Jessa's POV
NASA SALA si Xyrius at nanonood ng TV ng bumaba siya. Gabi na at dahil hindi nan siya nakakain ng ayos kanina gutom na gutom na siya.
Nagkatinginan sila ni Xyrius nang madaanan niya ito. Inirapan siya nito at hindi pinansin.
Ang kapal ng mukha mo ikaw pa may ganang mang-irap diyan!
Inismiran niya rin ito kahit hindi na nakatingin sa kanya. Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng makakain. May nakita naman siyang mansanas, yun na lang ang kinuha niya at gatas.
Kumakain siya sa lamesa nang pumasok si Xyrius. Lumapit ito ref at nagkalkal. Paismid na nag-iwas naman siya nang tingin dito.
Na-curios siya nang makita itong naghihiwa ng bawang at sibuyas. Pagkatapos ay inilabas nito ang chicken breast. Nilagyan nito ng mantika ang kawali na nakasalang sa stove. Agad na nangamoy ang ginisang bawang at sibuyas. Naglaro sa ilong niya ang aroma. Napalunok siya at napakagat sa mansanas.
Sinunod na isinama nito sa gisa ang chicken breast, tinimplahan ng asin at paminta saka dahon ng laurel. Biglang parang nanubig ang bibig niya. Mukhang alam na niya kung ano ang nikuluto nito.
Adobo. Yung paborito niya. Pero hindi naman nito alam na paborito niya ang adobo saka marunong pala itong magluto ng Filipino dish? Kanina kasi fish fillet na may white souce ang niluto nito. Natikman niya iyon at masarap. Creamy at malasa. Ang kaso nga lang sa sobrang galit niya dito nag-walk out na lang siya.
Kumalam ang sikmura niya at napalingon sa kanya si Xyrius nakataas ang kilay habang siya naman ay may pilit na ngiti. Parang nawalan ng lasa ang mansanas parang mas gusto na niya ang niluluto nito. Huli siyang nakatikim ng adobo ay nung nandito pa sila Manang.
Miss na miss na niya ang adobo ni Manang lalo na ang adobo ng Mama niya. Tumayo siya at pasimpleng lumapit kay Xyrius at nakidukwang sa niluluto nito.
"Masarap yan kapag nagmamantika sa sangkutsa," suhestiyon niya dito pero hindi ito kumibo. Napalabi na lang siya ng hindi siya nito pansinin. Dapat nga patuwa pa ito at kinakausap niya ito.
Naglagay ito nga toyo.
"Tantiyahin mo baka umalat," aniya ng hindi ito gumamit ng measuring cup. "Si Mama kasi half cup ang toyo tapos one third ang suka saka konting tubig tapos pakukuluin at lalagyan ng kaunting asukal para ma-balance ang alat at tamis."
"I'm not your mother," masungit na sagot nito.
"Sinabi ko ba--Oh, tama na, tama na, aasim, ayoko ng maasim," aniya ng mapadami ang lagay nito ng suka.
"Hindi ko ito niluto para sa iyo."
"Hindi mo naman mauubos yan!" Halos nasa kalahating kilo ata ang chicken breast na niluto nito. Sobra-sobra iyon para sa isang tao.
"Who told you?"
Napamaang siya dito. Ibig sabihin wala itong balak na bigyan siya?
"Napakadamot mo naman!"
"Tss!" palatak nito.
"Di ubusin mo yan! Busog naman na ako eh," aniya pero biglang kumalam ang sikmura niya kaya nagkatinginan sila ni Xyrius. Mabilis na nag-init ang pisngi niya. "Konti lang naman..."
Nagulat pa siya ng nakangiting pisilin nito ang pisngi niya.
"Okay, I'm sharing you my adobo in one condition," seryosong anito.
Bigla naman siyang nagdalawang isip.
"All you need to do is listen, doll," anito na may pakikiusap sa tinig.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...