Jessa's POV
MASAMA ang loob niya. Pinahid niya ang nakakawalang luha sa mga mata niya.
Naiihi na nga siya naiinis pa siya.
Pero teka bakit ba siya naiinis?
Wala naman siyang karapatang mainis. Rumored girlfriend ni Xyrius si Emma samantalang parausan lang siya.
Dapat nga mahiya pa siya kay Emma dahil lumalabas na inagaw niya si Xyrius.
Ingaw? Bakit naging sayo ba?
Sarkastikong pambabara ng isip niya.
"Letse!" aniya sabay sipa sa tin can na nadaanan niya. Napalakas ang sipa niya at tumama iyon sa salamin ng isang itim na mustang.
"Sh*t!" nagmamadaling tumakbo siya palayo ro'n nang mag-ingay ang mustang.
Binitbit na niya ang laylayan ng dress niya para mas mabilis siyang makalayo. Baka kasi nagasgasan ang mustang paniguradong kahit gahibla lang ng buhok ang gasgas non libo-libo na ang bayaran niya.
Wala pa naman siyang cash!
Lakad takbo siya at dahil palingon-lingon hindi niya napansin ang kasalubong niya.
Muntik na siyang bumagsak sa sahig kung hindi lang siya naalalayan ng nakabangga niya.
"Naku, sorry po! Sorry po!" para siyang hapon na paulit-ulit yumuko para humingi ng sorry sa nakabangga.
"Where the f*ck have you been, doll?"
Natigil ang muling pagyuko niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis na nag-angat siya nang tingin.
"Xyrius!"
Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
Mabilis na pinalis niya ang mga kamay nito na nakahawak sa kanya ng maalalang inis siya dito.
"Ikaw ang saan galing. Kanina pa kita hinihintay, uwi na tayo!" nakaingos na aniya dito. Naiinis na naman siya nang makita niya ito. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina.
Hindi niya talaga mapigil. Pakiramdam niya talaga pinagtaksilan siya ni Xyrius kahit wala naman silang relasyon.
Napahalukipkip siya sa harap ni Xyrius habang nakatayo naman ito at nakapamaywang sa kanya.
"Ano?" tinaasan niya ito ng kilay dahil nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
Nag-iwas ito nang tingin saka napabuntong-hininga.
"Nasaktan ka ba?" marahan at nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Malamlam ang mga abuhing mata nito. Parang napakadami niyong gustong sabihin pero hindi niya maintindihan lahat. Umangat ang kamay ni Xyrius at iniipit ang buhok niya sa kanyang tenga.
"May masakit ba sayo?" muling pagtatanong nito saka nag-umpisang siyasatin ang katawan niya. Kinuha nito ang mga braso niya at napatiim bagang ito nang makita nito ang mga kalmot sa magkabila niyang braso. "Does it hurt, doll?" masuyo at may lambing ang boses na tanong nito sa kanya.
Para namang natunaw ang inis sa puso niya. Hindi niya magawang magtaray sa pag-aalalang ipinapakita nito.
Marahan siyang umiling. Hindi naman masakit ang kalmot. O hindi niya lang maramdaman dahil sa kakaibang nararamdaman niya sa ipinapakitang concern ni Xyrius?
Bakit ba bigla-bigla na lang itong nagiging sweet pagkatapos maging nakakainis?
Hindi niya tuloy maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...