Xyrius' POV
"Admit it Xyruis ikaw ang nagpakalat ng mga pictures."
He tsked on Gareth's accusation against him. Hindi siya tumatanggi o umaamin. Naiinis siya dahil sa sobrang pakikialam nito kay Jessa. Masyado itong apektado sa mga pictures ni Jessa na kumakalat sa buong campus.
Miski siya ay nagulat at nagalit sa mga nakita pero nang makita niya Si Ycos na nakatulala at may dissapointment sa mukha habang nakatitig sa mga litrato ni Jessa nabawasan ang galit niya sa kung sino man ang may gawa no'n. But still he or she can't get away with it.
Gusto niya ang idea na ma-turn off kay Jessa ang mga lalaki sa campus para ma-solo niya ito.
Kahit naman galit siya kay Jessa dahil sa ginawa nito sa kanya hindi niya maiisipang gawin ang ganoong karuming bagay. Mas gugustuhin niya pa itong parusahan sa kama.
Hanggang ngayon naiinis pa rin siya dito. Pinilit niyang bumagon kahit masama pa rin ang pakiramdam niya para lang ayusin ang pinto ng banyo nito. Ilang beses na napukpok ng martilyo ang kamay niya pero hindi siya tumigil hangga't hindi iyon naayos. Naglinis siya ng kuwarto at hinugasan ang mga platong pinagkainan kahit basang-basa na ang damit niya pagkatapos.
Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa University dahil hindi niya matiis na hindi makita si Jessa. Gusto niya itong ayaing umuwi at ipakita ang ginawa niya. Gusto niyang makita itong ngumiti sa kanya.
Pero pagdating niya sa University nakangiti na si Jessa. Hindi nga lang sa kanya. Gustong-gusto niyang sugurin ang lalaking may hawak sa kamay nito at basagin ang mukha pero nagpigil siya.
Nagmistulang siyang stalker sa dalawa. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa isang coffee shop. Nasa labas lang siya habang nakatanaw sa mga ito na masayang nagkukuwentuhan. Nakita niya ang mga ngiti ni Jesa na kahit kailan hindi pa nito ibinigay sa kanya. Tumatawa ito sa kung anumang ikinukuwento ng lalaking kasama nito. Mga ngiti at tawa na hindi nito ipinagkakaloob sa kanya.
And that's fucking hurt!
Hindi niya ito tinext o tinawagan pero ni hindi man lang siya hinanap ng magaling na babae. Mukhang hindi ito apektado at masaya pa nawala siya sa paligid nito. Mas lalo lang nadagdagan ang galit niya.
Inabala niya ang sarili sa party ni Kristoff. Gusto niyang ibaling sa iba ang atensiyon niya. Nagagawa niya naman yun dati. Pero nang makita niya itong pumasok sa gate ng mansion ng mga Sandoval hindi naman niya napigilang sundan ang bawat galaw nito. Tinatanaw niya ito sa isang sulok habang umiinom ng alak.
Nakasunod din siya dito nang pumunta ito sa Gazebo. Balak niya sana itong lapitan. Wala naman kasing saysay ang pagtatampo niya dahil hindi naman ito apektado.
Wala itong pakiaalam.
Pero natigil siya sa paglapit dito ng muling lumapit si Ycos. Nagliwanag ang mukha ni Jessa - isang bagay na hindi pa niya nakikita kapag nilalapitan niya ito - palaging takot at pagkainis ang nakikita niya sa mukha nito kapag papalapit na siya.
He planned to get even nang makita niyang nagpahalik ito sa ibang lalaki pero ng mahawakan at masamyo niya naman uli ang mabining amoy nito nawala ang lahat ng galit niya. Nakalimutan niya nang gumanti.
"Mind your own fucking business dude! Stop being nosy!" tatawa-tawang sagot niya kay Gareth.
Nag-utos naman na siya para may mag-alis ng mga litrato. Pinapahanap na rin niya ang may kagagawan no'n. Hindi porke natuwa siya dahil sa isiping baka na-turn off na si Ycos kay Jessa, hindi pa rin niya palalagpasin ang may kagagawan no'n.
"That's cheap! I would never go down to that level!" halata ang disgusto sa boses ni Gareth pero wala siyang pakialam. Mga bata pa lang sila ay magkakaibigan na sila, kilala na siya ng mga ito at ganoon rin siya sa mga ito. They are often disgusted with each other's bad traits but they do not really hate each other. Masyado ng malalim ang mga pinagsamahan nila.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
Roman d'amourIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...