Fifty One

4.3K 160 7
                                    

Jessa's POV

TULALANG tinanaw niya na lang si Xyrius na palayo sa kanya pagkatapos siya nitong halikan. Nahipo niya ang mga labi, parang nararamdaman niya pa ang mainit na paghalik nito sa kanya kanina. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi pero saglit lang at napaawang na naman ang mga labi niya at malakas siyang napasinghap. Natutop niya ang kanyang bibig.

Bigla niyang na-realize ang nangyari. Nag-sorry sa kanya si Xyrius at hindi lang ito basta nag-sorry. Tinanong siya nito kung sasagot ba siya ng 'oo' kung magpo-propose ito!

At may dinner date sila! Ibig ba noong sabihin may balak na itong mag-propose sa kanya? For real?

Wala siya sa sarili maghapon. Iniisip niya ang dinner date na sinasabi ni Xyrius. Hindi na niya nakita ang binata maghapon. Kung hindi dahil kay Mina na kumakaladkad sa kanya sa mga subject nila baka inugat na siya sa classroom nila sa algo. Wala rin ang isip niya mga lecture.

Pagsapit ng hapon nagpaalam sa kanya si Mina na susunduin ito ni Kristoff.

"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niya. "Sabay ka na lang kaya sa amin?" ani pa nito.

Mabilis siyang umiling-iling. "H-Hindi na. Okay lang ako. Ingat ka," aniya na over animated kaya mas lalong nagtaka si Mina.

"Are you sure?" nagdududang tanong nito.

"Yup!" aniya at nag-thumbs up pa. "Oh, ayan na pala si Kristoff!" aniya nang makitang papalapit si Kristoff sa kanila. Lihim na nilingon niya ang likuran ni Kristoff nagbabakasali na baka kasama nito si Xyrius at susunduin na rin siya. Pero mag-isa lang ito. Medyo disappointed siya pero inisip niya na lang na sa bahay siya dadaanan ni Xyrius.

"He's here..." anas ni Mina na tila nanigas sa kinatatayuan. Natawa siya sa kaibigan.

"Oo, kita ko nga," biro niya rito at tinusok pa ito sa tagiliran. Napapitlag naman si Mina at agad na namula ang mukha.

"Hi, Jess," bati sa kanya ni Kristoff pagkatapos ay bumaling kay Mina. "Hi..." anito.

Ang cute nilang tignan parehong mukhang nagkakahiyaan.

"Let's go?" tanong ni Kristoff sa kaibigan niya.

Muli namang bumaling sa kanya si Mina. "Sigurado ka hindi ka na sasabay?"

"Oo nga ang kulit mo," natatawang pagtataboy niya dito.

Inalalayan na ni Kristoff si Mina at umalis na nagtungo ang mga ito sa kabilang way papunta sa parking lot. Naglakad na rin siya papunta sa gate ng University. Paglabas niya ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang makita si Xyrius na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa kanya.

May nakapatong pang bouquet ng mga pulang rosas sa ibabaw ng kotse nito. Kinuha nito ang bulaklak at ginamit pangkaway sa kanya.

Halos mahigit niya ang paghinga habang nakatitig dito. Napakaguwapo nito sa suot nitong itim na ralph lauren long sleeves na nakatupi hanggang siko ang manggas. Nakataas ang sulok ng labi nito. Bagay na mas lalong nagpapadagdag ng appeal dito.

Dati naiinis siya kapag ngumingiti ito ng ganoon pero ngayon kinikilig na siya.

Malala ka na Jessa!

Humakbang si Xyrius papalapit sa kanya dahil nanatili siyang nakatayo.

"Roses for my, doll." Nangingislap ang mga mata nito. Iniabot nito ang bouquet sa kanya. Nakakagat labing kinuha niya iyon. Hinawi niya pa ang buhok ay iniipit sa tainga niya. Bigla naman siyang kinurot ni Xyrius sa ilong. "Stop doing that, doll, you're turning me on," paos na anito.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon