Xyrius' POV
MABILIS na isinara niya ang pinto nang makalabas siya sa kuwarto ni Jessa. Mahigpit na naikuyom niya ang mga kamao dahil parang pinipiga ang puso niya sa sinabi ni Jessa. Mas gugustuhin pa nitong magbenta ng mga internal organs nito kaysa ang makasama siya.
Parang gusto niyang magwala dahil sa sinabi nito. Paano niya gagawin iyon ng hindi siya nasisiraan ng ulo?
Bumaba na lang siya at dumiretso sa bar sa ibaba. Hindi na siya nag-abalang magsalin ng alak diretso niyang tinungga ang bote.
"Mayroon pa akong atay at balun-balunan. May puso pa ako... y-yung m-mata ko p-puwede ding--"
Parang naririnig niya pa ang sinabi ni Jessa. Mas pipiliin pa nitong magbenta ng mga internal organs kaysa ang makasama siya.
"Sh*t!" mura niya ng gumuhit ang pait sa lalamunan niya.
Kung maibabalik niya lang ang oras hindi sana siya pumayag noon na mag-escort kay Emma sa Christmas ball ng senior high ito. Hindi niya sana nakita si Jessa noon.
Naiinis siya dahil pinilit siya ng Daddy niya na samahan si Emma sa Christmas ball ng mga senior high para maging escort nito.
Wala siyang choice kung hindi sumunod kahit pa mas gusto niyang sumama kina Gareth at Kristoff na mag-island hopping gamit ang niregalong yate kay Gareth para sa kaarawan nito sa susunod na linggo.
Business partner ng Daddy niya si Tito Juancho na ama ni Emma kaya pinakiusapan siya ng Daddy niya na samahan si Emma.
Alam niyang kinulit ni Emma ang Daddy niya para mapilitan itong kausapin siya.
Kahit gusto niyang tumutol hindi naman niya magawang hindi sundin ang utos sa kany ng Daddy niya.
Inip na inip na siya habang nakaupo sa tabi ni Emma sa pabilog na lamesa kasama ang mga kaibigan nito. Inilibot niya ang mga mata at sinuyod ang mga babaeng naroroon. Maraming magaganda at hubog na hubog na ang katawan pero nakakasawa dahil parang pare-pareho na ang mga babaeng naroon hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa isang sulok. Nakaupo roon ang isang babae na iwinasiwas ang kamay para maitaboy ang mga lalaking nagtatangkang ayain itong sumayaw.
Napataas ang kilay niya. Ito lang ata ang tila walang pakialam sa paligid. Mukhang inip na rin ito kagaya niya. Nakasimangot ito habang nakahalukipkip.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng babae. Napansin niya na maraming lalaking nakatingin dito pero mukhang nag-aalangan na lapitan ito dahil sa nakitang pananaboy nito sa ibang lalaking nagtangka.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...