Twenty three

4.8K 166 3
                                    

Jessa's POV

BADTRIP pa rin siya kaya hindi niya pinapansin si Xyrius. Nagkakape na ito sa lamesa pagkatapos nitong pulutin at walisan ang ang kinalat nitong basura. Ilang beses itong sumubok na kausapin siya pero tinitignan niya lang ito ng masama.

"Oh, kumain ka na!" aniya saka padabog na ibinaba ang pagkain sa sarap nito.

"Are you mad?" tanong nito.

"Anong gusto mo matuwa ako sa'yo? Binayaran mo man sa banko itong bahay namin hindi naman sapat na dahilan 'yon para manira ka ng mga gamit dito! Nakita mo yan?" turo niya sa upuang kahoy na sinipa nito kanina - bali ang sandalan niyon. "Alam mo bang mahal na mahal ng Mama ko yan? Mas matanda pa sa'kin yan tapos sisipain mo lang? Alaga pa yan sa barnis na Papa ko!" galit na sumbat niya dito. Mukha namang nakonsensiya ito dahil napangiwi ito at napayuko.

"Tapos yung pintuan ng banyo ko sa taas sinira mo pa--"

"Dahil hindi ka sumasagot!" katwiran nito.

"Eh ano naman?" talak niya dito. "Sa lahat ba ng oras kailangan sagutin kita? Hindi ka ba puwedeng makapaghintay na lumabas ako ng banyo?" galit na talak niya, nagtataas baba ang dibdib niya sa sobrang inis.

Naiinis siya sa mga ikinakatwiran nito. Anak mayaman kasi kaya okay lang dito na manira ng mga gamit palibhasa marami itong pambili. Pero hindi siya! Pinalaki siya ng Mama niya na pinapahalagahan ang mga bagay na nasa paligid niya dahil hindi madaling kumita ng pera. At ngayong wala na ang Mama niya kasabay ng pagkawala ng mga yaman nila mas natutunan niyang magpahalaga. Bawat cinco sa kanya may bilang, bawat kasangkapan sa bahay nila - mapamura o mahal man - mahalaga dahil hindi na sila mayaman. Hindi nila alam kung kapag nasira ba ang mga gamit nila e makakabili pa sila no'n.

Bumuntong hininga ito.

Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita, "hindi porke binabayaran mo ako e, bawat segundo ng buhay ko para sa'yo na. Kahit p*kpok may day off din, Xyrius. Kahit tiga-walis diyan sa kalsada namamahinga din!" hinihingal na sigaw niya dito. Sumusobra na ito masyado. Serbisyo lang naman niya ang binili nito hindi ang buong buhay niya.

"I'm sorry..." mahinang anito at halos pabulong na lang.

Nagulat pa siya sa malumanay at sinsero nitong paghingi ng dispensa.

"I... I was scared last night..." nakayuko ito at nilalaro-laro ang tinidor. Mukha itong batang mangungumpisal ng kasalanan. Mukha itong maamo at hindi si Xyrius na mayabang at dominante.

Natigilan naman siya ng maalala niya na bago ito masubsob sa kanya sinabi nito na tinakot niya raw ito. Bigla siyang na-curious.

"Saan ka naman natakot aber?" pagalit pa rin na tanong niya pero hindi na gano'n ka-convincing.

"To you... I'm scared that I might lose you."

"Ha?" Mas lalo naman siyang naguluhan. "Paano naman ako mawawala e, naliligo lang ako?" naguguluhang tanong niya dito. Praning masyado!

"My mother died in a b-bathtub..." pumiyok ang boses na anito. Kumuyom rin ang kamao nito na nasa ibabaw ng lamesa.

Siya naman ay nabigla sa sinabi nito kaya hindi siya naka-imik. Hindi niya rin alam kung totoo o hindi ang sinabi nito.

Pero may namamatay ba sa bathtub? - bigla naman siyang kinilabutan.





Xyrius' POV

IT WAS an awful event of his life that he wants to forget.

Pero kagabi parang bumalik sa kanya ang lahat habang kinakatok niya ang pinto ng banyo ni Jessa.

Alam niya na nandoon si Jessa base sa mga gamit nitong nakakalat.

He was knocking countlessly but Jessa didn't answer. He started to get worried. Idagdag pa na masama na talaga ang pakiramdam niya pagkaahon niya sa pool kahapon.

Umahon ang takot sa kanya at nanariwa sa kanya ang nangyari sa mommy niya.

"My Mother drowned in a bathtub," He said and the familiar pain attacked him.

Gabi no'n, it was christmass eve. They're supposed to celebrate Christmas together.

"Nadaanan ko si Daddy na kinakatok ang banyo hindi ko na sana papansinin pero nagpa-panick na siya. Lumapit ako at nalaman kong halos mag-iisang oras na ang Mommy ko sa loob ng banyo. Ang alam ni Dad maliligo lang si Mommy. Hindi nagbababad si Mommy dahil sipunin siya..." natawa siya sa ala-ala ng Mommy niya. Masaya ang kabataan niya kasama ang Mommy niya. "Nang mabuksan namin ang pinto... W-wala na si Mommy..."

Nakita na lang nila ang Mommy niya na nakalubog sa bathtub at nakadilat ang mga mata... wala ng buhay. Naalala niya pa kung paano sumigaw at maglupasay ang Daddy niya nang makita ang Mommy niya sa ganoong ayos.

Ang Mommy niya ang naging mundo niya simula ng lumabas siya sa mundo at gumuho ang mundo niya kasabay ng pagkawala ng Mommy niya.

Ito ang una niyang kaibigan, ang una niyang bestfriend. Iba ang Mommy niya sa ibang ina, hindi siya nito pinipilit mag-aral kung ayaw niya. Sinasamahan siya nitong gawin ang gusto niya. Ang Mommy niya ang pinaka-cool sa lahat. Hindi nga siya nahihiyang masabihang Mama's boy - he was proud that he is his mother's boy.

Mahal na mahal niya ang Mommy niya kaya hindi niya matanggap ang pagkawala nito lalo na nang sabihin ng mga imbestigador na suicide ang nangyari. Galit na galit siya dahil hindi siya naniniwala doon.

Masayahing tao ang Mommy niya. Hindi ito suicidal gaya ng sinasabi nila pero... sumuko na ang Daddy niya at tinanggap na lang na wala na ang Mommy niya.

"We need to move on, Xyrius... I can't lose you too, Son. You're the only one left to me now..."

Para sa kanya cryptic ang sinabi na iyon ng Daddy niya. Mahal siya ng kinilala niyang ama at alam niyang mahal na mahal din nito ang Mommy niya. May dahilan kung bakit ayaw na nitong ungkatin pa ang kaso ng Mommy niya.

"Sshhhh..." Niyakap ni Jessa ang ulo niya at pinahilig sa dibdib nito. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Tahimik lang si Jessa at hindi nagsasalita. Nanatili lang itong nakayakap sa kanya at ayaw man niya hindi niya napigilan ang mga luha. Jessa make him feel that is okay to cry at yun ang ginawa niya.

Hindi siya umiyak ng iburol ang Mommy niya kahit ng ilibing ito. Ngayon lang. At parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib niya.

"They killed her..." sumbong niya dito na para bang kilala nito ang gumawa niyon sa Mommy niya.

Hindi ito kumibo pero napapitlag ito mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Hindi ito nagsasalita pero sapat na ang mga yakap nito para sa kanya.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon