Forty Two

4K 149 1
                                    

Jessa's POV

NAPAPITLAG siya sa malakas na pagsigaw ni Xyrius. Mukha itong papatayan ng tao. Namumula ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata. Kinabahan siya dahil baka bigla na lang siya nitong sakalin. Napaatras siya papunta sa pintuan ng sasakyan nito.

"A-Ano n-na naman ba?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong niya dito.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila galit na galit ito sa kanya. Mabilis niyang ni-recall sa isip ang mga napag-usapan nila.

Shit, napikon ata! - napikon ata ito sa mga biro niya rito kanina. Natatawa kasi siya sa reaksiyon nito kanina ng sabihin niyang ayaw niyang humingi ng tulong dito. Hindi naman niya alam na sobrang mapipikon ito.

"Who the fucking fuck helped you?" nagngangalit ang mga bagang na tanong nito sa kanya niya. Salubong na salubong ang kilay nito sa pagkakakunot ng noo nito.

Napalunok siya at saglit na nataranta kung sasabihin niya ba uli o hindi.

"Say it!" malakas na sigaw na naman nito.

Napangiwi siya. "S-Si Y-Ycos nga..."

"Fuck!" mura nito sabay hampas sa manibela pagkatapos ay dinuro siya nito. "You will not accept his help, do you understand? Ako ang tutulong sa'yo sa akin ka dapat magkaroon ng utang na loob!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad na umakyat ang galit sa ulo niyo kaya malakas na tinabig niya ang kamay nito.

"Wala kang karapatan na magdesisyon para sa akin! Hindi ikaw ang Tatay ko at lalong hindi kita boyfriend kaya wag kang umasta na parang may karapatan ka ng kontrolin ang buhay ko!" sigaw niya dito. Taas baba ang dibdib niya sa hingal dahil sa sobrang galit.

Natigilan naman ito at tila natauhan. Saglit na nagtitigan sila hanggang sa nag-iwas ito nang tingin sa kanya pero hindi nakaligtas sa kanya ang sakit na dumaan sa mga mata nito.

Bigla ang kurot ng konsensiya sa kanya. Masyado atang sumobra na ang bibig niya. Pero nakakainis naman kasi dahil sobra-sobra na ang pangingialam nito. Mas marunong pa ito sa Tatay niya. Kung tutuusin katawan lang naman niya ang binabayaran nito at hindi ang buong pagkatao niya.

Napabuntong-hininga siya. Pareho silang hindi umimik. Ilang minuto pa ay pinagana nito ang makina ng sasakyan. Tumanaw siya sa bintana at pinanood ang mga dinaraanan nila. Na-gi-guilty siya pero nahihiya naman siyang mag-sorry.

Nakarating sila sa bahay. Walang imikang pareho silang bumaba ng sasakyan. Nauna pa siyang pumasok. Nararamdaman niyang nasa likuran niya si Xyrius habang sinususian niya ang pintuan. Napatagal pa siya sa pagbubukas niya sa pintuan dahil nanginginig ang kamay niya.

Nang mabuksan ang pinto binuksan niya iyon at pinauna nang pumasok si Xyrius wala pa rin itong imik. Nakasunod ang mga mata niya rito hanggang sa naupo ito sa sofa. Siya naman ay dumiretso na sa taas. Hahayaan na lang muna niya si Xyrius na lumamig ang ulo.

Nagbihis siya at nagpalit ng damit saka bumaba uli para magtungo sa kusina. Nadaanan niya pa si Xyrius na nakataas ang paa sa center table at ang isang kamay ay nakasampay sa sandalan ng sofa. Nakatingin ito sa TV pero mukhang wala naman doon ang isip nito. Nagkibit-balikat na lang siya at pumasok na sa dirty kitchen. Inihanda niya ang lulutuin para sa hapunan nila naging busy na siya kaya hindi niya namalayan na nasa pintuan na pala si Xyrius at pinagmamasdan siya.

"Ay anak ka ng ina mo!" napatili siya nang mapaharap siya sa gawi nito. Napasimagot ito at inirapan siya saka muling umalis. Inis na binato niya naman ang hawak na sibuyas sa gawi nito. "Siraulo talaga!" inis na bulong niya sa sarili saka muling hinarap ang ginagawa.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon