Thirty Three

4.3K 137 2
                                    

Jessa's POV

NAKAUPO siya sa kama habang yakap ang mga tuhod nang pumasok si Xyrius. Napatulala siya dito. Wala pa rin itong saplot kahit isa. Proud na proud na nakaduro sa kanya ang pagkalalaki nito habang may hawak itong isang basong gatas sa kamay. Siguro kung pipicturan niya ito at iaalok sa mga manufacturer ng mga formulated milk baka yun na ang daan sa pagyaman niya. Paniguradong pagkakaguluhan ito ng iba't-ibang kompanya.

Pero kung gagawin niya iyon wala na siyang ipinagkaiba dito. Magiging kagaya na siya nito. Matalim na tinitigan niya ito ng masama nang maalala kung anong kababuyan ang ginawa anito. Ito ang demonyong nagpakalat ng mga pictures niya. Kung hindi dahil dito hindi siya pagtatangkaan ng masama ni Devon. Hindi siya babangungutin gabi-gabi.

"Puwede bang magbihis ka!" sita niya rito habang papalapit sa kanya.

"Sorry," hinging paumanhin nito na ikinagulat niya. Ibinaba lang nito ang baso ng gatas sa bed side table at hinagilap ang mga damit. Hindi ito nagreklamo na sinita niya ito, hindi rin ito sumimangot.

Tinalaban na siguro ng konsensiya ang walangya!

Humarap ito sa kanya na bihis na bihis na. Muli itong lumapit at kinuha ang gatas at iniabot sa kanya. "Drink this," anito na seryoso ang mukha.

Naghihinalang tinitigan niya ito pagkatapos ay ang baso. Wala siyang balak na tanggapin iyon. Paano kung may pampatulog pala iyon at kapag nakatulog na siya ay pagsamantalahan siya nito pagkatapos gawan siya nito ng masama ay picturan na naman siya?

"Hindi ko iinumin yan!" singhal niya dito.

Bumuntong-hininga naman ito at muling ibinaba sa bed side table ang gatas. "Okay."

Naglakad si Xyrius papunta sa couch na ngayon niya lang nakita sa loob ng kuwarto niya.

"Saan galing yan?" tukoy niya sa couch na kinauupuan nito.

"I bought it," simpleng sagot nito na diretsong nakatitig sa kanya.

Naiilang naman siya sa titig nito kaya inirapan niya ito at nag-iwas ng tingin. Ano na naman kaya ang pakulo ni Xyrius at bakit kakaiba ang ikinikilos. Hindi siya nito kinokontra at pinipilit sa gusto nito. Pero imbis na matuwa mas lalo siyang kinakabahan sa ikinikilos nito. Pakiramdam niya ay may balak na naman itong masama.

Nahiga na lang uli siya kahit hindi niya alam kung magagawa niyang makatulog pang muli. Namaluktot siya sa kama at ibinalot ang sarili sa kumot saka patalikod na nahiga kay Xyrius.

Natatakot siyang pumikit dahil baka makita niya na naman ang duguang mata ni Devon. Kaya kahit gustong-gusto nang matulog ng katawan niya hindi naman iyon mapayagan ng isip niya. Nilalabanan ng isip niya ang pagod niyang katawan. Nakikiusap na huwag silang pipikit.

Pero dahil sa ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog ay hindi na niya namalayan na nakatulog na rin pala siya. Muli siyang nagising sa isa na namang bangungot at ang muli na naman niyang namulatan ay ang nag-aalalang mukha ni Xyrius.

Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol kasabay ng pagsuntok sa dibdib nito. Pagod na pagod na siya kailan ba matatapos ang mga bangungot niya? Pagod na rin ang katawan niya at gusto nang magpahinga pero ayaw siyang lubayan ng ala-ala ni Devon.

"Ramdam na ramdam ko yong mga kamay niya dito sa katawan ko... Nakakadiri! Kapag pumipikit ako yung mukha niya ang nakikita ko! Ayoko na... Pagod na pagod na ko, gusto ko nang matulog pero lagi namang nagre-reply sa isip ko ang lahat ng kababuyan ni Devon... Ang dumi ko... Ang dumi ko!" hyterical na sigaw niya saka hinila ang sariling buhok.

Gusto niyang mawala ang lahat ng bakas ni Devon sa katawan niya. Ang mga nakakadiring paghaplos nito sa lahat ng maseselang bahagi ng katawan niya gusto niyang mabura sa ala-ala niya.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon