Xyrius' POV
"Why is he here?" tanong ni Percy sa kanya na ang tinutukoy ay si Seth.
Umiling siya. Hindi niya rin alam kung anong ginagawa ng half brother niya dito sa Pilipinas.
"Do you think he's up to something?" nakakunot ang noong tanong ni Percy.
"Maybe. Knowing Seth... He's probably planning my assasination."
It's been ten years since the last time he met his older brother. At kapag nagkikita sila paniguradong may gulo na naman itong dala-dala.
Ang huli ay halos kamuntikan na nilang ikamatay magkapatid. Seth loathed him as much as he loathed his brother.
"I doubt that. He already knows who you are," anito na biglang dumilim ang mukha. "You are a Moretti. No one dare to harm us, and getting away with it without being dead and Seth knows that for sure," malamig at mapanganib ang boses na anito.
No one dare to harm me again....
Bulong niya sa isip. Hindi muling mauulit ang nakaraan. Hindi na siya magagalaw ng mga Latrommi dahil nasa likuran niya ang mga Moretti. Hangga't taglay niya ang dugo ng isang Moretti he will remained untouchable.
That's the perks of being a Moretti. Alam niyang alam iyon ni Seth kaya hindi na naulit ang ginawa nito ten years ago.
Hindi nito basta basta babanggain ang mga Moretti lalo na at alam nitong maayos ang samahan niya at ng pamilya ng tunay niyang ama.
Makapangyarihan ang mga Latrommi pero mas makapangyarihan ang mga Moretti - because his grandfather, Guiller Moretti Black is part of the triad. The three family who ruled the mafia's world.
Bukod pa doon isa siyang Smith - Isa sa bilyonaryong pamilya sa Asia.
Both families he belong has power and connection that can burn the Latrommi clan.
Kaya walang ibang magagawa si Seth kundi ang inisin lang siya.
Kapatid niya sa Ina si Seth. Serena Galvez is the wife of Count Leander the earl of Latrommi. Countess Serene was raped by his biological father - Sylvo Moretti - and got pregnant.
Naging isang malaking kahihiyan ang nangyari. Walang naniwala sa kanyang ina miski na ang asawa nito. Tinanggalan ng titulo ang ina niya at itinakwil ng buong pamilya. Tinanggalan din ito ng karapatan na muling makita at makasama ang anak na si Seth.
Inako ni Xavier Smith - ang bestfriend ng Mommy niya - ang responsibilidad sa kanya. Pinakasalan nito ang Mommy niya at itinuring siyang anak. Lumaki siya na ang buong akala ay si Xavier ang tunay niyang ama but not until Sylvo Moretti showed up and claimed him as his son.
He was fourteen that time. At galit na galit siya nang malaman niya ang lahat. Lalo na sa panggugulong ginagawa nito sa mga magulang niya para lang makuha siya nito.
Sylvo was obsessed with him. Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ito at kilalanin bilang ama niya. Pero hindi niya sinunod ang gusto nito na palitan ang apilyido niya. He will be the son of Xavier Smith to the eyes of others. Iyon lang ang kaya niyang ibigay kay Xavier para sa pagkupkop nito sa kanilang mag-ina at sa pagturing nitong anak sa kanya.
Siya ang sinisisi ni Seth kaya nawalay dito ang ina. At mas lalong tumindi ang galit nito sa kanya nang mamatay ang Mommy niya na hindi naman lang napuntahan ni Seth kahit sa huling sandali.
"Where's your date anyway?" pukaw sa kanya ni Percy na nagbalik sa kanya sa reyalidad.
Napakurap-kurap naman siya. Nagpaalam sa kanya si Jessa napupunta lang ito sa wash room.
"I'll go and find her," paalam niya kay Percy na tinanguan lang nito.
Jessa's POV
IHING-IHI na siya kaya hindi niya na napigil na magpaalam kay Xyrius habang kausap nito si Percy kanina.
Puputok na ang pantog niya. Pinagkikiskis niya ang hita habang nakapila sa wash room. Naparami ata ang inom niya kaya punong-puno ang pantog. Kung bakit naman kasi ngayon pa humaba ang pila.
Lumingon siya men's room. Walang pila doon at mukhang wala ng tao. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Siya ang nasa dulo ng pila. Wala na sigurong makakapansin sa kanya kung papasok siya sa men's room.
Patiyad na hahakbang na sana siya papasok sa men's room ng may humila sa kamay niya. Hinigit siya nito paharap dito at binigyan siya ng malakas na sampal.
Napasubsob naman siya sa sahig.
"You fucking bitch!" galit na ani ni Emma at muling susugudin siya pero agad na sinipa niya ito sa sikmura. Natumba ito at napaupo rin sa sahig.
"How dare you!" hiyaw nito at muling babangon. Mabilis naman ang mga kilos na bumangon din siya kahit mahilo-hilo pa siya. Ipinilig niya ang ulo.
Sinugod siya ni Emma at hinigit ang buhok niya. Inabot niya rin ang buhok nito para sabunutan. Pareho silang sabu-sabunot ang isa't-isa. Walang nagtatangkang umawat sa kanila.
"You fucking whore! Get off me!" galit na tili nito at mas lalo siyang sinabunutan.
Napangiwi siya pero mas lalo niya ring diniinan ang pagkamasabunot dito.
"Gaga! Bakit ako bibitaw de ginulpi mo ko!" balik sigaw niya dito.
"Dapat lang dahil malandi ka! Mang-aagaw ka!"
"Hoy! Fake news yan! Si Xyrius ang lumalandi sa akin, not the other way around!"
"Ha! Your so kapal! You are nothing but a social climber slut who fucks a lot of men just for money!" sarkastikong anito.
"Aba'y namemersonal ka na ha! Tanungin mo si Xyrius kung sino ang mas malakas umungol sa aming dalawa para malaman mo kung sino ang patay na patay sa aming dalawa!"
"Oh my god! He fucked you?" nanlalaki ang mga matang di makapaniwalang tanong nito sa kanya. Pareho silang nakayuko at magkalapit ang mga ulo kaya kitang-kita niya ang reaksyon nito.
Nginisihan niya naman ito. "A lot! Sabi pa niya I'm good on fucking daw. Bibilhan niya pa ko ng lamborghini dahil pinatitirik ko ang mata niya!" pagyayabang niya pa para mas lalo itong asarin at epektibo naman.
Halos mangiyak-ngiyak na binitawan siya nito kaya bumitiw na rin siya.
"Gold digger!" duro nito sa kanya.
"Eh ano ngayon!" pinandilatan niya ito. Wala na siyang pakialam kung pinagkakaguluhan na sila ng mga tao. Hindi naman siya kilala ng mga ito pakialam niya ba kung pag-chismisan siya ng mga ito.
Parehong sabog ang buhok nila ni Emma at pareho rin silang may mga kalmot sa braso.
"Talagang proud ka pang gold digger ka!"
Napatiim-bagang siya. "I'm not proud of it but I'm not ashamed of it either. You don't know me and my story kaya wala kang karapatang husgahan ako!" seryosong aniya at mabilis na tinalikuran ito para lang mapatda nang paglingon niya ay ang nakapamulsang si Xyrius ang nakaharang sa harapan niya habang nakapamulsa.
Napalunok siya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya at gusto niyang lamunin na siya ng luma ngayon din.
Humakbang papalapit sa kanya si Xyrius habang hindi inaalis ang pakikipagtitigan sa kanya. Malamlam ang mga abuhing mga mata nitong nakatingin sa kanya. Nag-iwas naman siya nang tingin dito.
Pero muli siyang bumaling dito ng ilang hakbang na lang ito sa kanya. Bubukas sana ang bibig niya para magsalita pero nilagpasan siya nito.
Nilingon niya ito at kitang-kita niya kung paano nito tinanggal ang Jacket nito at isinoot kay Emma.
Napaawang naman ang mga labi niya pero agad niya ring isinara iyon para pigilin ang hikbi na gustong kumawala sa kanyang mga labi. Mabilis siyang tumalikod at lumakad palayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...