Thirty Seven

4K 149 0
                                    

Jessa's POV

SA ISANG coffee shop na malapit sa University sila nagtungo ni Mina. Umorder muna sila ng pagkain pero hindi rin nila halos nagalaw.

"Paano kang naging..." tila atubiling anito.

Napangiti siya ng mapait. "Whore?"

Napakagat ito ng labi at bumadha ang lungkot sa maamong mukha nito.

"Nagkaroon ng utang si Papa kay Mr. Moretti, ten million. Nalaman ko rin na nakasangla pala ang bahay namin sa bangko. Walang gustong tumulong sa aming kamag-anak kahit yung mga natulungan ng Papa at Mama ko," umpisa niya.

Naaalala niya kung paano siya nagmukhang kawawa habang nakikiusap na pautangin siya. Naalala niya rin yung pagod na naranasan niya sa maghapong pagpapabalik-balik sa mga kamag-anak niya pero lagi siyang umuuwing luhaan.

Awang-awa siya sa sarili niya noon. Para siyang namamalimos pero para siyang may sakit na pinagtataguan ng mga kamag-anak niya. Naturingang mga kamag-anak niya pero wala ni isa ang tumulong sa kanila o nangamusta.

"Bakit di mo sa'kin sinabi na nagkakaproblema ka pala finacially? Alam mo naman na tutulungan kita kahit anong mangyari," nagtatampong ani ni Mina at touched siya roon.

Halatang masama ang loob nito dahil sa nalaman. Hindi na siya nahiyang sabihin ang lahat-lahat dito pati ang sitwasyon nila ni Xyrius. At nakahinga siya ng maluwag dahil nailabas niya na ang lahat. Kahit paano gumaan ang pakiramdam niya dahil may napagsasabihan siya ng mga problema niya.

"Lukaret!" pabirong aniya dito pero sa totoo lang naiiyak na siya. Ngayon niya lubos na napatuyan na kahit anong mangyari hindi siya pababayaan ni Mina. "Ikaw nga diyan di mo man lang sinasabing may ganap na pala sayo ang magkapatid na Sandoval," nakalabing pag-iiba niya ng usapan.

Nagpahid ito ng luha at ginagap ang kamay niya.

"Puwede ko namang kausapin si Dad para mapahiram ang Daddy mo ng capital at makapag-umpisa kayo ng bagong buhay. Hindi mo kailangang mapilitang ibigay ang sarili mo sa Xyrius na 'yon."

Nalungkot siya sa sinabi nito. Hindi niya naisip na huminginng tulong dito noon dahil sa pride at hindi niya rin kasi alam na handa pala siya nitong tulungan. Kung lumapit siya noon dito hindi sana ganito kagulo ang buhay niya. Malungkot siyang napangiti at pinisil ang kamay nito.

"I really appreciate your kindness Mina... Pero hindi ko kayang tanggapin ang tulong na inaalok mo... Masyado na akong maraming pinagkakautangan, ayoko nang madagdagan pa iyon. Tama na sa'kin na hindi mo ako hinusgahan kahit ano pa ang nalaman mo. Napakalaking pasasalamat ko na iyon sayo," aniya dito. Pigil-pigil niya ang mapaiyak.

"Pero--"

"Kaya ko to. Ako pa ba? Palaban ata to noh, kaya don't cha worry!" pinasigla niya ang boses para mapakita ditong okay lang siya.

Natawa ito habang sumisinghot. Tinitigan niya si Mina, napakabuti nito at napakasuwerte ng lalaking mamahalin nito. Nakaramdam siya ng galit sa mga taong nananakit dito dahil hindi iyon deserve ni Mina.

"Oh, ikaw naman ang magkuwento!" Pag-iiba niya ng usapan at inayos ang upo at mariin itong tinitigan. Curious siya kung ano bang score sa pagitan nito at ni Kristoff.

Napalabi naman ito sabay tingin sa relo nito.

"Malapit na pa lang mag-time," anito na halatang gusto lang umiwas.

"Naku, Hermina ha! Don't me! Magkuwento ka diyan pareho tayong hindi papasok sa next subject!" aniya at tinaasan ito ng kilay. Hindi siya papayag na siya lang ang aamin dapat ay mapa-amin niya rin ito.

Napa-iling siya mukhang pareho silang nasa krisis magkaibigan.

NAGULAT pa siya nang makita ang kotse ni Xyrius sa labas ng coffee shop. Nakasandal roon si Xyrius at nakatingin sa kanila.

Nagkatinginan sila ni Mina. Nakita niya na tila nabahala ito. Nginitian niya naman ito para iparating ditong okay lang siya.

"Mauuna na ako," aniya kay Mina at hinalikan ito sa pisngi.

Mahigpit naman siya nitong hinawakan sa braso.

"Bes, tanggapin mo na lang ang alok ko," nakikiusap ang mga matang anito sa kanya.

Ngumiti siya at niyakap ito. "Pag-iisipan ko, bes," bulong niya dito. Mukhang nakontento naman ito sa sinabi niya ngumiti na ito at hinalikan siya sa pisngi.

"Aasahan ko yan," anito saka umalis na.

Lumapit naman siya kay Xyrius na nakahalukipkip at nakasimangot.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya nang makalapit siya dito.

"Ang sabi ko sabay tayong maglu-lunch!" parang batang maktol nito.

"Ang arte mo, Xyrius. Nakita nga kita kumakain ka na sa cafeteria!" Pinandilatan niya ito.

"Inaantay kita dahil ayaw mo namang magpasundo!"

"Tss! Ewan ko sa'yo!" inis na tinalikuran niya na lang ito. Umikot siya sa passenger seat at walang imik na sumakay.

Sumakay na rin naman ito pero pabagsak na isinara ang pinto.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito na hindi siya nililingon. Mahinahon na ang boses nito pero magkasalubong pa rin ang makakapal na kilay nito.

Lihim siyang napangiti. Minsan para talaga itong bata bigla-bigla na lang nagpapalit ng moods

"Busog pa ko," aniya dito.

"Puwes ako gutom na gutom na! Wala akong maayos na breakfast dahil nakikipagtalo ka kaninang umaga, wala rin akong lunch dahil hindi ka naman sumabay sa aking mag-lunch. Kanina pa ako hanap ng hanap sa'yo!"

Natahimik naman siya sa sinabi nito. Hindi ito nag-lunch dahil hindi siya nito nakasabay? At hinanap pa siya nito?

Ningon niya si Xyrius na nakasimangot pa rin.

"May gusto ka ba sa akin?" tanong niya dito.

Bigla naman itong natigilan at bahagyang namula ang mukha.

"In love ka ba sa akin, Xyrius?" nang-iintrigang tanong niya dito. Gusto niyang matawa dahil mukha itong daga na nasukol. Naging uneasy ito at kahit may aircon ay pinagpapawisan.

"I just l-love fucking you!" defensive na sagot nito. Hindi ito makatingin sa kanya. Feeling niya nagsisinungaling ito.

O ayaw niya lang tanggapin na wala itong gusto sa kanya at katawan niya lang talaga ang habol nito? Awts!

Pero bakit parang nasasaktan siya? Ano naman kung katawan lang ang habol nito sa kanya? Alam niya naman ang bagay na yon, simula pa lang nilinaw na ni Xyrius na katawan niya lang ang gusto nito.

Paano kung magsawa siya sa katawan ko? Tanong niya sa sarili.

Eh ano naman? Buti ngang magsawa na siya sa'yo para lubayan ka na niya! Sagot naman ng anghel dela konsensiya niya.

Oo nga naman, bakit naman siya matatakot na pagsawaan ng lalaking ito? As if naman na in love na siya dito.

Baka nga in love ka na? Tukso ng isip niya.

Heh! Gulo lang ang papasukin mo, Jessa, dukha ka! Isa ka lang babaeng taga-aliw sa kama niya. Wag kang umasa dahil paniguradong masasaktan ka lang!

Napabuntong-hininga siya. Tama ang konsensya niya. Hindi siya maaaring ma-in love sa lalaking ito dahil magiging malaking problema iyon.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon