Twenty Seven

4.5K 148 3
                                    

Jessa's POV

SUNUD-SUNURAN siya kay Xyrius. Dinala siya nito sa lawn kung saan nakaupo ng pabilog ang ibang bisita. Naroon ang mga ka-teammates ni Xyrius, ang kaibigan nitong si Gareth na matamang nakatingin sa kanya. Yung lalaking nagpakilalang Devon. Nandoon din ang grupo nila Elizabeth na pare-parehong nakatingin ng makahulugan sa kanya. Nakaupo ng pabilog ang mga ito habang may bote sa gitna.

Alam niya ang iniisip ng mga ito, ng lahat ng naroroon. Isa siya sa mga babae ni Xyrius na pagsasawaan lang ng huli.

Nakihalo sila roon. Pinaupo siya ni Xyrius sa tabi nito. Hindi niya naman magawang magtaas ng mukha para salubungin ang mga mata ng mga naroroon.

Gusto niya nang umuwi pero hindi siya binibitawan ni Xyrius. Nanatili lang siyang nakayuko at pinagmamasdan ang mga kamay niya na lumalamukos sa laylayan ng dress niya.

Napakarami niyang iniisip. Isa na roon si Ycos. Paano kung makita siya nito na akbay-akbay ni Xyrius? Ano na lang kaya ang iisipin ni Ycos sa kanya.

Napapikit siya ng mariin.

"Truth or dare?" bulong ni Xyrius sa tainga niya na nakapagpadilat sa kanya.

"H-Ha?"

"Truth or dare?" ulit nito. Nilingon niya ito at nakita niya ang nakangising mga labi nito. Isinenyas nito ang bote na nakatutok sa kanya. "Mamili ka, doll. Truth or dare?" anito na tila natutuwa sa pagkatureteng nakikita sa kanya.

Parang gusto niya nang maiyak. Dahil alam niya naman na kahit anong piliin niya sa dalawa ay ikapapahamak niya alin man sa mapili niya.

"Doll..." may pagbabanta na anito.

Mariin siyang napapikit at pilit hinamig ang sarili. Hindi siya dapat nagpapasindak sa mga ito. Eh ano ngayon kung ituring siyang isa sa mga laruan ni Xyrius. Ano bang pakialam niya sa opinyon ng mga ito.

"T-Truth!" matapang na sinalubong niya ang mga mata ni Xyrius.

Sandaling nagkatitigan silang dalawa bago ito tumango-tango sa kanya at umiwas ng tingin.

"She chose truth!" sigaw ni Xyrius. Nagbungisngisan naman ang mga naroroon.

"I want to ask her!" ani ni Alodia na nakangisi sa kanya habang nakataas ang kamay na animo magre-recite.

"Go on," ani ni Xyrius.

Nagngingitngit naman siya sa galit pero hindi niya pinahalata iyon sa mga ito. Nanatiling blanko ang ekspresyon niya at inihanda ang sarili sa maaring tanungin ni Alodia sa kanya.

Nagtinginan muna si Alodia at Elizabeth tila nag-usap ang mga mata ng mga ito bago nakangising bumaling uli sa kanya si Alodia.

"Is it true--"

"That you're family business is dwindling?" singit ni Gareth na inunahan sa pagtatanong si Alodia.

Napatingin naman ang lahat kay Gateth. Miski si Xyrius ay napatanga sa kaibigan. Nagkibit-balikat naman si Gareth. Binaliwala nito ang mga nagtatanong na mga mata rito. Miski naman siya ay nagulat din na sumingit ito. Hindi naman lihim na bumagsak na ang mga negosyo ng pamilya nila. Kaya bakit pa nito tatanungin? Isa lang ang naiisip niya na malamang na naiisip din ng lahat; iniligtas siya nito sa tanong ni Alodia.

Pasimple niya itong nginitian.

"Oo, actually miski ang hardware na natitira sa amin ay nalugi na rin," sagot niya sa tanong nito. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi siya nahihiyang aminin na bagsak na ang negosyo nila dahil matagal niya ng natanggap iyon.

Magsasalita sana si Alodia pero naagaaw ang atensiyon ng lahat ng dumating si Kristoff at ilang sandali pa ay natanawan niya si Mina. Para siyang biglang nakakita ng kakampi.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon