Guwapo talaga ito, napaka-amo ng mukha pero bakit ganoon, wala na ang usual na kilig na nararamdaman niya kapag nakikita niya ito. Hindi na rin bumibilis ang tibok ng puso niya kapag malapit ito sa kanya.
Siguro dahil mas lamang ang lungkot at panghihinayang na nararamdaman niya ngayon.
Napabuntong-hininga siya.
"Wala na akong... S-Scholarship..." hindi maiwasan ang pagpiyok na aniya dito.
Hindi na siya nahiyang sabihin dito ang dahilan kung bakit para siyang binagsakan ng langit at lupa. Kailangang-kailangan niya ng mahihingahan ng sama ng loob sa mga oras na ito. Pakiramdam niya sasabog na siya kapag di niya nailabas ang nararamdaman.
"Dahil ba sa nangyari?" nakikisimpatya na anito.
Iniunat niya ang mga binti at tinitigan ang sapatos niya. Bago iyon. Kasama sa mga binili ni Xyrius sa kanya. Kung tutuusin sa halaga ng mga binili ni Xyrius kaya ng bayaran non ang tuition niya hanggang maka-graduate siya.
Ibenta ko kaya? - kaso ibinili iyon ni Xyrius para sa kanya. Kita niya ang saya sa mga mata nito habang pinamimili siya. Ayaw niya namang magalit ito sa kanya kapag nalaman nitong binenta niya ang mga ibinigay nito.
"Oo..." malungkot na pag-amin niya.
Hindi na siya nahihiya na malaman nito ang totoo. Alam niya naman na hindi siya nito huhusgahan. Nalaman niya kay Mina na isa si Ycos sa mga nagtanggal ng mga pictures niya sa ibang panig ng school, ang ibig sabihin concern ito sa kanya at hindi siya hinuhusgahan kagaya ng iba.
"Paano ka niyan ngayon?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi ko naman makukuha ang mga credentials ko dahil kailangan ko pa ring bayaran ang fifty percent ng tuition fee. Siguro baka huminto na lang ako sa pag-aaral at magtrabaho."
Nanghihinayang man pero hindi na siya umaasa na makakapagtapos siya ng pag-aaral. Dahil kahit magtrabaho siya nang magtrabaho hindi siya makakaipon ng malaking halaga sa ilang buwan lang.
Kung utangan ko kaya si Xyrius tapos ipa-extend ko na lang ang contract? - anang isip niya. Siguro naman hindi siya nito tatanggihan. Siguro naman kapag nagsawa na siguro ito sa kanya naka-graduate na siya.
"Ahmm... Kung gusto mo puwede kitang tulungan," ani ni Ycos.
Napalingon siya dito. Nasa mga mata nito ang determinasyon na makatulong. Bakit kaya hindi sila naging ganito ka-close ng wala pang Xyrius sa buhay niya? Siguro kung noon pa ito naglalapit sa kanya baka may unawaan na sila ngayon.
"Wala akong maibabayad." Kahit naman naisip niyang mangutang kay Xyrius at ibayad ang sarili niya hindi naman niya kakayaning i-offer ang sarili niya dito kahit ex-crush niya ito.
Ex-crush? - napataas ang kilay niya hindi na nga ba niya crush si Ycos?
"Hindi mo naman kailangang bayaran." Ngumiti ito at kita niya ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. "May foundation ang tito ko, puwede kitang ilapit sa kaniya. Kung gusto mo puwede ka ring mag-part time sa company niya, actually nagpa-part time ako sa kanya. Ang foundation din ang nagpapa-aral sa akin."
Namilog ang mga mata niya sa narinig. Nakasilip siya ng pag-asa.
"T-Talaga? pumayag kaya ang Tito mo?" nabuhayan ng pag-asang tanong dito.
Tumango naman ito ng sunod-sunod. "Oo naman, mabait si Tito Trevor kahit mukhang hindi," anito at binintutan pa nang pagtawa.
Napangiti na rin siya. Mukhang anghel na bumaba sa langit ang tingin niya kay Ycos. Tama nga sila walang ibibigay na pagsubok ang Diyos na hindi kayang lusutan ng mga tao. Patunay na siya roon.
Naiiyak na nayakap niya ito. Halata namang natigilan si Ycos pero maya-maya pa ay naramdaman na niya ang mga kamay nitong gumaganti na rin ng yakap sa kanya.
"Salamat, Ycos..." aniya dito at pinahid ang luha niya. Bumitaw siya dito at nakangiting pinisil niya ang pisngi nito. "Ang guwapo mo na ang bait mo pa, siguradong suwerte ang babaeng mamahalin mo!" aniya dito na ikinapula ng pisngi nito.
Hindi pang bobola ang sinabi niya. Totoong suwerte ang babaeng mamahalin ni Ycos. Mabait ito, gentleman at masipag. Bonus na nga lang na magandang lalaki ito dahil lahat ng katangian ng isang perfect boyfriend ay naririto na.
Nakaramdam siya ng inggit sa babaeng nakatakdang mahalin ni Ycos. Sana siya na lang iyon. Pero alam niyang malabo na iyong mangyari... dahil mukhang may iba ng laman ang puso niya.
"Eh, di ang suwerte mo pala?" nakayukong ani ni Ycos. Mahina lang ang boses nito pero dinig na dinig niya ang sinabi nito. Natigilan siya. Kung noon nito iyon sinabi baka nangisay na siya sa kilig. Minabuti niya na lang na magkunwaring hindi narinig ang sinabi nito.
"Ang mabuti pa ililibre kita sa canteen!" masiglang aya niya kay Ycos.
Tumingala naman ito at tumitig sa kanya saka ngumiti ito at tumayo. Nilahad nito ang kamay sa kanya.
"Tara! Gutom na rin ako eh!"
Nakangiting tinanggap niya ang kamay nito at sabay silang naglakad patungo sa canteen.
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Kahit papaano may pag-asa pa siyang matuloy ang pag-aaral niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...