Jessa's POV
PINAGMAMASDAN niya si Xyrius na mukhang mainit ang ulo na nakikipag-away sa cellphone nito. Nasa labas ito ng bakuran habang nakaupo naman siya sa duyan na nasa balkonahe.
Kanina pa ito nakikipagtalo sa kung sino man ang kausap nito. Pulang-pula na ang leeg nito at halatang gigil na gigil.
Curious tuloy siya sa kung sino ang kausap nito kaso nahihiya naman siyang mag-usisa.
Tumayo na lang siya mula sa pagkakaupo sa duyan at pumasok sa loob. Alas singko na ng hapon. Nagtungo siya sa kuwarto ng Tita Betty niya at nagkalkal sa damitan nito. May nakita siyang isang puting kamiseta. Napangiti siya. Naghubad siya ng damit at itinira lang ang magkaterno niyang itim na bra at panty saka isinoot ang kamiseta. Mukhang panahon pa iyon ng Tita betty niya. Medyo naninilaw na ang tela pero malambot iyon at humahakab sa hubog ng katawan niya. Kinuha niya ang tuwalya at isinampay sa balikat niya.
Lumabas siya ng kuwarto at isinuot ang tsineles na goma ng Tita Betty niya, nasa kusina ito kasama ang Papa niya at abala sa pagluluto. Nagpunta siya roon at isinungaw lang ang ulo sa pinto para hindi makita ng mga ito ang suot niya.
"Pa, punta lang kami sa batis," paalam niya sa mga ito.
"Gabi na anak," anang Papa niya.
"Saglit lang kami do'n saka sabi ni Tita malinas raw ang trail do'n," aniya dito. Naalala niya na may batis na malapit sa bahay ng Tita niya. Dulo na kasi ang bahay ng Tita niya at malapit na sa gubat. Tinanong niya kanina kung buhay pa ba ang batis, oo raw dahil alaga naman iyon ni Simeon kung sino man iyon.
"Hayaan mo na at bukas uuwi naman na yang mga iyan," ani ng Tita niya.
Ngumiti siya at nagpaalam na sa mga ito saka nilabas si Xyrius. May kausap pa rin ito sa cellphone habang pakumpas-kumpas ang kamay nito sa hangin. Napatingin ito sa gawi niya at natigil ito sa pagkumpas. Napaawang din ang labi nito habang nakatingin sa kanya. Kita niya ang apoy ng pagnanasa sa mga mata nito habang hinahagod siya ng tingin.
"Tara sa batis!" masiglang aya niya kay Xyrius ng makalapit siya dito pero nanatili itong tulala. Pumitik siya sa harap nito. "Ayaw mo?" nakataas ang kilay na tanong niya dito, nilambingan niya rin ang boses.
Napalunok si Xyrius at agad na isinuksok sa bulsa nito ang cellphone. "S-Sure."
Kumapit naman siya sa braso nito at sadyang idinikit ang gilid ng dibdib niya rito. Halatang mas natensiyon si Xyrius. Tinanggal nito ang kamay niya sa braso nito para maipulupot nito ang kamay sa baywang niya. Hinapit siya nito papalapit dito habang naglalakad sila. Napailing na lang siya konting dikit lang kay Xyrius halatang nanggigil na ito.
Nagtaasan ata ang lahat ng balahibo niya ng yumuko si Xyrius at ilapit ang bibig sa tainga niya. "Let's go behind that tree." tinuro nito ang malaking baleteng madadaanan nila.
Natawa siya kahit pa nakaramdam siya ng excitement. "Baka ma-nuno pa tayo diyan. Alam mo bang mas matanda pa sa Papa ko ang balete na yan? Sabi nila may white lady raw diyan."
"W-White lady? A g-ghost?" tanong nito saka may lalong sumiksik sa kanya.
Tumango siya habang nakatingin pa rin sa balete. "Oo, bantay raw iyon ng balete. Lahat daw ng balete may gano'n, ewan ko ba kung bakit lahat na lang ng balete sa Pilipinas may white lady. Puwede namang paring pugot ang ulo o kaya mga tiyanak. Alam mo ba yung tiyanak?" tanong niya kay Xyrius sabay tiningala dito.
Tahimik lang ito habang deretso ang tingin.
"Hoy, tinatanong kita!" pukaw niya rito. Mukha namang nagulat ito. Napansin niya na tila hindi ito mapakali at pinagpapawisan na ito. Pinunasan niya ang gilid ng noo nito. "Malamig ang pawis mo," aniya. Malamig na kasi ang simoy ng hangin dahil dumidilim na. Binuksan na nga ni Xyrius ang flashlight ng cellphone nito para makita nila ang dinaraanan nila. "Natatae ka ba? Bakit parang di ka mapakali?" nagdududang tanong niya uli dito.
"No! I'm not!" mabilis na sagot nito. Sa sobrang bilis halatang nagsisinungaling ito. Tinitigan niya si Xyrius at napangisi siya ng may maisip.
Takot siya sa multo! - sigaw niya sa isip. Napansin niya kasi na bukod sa pananahimik nito at panlalamig, nagtaasan din ang mga balahibo nito. Gusto niyang matawa pero ayaw niya namang mapahiya ito saka baka bigla siya nitong takbuhan masira pa ang plano niya.
Tumahimik na lang din siya saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa batis. Nawala na ang focus niya kay Xyrius ng masilayan ang batis. Mayroong mga bato roon na parang hagdaan na inaagusan ng tubig. Nagmukha iyong maliit na waterfalls. Puno ng punong kahoy ang paligid. Pabilog ang batis at para iyong lihim na hardin na itinatago sa gitna ng gubat.
Excited na ibinaba niya ang tuwalya at agad na lumusong. Napasinghap siya sa lamig ng tubig. Agad siyang lumubog para mawala ang panlalamig niya. Parang batang naglunoy siya hanggang sa makapunta siya sa maliit na falls.
Naalala niya na noon nagpunta rin silang mag-anak dito ng buhay pa ang Mama niya. Sumasalok sila ng tubig dito dahil natural mineral daw iyon, may alkaline. Pero ng minsan sumama siya sa camping noon at makakita ng patay na hayup na umaagos sa sapa na dumadaloy raw papunta sa talon ay nawalan na siya ng gana. Alam niya kasi na may mga hayup talagang namamatay sa kagubatan o baka nga sa taas ng falls tapos yung katas umaagos pababa.
"Ngiii..." aniya na may halong pandidiri. Napalingon siya kay Xyrius. Nag-uumpisa na itong maghubad. Napalunok siya ng masilayan ang abs nitong kumikinang sa liwanag ng buwan. Mukha itong diyos ng mga griyego na bumaba sa lupa para maghanap ng mortal na lalahian. At feeling niya naman isa siyang mortal na handang magpalahi sa isang diyos. Malanding mortal siya.
Walang itinirang saplot si Xyrius. Nakaturo sa buwan ang pagkalalaki nitong tila ipinagyayabang sa mga bituin sa langit. Bumigat ang paghinga niya nang lumusong ito sa tubig at lumangoy papalapit sa kanya. Lumubog ito sa tubig at ng muling umahon ay masa harapan niya na. Napasinghap pa siya nang hapitin siya nito.
"You are like a goddess of this forest, doll," paos ang tinig na anas nito sa kanya. "And I want to make love to the goddess right now..." tila kinakapos rin ng hininga na anito.
'Make love' at hindi Fuck ang ginamit nitong salita. May kung anong saya ang umahon sa dibdib niya.
Kumapit siya sa balikat nito at siya na ang dumukwang upang maglapat ang mga labi nila. Puno ng pananabik ang halik na pinagsasaluhan nila. Para silang hayok sa bawat isa. Ipinulupot niya ang mga binti sa baywang nito habang nakikipag espadahan ang dila niya sa dila nito. Mainit ang dampi ng palad nito sa nanlalamig niyang katawan. Binubuhay ng init na iyon ang apoy sa kanyang loob.
Mas naging mapusok at mainit ang mga halik. Ang mga haplos na tila hindi magpapapigil kahit ano man ang mangyari. Siguro'y naiinggit sa kanya ang mga bituin na tanging saksi sa ginagawang pagpapala ni Xyrius sa kanyang katawan. Bumaba ang halik ni Xyrius sa kanyang leeg. Ungol ang naging sagot niya ng dunggulin nito ang pagkababae niya. Bahagya siyang inihiwalay ni Xyrius sa katawan nito. Nilililis nito ang panty niya at walang sabi-sabing pinasok siya nito.
"Xyrius!" tili niya kung hindi lang sa sarap na nararanasan niya sa pag-iisa ng katawan nila matatawa siya dahil nabugaw ng pagsigaw niya ang mga ibon. Marahas at malalakas ang ginagawang pagbaon sa kanya ni Xyrius na mas lalong nagpapabaliw sa kanya.
Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa katinuan at walang pakialam na pinakawalan ang mga ungol at daing kahit pa nabulahaw na ata niya ang mga nanahimik na ibon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...