Forty Three

4K 140 8
                                    

Jessa's POV

NANGINGINIG ang buong katawan niya sa narinig. Hindi na nga niya namalayan ang pag-alalay sa kanya ni Xyrius.

"A-Ano?" ulit na tanong niya sa Tiyahin na ngayon ay puro hagulgol na lang ang naririnig niya. "Tita, kumalma ka muna... A-anong nangyari kay Papa?" mahinahong tanong niya sa Tita niya. Hindi niya malalaman ang nangyari sa Papa niya kung makikipagsabayan siya nang pagiging emosyonal dito. Kailangan niyang tatagan ang loob niya para maging buo ang isip niya.

"Galing kami sa aplaya... tapos... t-tapos--" kahit paputol-putol at sisinghot-singhot ay naikuwento naman nito ng nangyari. Galing daw sa aplaya ang mga ito. Nabanggit na sa kanya ng Papa niya na nahihilig itong sumama sa pangingisda. May dumating daw na bangkang de motor. Mga kalalakihang may dalang baril. Nagulat daw ang Tiyahin niya ng ang mga ito ang tumbukin ng mga lalaking armado at pilit na kinuha ang Papa niya. Wala raw nakatulong dahil ang lahat nang nagtangkang lumapit ay tinututukan ng baril.

Lumapit na raw sa polisya ang Tita niya kasama ang kapitan ng barangay para i-report ang nangyari. Hindi na raw naalala ng Tita niya na tawagan siya kanina dahil sa sobrang takot at pag-aalalang nararamdaman nito. Naalala lang siya nito ng may tumawag sa Tita niya at pinatutubos ang Papa niya ng sampung milyon.

Doon siya napaluha. Inagaw naman ni Xyrius sa kanya ang telepono at ito na ang nakipag-usap sa Tita niya. Iyak siya nang iyak. Takot na takot siya sa kalagayan ng Papa niya. Hindi niya makakaya kung may mangyayari ditong masama.

Ito na lang ang natitirang magulang niya.

Wag mong pababayaan ang Papa mo, Jessica, mangako ka sa akin...

Yun ang huling bilin ng mama niya bago ito mawala sa kanila ng tuluyan at nabigo niya ito. Hindi niya naalagaan ang Papa niya. Hindi niya nasiguro ang kaligtasan nito.

Pero maililigtas ko pa siya... - bulong ng isip niya. Magagawa niya pa iyon. Napatingin siya kay Xyrius na papalapit sa kanya may dala itong baso ng tubig. Matutulungan siya ni Xyrius. Mayaman ito at maimpluwensya ang pamilya nito.

Pinahid niya ang luha at nagmamadaling lumuhod sa harapan nito. Halatang nabigla naman ito sa ginawa niya kaya napahinto ito sa paglapit sa kanya.

"Nagmamakaawa ako t-tulungan mo akong mabawi ang Papa ko. Gagawin ko ang lahat, lahat lahat ng gusto mo... Kahit... kahit habang buhay kitang paglingkuran tulungan mo lang akong mabawi ang Papa ko, parang-awa mo na..." Puno ng luha ang mga matang tiningala niya ito. Seryoso ang mukha nito pero may kakaibang kislap ang mga mata nito. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang mga iyon dahil mas lamang ang pag-aalala niya sa ama.

Alam niyang tutulungan siya nito. Handa naman siyang gawin ang lahat para dito. Gagawin niya ang kahit ano para sa Papa niya.

Nag-squat ito sa harap niya hawak pa rin ang tubig. Matagal na tinitigan siya nito.

"Lahat?" tanong nito.

Sunod-sunod siyang tumango.

"Please... Tulungan mo ko..." pagsusumamo niya.

"Akala ko ba ayaw mong mabaon ng utang sa akin?" nakataas ang sulok ng labing anito.

Napatanga naman siya dito. Gumaganti ba ito? Bumangon ang inis sa kanya pero pilit niya iyong itinatago. Kailangan niya ito. Siya ang may kailangan kaya mas dapat na siya ang pagpasensya.

"Binabawi ko na ang s-sinabi ko... Tulungan mo ako, kahit ano... kahit gaano katagal pa magbabayad ako sa'yo."

Kahit buong buhay na siyang maging tagapag aliw nito sa kama wala na siyang pakialam. Mas importante ang Papa niya kaysa sa dangal niya. Kaysa sa respeto niya sa sarili kaya niyang kalimutan.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon