Xyrius' POV
MALAPIT na siya sa hallway papunta sa wash room nang makita niyang may komusyon doon.
Napabilis ang hakbang niya papalapit. Hinawi niya ang mga taong nagkukumpulan at tila may pinanonood.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Jessa at Emma na nagsasabunutan sa labas ng wash room.
Napatiim-bagang siya at akmang lalapitan ang mga ito nang magsalita si Jessa.
"Hoy! Fake news yan! Si Xyrius ang lumalandi sa akin, not the other way around!" mayabang na anito.
Napakunot ang noo niya.
"Ha! Your so kapal! You are nothing but a social climber slut who fucks a lot of men just for money!" sarkastiko namang ganti ni Emma.
"Aba'y namemersonal ka na ha! Tanungin mo si Xyrius kung sino ang mas malakas umungol sa aming dalawa para malaman mo kung sino ang patay na patay sa aming dalawa!"
Napabuga siya ng malakas at naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya dahil sa mga naririnig. The audacity of this fucking woman! Mas lalo pa siyang nahiya ng mapatingin sa kanya ang isang may edad na matanda at tinaasan siya ng kilay.
Tumikhim naman siya at inayos ang kurbata niya. "I-I don't k-know them," aniya kahit hindi naman siya tinatanong nito.
Napailing na lang ito at halatang di naniniwala sa kanya.
"Oh my god! He fucked you?" nanlalaki ang mga matang di makapaniwalang tanong ni Emma kay Jessa.
Halos magkadikit na ang ulo ng dalawang babae dahil sa paghihilahan ng buhok.
"A lot! Sabi pa niya I'm good on fucking daw. Bibilhan niya pa ko ng lamborghini dahil pinatitirik ko ang mata niya!" mayabang na sagot ni Jessa.
Napangiwi na lang siya ng muling tumingin ang katabing matanda sa kanya.
"What a generous lover huh?"
Lihim na lang siyang napamura dahil sa kahihiyan. Bakit ba napaka eskandalosa ng mga bibig ng mga ito, kababaeng tao! pati siya dinadala sa kahihiyan.
Halos mangiyak-ngiyak na binitawan ni Emma si Jessa at dinuro ang huli.
"Gold digger!" sigaw dito ni Emma at kitang-kita sa magandang mukha nito ang disappointment at galit.
Alam niya naman na may feelings sa kanya si Emma pero para sa kanya bunsong kapatid lang ito. Wala siyang kapatid maliban kay Seth pero hindi naman sila close. Si Emma ang nakasalo ng lahat ng atensiyon niya para sa isang kapatid.
"Eh ano ngayon!"
Parehong sabog ang buhok ni Emma at Jessa. Mukha ng lukaret ang mga ito.
"Talagang proud ka pang gold digger ka!"
Nakita niyang kumuyom ang mga kamay ni Jessa bago ito nagsalita, "I'm not proud of it but I'm not ashamed of it either. You don't know me and my story kaya wala kang karapatang husgahan ako!" seryosong anito. Dama niya ang sakit at bigat kahit pa pilit nitong kinalakipan iyon ng tapang.
Mabilis na tinalikuran ni Jessa si Emma para lang mapatda nang makita siya nitong nakatayo sa harapan nito.
Kita niya ang gulat at pagkapahiya sa mga mata nito.
Sabog-sabog na ang buhok nito. Pero para sa kanya nakaka-akit pa rin itong tignan. Humakbang siya papalapit dito. Gusto niya itong yakapin. Kuyumusin ng halik kagaya ng kanina niya pa gustong gawin dito.
Nag-iwas nang tingin sa kanya si Jessa.
Ilang hakbang na lang ang layo niya rito ng may mahagip ang mga mata niya.
Si Seth.
Nanonood ito sa di kalayuan may ngising naglalaro sa mga labi nito.
Do you think he's up to something? - Naalala niyang tanong ni Percy kanina.
Hindi niya alam kung ano pero isa lang ang sigurado siya. Sasaktan siya ni Seth sa kahit na anong paraan. At gagamitin nito ang mga taong malalapit sa kanya.
Nakaramdam siya ng takot. Hindi para sa kanya kundi para sa babaeng kaharap niya. Takot siya na baka ito ang pagtuunan ng galit ni Seth. Natatakot siya na baka masaktan si Jessa.
Kaya kahit pa labag sa loob niya ibinaling niya kay Emma ang mga mata at nilagpasan si Jessa. Nilapitan niya si Emma na agad na nagliwanag ang mukha. Inayos niya ang buhok nito. Hinubad niya rin ang suit jacket niya saka isinampay sa balikat ni Emma dahil halos lumuwa na ang katawan nito sa harap ng maraming tao.
Pasimple niyang nilingon si Jessa. Gusto niya itong habulin, tanungin kung ayos lang ito. Mahigpit na naikuyom niya na lang ang kamao.
Inakbayan niya si Emma at sumunod sa daan na tinahak ni Jessa.
"X, sinaktan ako ng babaeng iyon!" sumbong ni Emma sa kanya.
"I saw what happened Emma. You attack her first," malumanay na sagot niya dito habang nasa isip pa rin si Jessa.
Sumimangot naman ang dalaga halatang guilty. Napa-iling na lang siya. Hindi man niya nakita ang mga pangyayari pero kilalang-kilala niya naman si Emma.
Emma can be very bitchy and pain in the ass if she want to.
"What happened?" salubong ni Percy sa kanila nang makita nito ang ayos ni Emma.
"Can you please take her home?" aniya kay Percy na hindi sinagot ang tanong nito.
"No! I want you to take me home not this old freaking man!" nakahalukipkip na maktol ni Emma sa kanya.
Tinignan niya ito ng matalim. Napa-tsked naman ang pinsan niya.
"Shut the fuck up, Emma!" galit na sigaw niya dito. Napapitlag naman ito at agad nanubig ang mga mata. Nagtatampong tinitigan siya nito.
"I hate you..." nanginginig ang boses na usal nito sabay tago sa likod ni Percy.
Napa-iling naman si Percy sa kanila.
Napabuga na lang siya ng hangin. Nakokonsensiya siya dahil na sigawan niya ito pero pag hindi naman niya ginawa yon paniguradong hindi ito titigil sa kakakulit sa kanya.
Kating-kati na siyang umalis at sundan si Jessa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...