Twenty

5K 170 18
                                    

Jessa's POV

NAHAWA siya sa saya ni Mina. Nawala na sa isip niya ang cellphone niya. Ipinasok niya iyon sa locker ng magpalit sila ng swimsuit - isang navy blue na one piece swimsuit ang suot niya na may logo ng Westwood sa dibdib. May suot din silang silicon na swimming cap at goggles.

Sabay silang lumabas ni Mina at nagtungo indoor na olympic size swimming pool.

Naka-angkla ang braso niya kay Mina at kinukuwento dito kung ano-ano ang dapat nilang gawin. Hindi siya pumayag na hindi siya isasama ni Mina. Sino ba namang ayaw makapunta sa party ng mga Sandoval? Halos lahat ata ng mga nag-aaral sa Westwood iyon ang pangarap at isa na siya roon.

Noon pa man inasam niya nang maka-attend sa ganoong party pero dahil poorita siya wala kahit na isa ang nag-aaya sa kanya.

"Basta akong bahala sa susuotin natin pati sa make-up marami sa bahay!" aniya kay Mina na ngingiti-ngiti lang sa kanya.

Mas excited pa siya dito samantalang siya lang ang sabit.

"Mukhang masaya ka ah," nakangiting salubong ni Ycos sa kanila ni Mina. Nag-uumpisa na itong mag-stretching. Naka-swimming trunks ito. Maganda ang katawan ni Ycos bakat ang malapad nitong dibdib sa suot nitong long sleeve swimming top nito. At ang mga hita at binti nito malaman. Halatang batak ang mga muscle. Pero mas malaki dito si Xyrius. Subok na niya ang tigas ng muscle ng lalaking iyon. May eight pack abs pa at talaga namang ang titigas.

Bigla siyang natigilan. Kailan pa siya natutong ikumpara si Ycos kay Xyrius?

Saka bakit parang mas lamang si Xyrius? Actually the two men is totally different. Xyrius is larger than life. He looked like a devil too while on the other hand, Ycos, has a good body also. Pero si Ycos ay tipo ng mga pang boy-next-door ang datingan. Mukha rin itong anghel. Masarap na anghel. Mabait din ito at gentleman.

Wala pa nga siyang nababalitang naging girlfriend nito simula ng makilala niya ito.

Minsan nga feeling niya type siya nito. Kung hindi nga lang mabait ito sa lahat. Approachable kasi si Ycos at soft spoken. Parang walang masamang tinapay dito.

"Nakita-kita eh," aniya dito at huli na nang ma-realize ang sinabi.

Miski si Ycos ay saglit ding natigilan pero agad ring ngumiti.

"Turuan mo na kami ni Mina na mag-stretching," bawi niya nagbabakasakaling makalimutan nito ang sinabi niya.

Bumungisngsis naman ito.

Tinuruan sila ni Ycos ng basic. Kahit alam naman na niya iyon dahil naituro na sa kanya. Masarap lang kasing pakinggan ang boses ni Ycos.

Pero nagtataka siya dahil hindi na siya kinikilig. Hindi na rin siya naiilang. Parang komportable na siya dito. Samantalang dati naman makasalubong niya lang ito halos mangisay na siya sa kilig.

NASA gilid lang sila ng pool ni Mina. Hindi kasi marunong lumangoy si Mina kaya hindi siya umaalis sa gilid. Naghaharutan at nagkukulitan lang sila ni Mina habang ang iba nilang kaklase ay nage-enjoy na sa pagpa-pactice.

Si Ycos ay nasa kabilang side na ng pool at nakikipag-usap sa mga kaklase nitong lalaki. Paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa gawi nila at nginingitian siya.

"Shocks ang guwapo talaga ni Ycos noh?" ani ng babae sa likuran nila.

"Oo nga e. Tignan mo tumitingin siya dito!" tili ng isa pa.

Nagkatinginan naman sila ni Mina at sabay na napabungisngis.

"Sorry na lang sila ako ata ang nginingitian ni Ycos," bulong niya kay Mina. Natawa lang ito at napailing.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon