Sixty

4.3K 140 1
                                    

Jessa's POV

BUMALIK na sa dati ang buhay niya. Wala ng Xyrius na laging nasa tabi niya.

Umalis na siya sa mansion at nangupahan sa isang maliit na apartment.

Bumalik na uli siya sa cafe na pinapasukan niya.

Ilang linggo na ang nakakalipas mula ng umalis siya sa Isla. Hindi niya na nakikita si Xyrius miski sa University.

Bayad na ang tuition niya hanggang sa maka-graduate siya. Ayaw man niya pero mas pinili niya na lang maging praktikal. Kailangan niyang lunukin ng kaunti ang pride niya para makapagtapos ng pag-aaral.

Gusto niyang mabago ang buhay niya. Makapaghanap ng magandang trabaho. Disenteng trabaho na kaya niyang ipagmalaki.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Mina sa kanya.

"Oo, may duty pa ako sa café," sagot niya rito. Seven pm to four am naman ang duty niya at four pa lang ng hapon kaso nakiusap sa kanya si Bernadette - ang kasamahan niya sa café. Na baka raw puwedeng mag-under time ito. At dahil dalawa lang naman silang nagpapalitan pumayag na rin siya.

Isa pa mas gusto niyang may ginagawa siya kaysa naman magmukmok lang siya sa apartment niya.

Sininop niya na ang mga gamit at pinagsisilid sa bag niya saka sila sabay na lumabas ni Mina. Sa labas pa lang ng room naroroon na si Kristoff at nakaabang sa kaibigan niya. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba.

Hindi niya kasi maiwasang Hindi maalala si Xyrius kapag nandiyan si Kristoff kaso wala si Xyrius. Ang balita niya na sa ibang bansa ito. Hindi malinaw kung babalik pa ba ito sa Westwood o hindi na.

Nagpaalam na siya sa dalawa. Ayaw niya namang makaistorbo sa mga ito at isa pa hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan.

Naglakad siyang mag-isa sa hall way. Dadaan pa kasi siya sa student council para ipasa ang mga files na hiniram niya para sa thesis nila.

Paliko na siya nang mabangga siya sa isang matigas na bagay. Nabitawan niya ang mga librong hawak niya.

"Sh*t!" mura niya nang magkalat ang mga papel niya. Aabutin niya sana ang notebook niya na nasa paanan ng nakabungguan niya ng bigla nito iyong sipain. "Aba't--" mumurahin niya sana ang tarantadong nakabungguan niya ng sa pagtingala niya ay ang malamig na mga mata ni Xyrius ang sumalubong sa kanya. Bigla ang eratikong pagtibok ng puso niya. Gusto niyang mapahigit ng hininga ngayong na kaharap niya na ang binata.

Nakatingala siya ngayon sa lalaking pilit na kinalilimutan pero hindi mapigilang pangulilaan.

Napakalamig ng mga titig nito sa kanya na parang gusto niyang ginawin. Bigla parang hindi si Xyrius ang kaharap niya. Parang hindi yung makulit na lalaking nagsabing mahal siya.

Dahan-dahan siyang tumayo dahil ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya halos ayaw niyang kumurap dahil baka mawala ito sa paningin niya.

Ngayong kaharap niya ito saka niya naramdaman kung gaano siya nangungulila sa lalaki. Ngayon niya mas damang-dama ang sakit ng mga nakalipas na araw at linggo na hindi sila nagkikita.

Pasimple siyang huminga ng malalim para samyuhin ang pamilyar na pabangong nagpapakalma sa kanya noon.

Malayang pinagmasdan niya ang mukha nito. He looked more dangerous than before dahil siguro sa maliit na diamond earings na nasa ilong nito o dahil sa bagong hairstyle nito. Mas lalong naging katakam-takam sa mga mata niya si Xyrius. Halos makalimutan niya na nga na break na sila.

Teka nag-break ba sila? Kung tutuusin hindi naman talaga naging sila. She was never Xyrius' girlfriend; she was just a paid whore.

"Tss, st*pid!" Xyrius spat at her. Napanganga siya dito. Namulsa naman ito at inirapan siya at muli nang naglakad palayo sa kanya.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon