Jessa's POV
KANINA pa nakaalis si Xyrius pero malawak pa rin ang pagkakangiti niya. Hindi na mawawala sa kanya ang bahay na ipinundar ng mga magulang niya. Gusto niya sanang tawagan ang Papa niya para sabihin ang magandang balita pero hindi na lang niya ginawa.
Ang alam ng Papa niya nailit na ang bahay nila at sa isang maliit na apartment na lang siya nangungupahan. Ang sinabi niya kasi dito nagtatrabaho siya kay Mr. Moretti sa kompanya nito para bayaran ang utang nila. Naniwala naman ang Papa niya at hindi na nagtanong.
Hindi niya rin kasi kayang aminin dito ang totoo. Alam niyang masasaktan ito at sisisihin ang sarili kapag nalaman nito ang totoong trabaho niya.
Saka niya na lang siguro ipapaliwanag ang lahat kapag kaya niya na o kaya babaunin niya na lang hanggang sa mamatay siya ang trabaho niya ngayon.
Napakunot ang noo niya nang marinig na may nag-door bell. Wala naman siyang inaasahang bisita. Naisip niya na baka bumalik si Xyrius.
Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan.
Pero hindi si Xyrius ang nakita niya kundi si Timothy - ang male secretary ni Xyrius. May dalawa pang lalaki na may mga grocery bag na dala-dala sa likuran nito ay dalawang babae na sa tingin niya ay mas matanda sa kanya ng ilang taon.
"Yes?" tanong kay Timothy.
"The Boss ordered us to bring you groceries and maids to assist you," magalang na sabi ni Timothy.
"Ah, okay..."
Wala siyang nagawa kundi ang papasukin ang mga ito. Pinapanood niya lang ang mga ito habang kumikilos sa loob ng bahay niya. Punong-puno na ang cupboard niya pati ang ref niya sa mga dala ng mga ito pero mayroon pa ring kinukuha ang mga ito sa kotse.
Ang dalawang babae naman ay nagsimula na sa paglilinis sa loob ng bahay at pagla-laundry ng mga maruming damit niya.
Nang matapos ang mga ito saka lang nagpaalam sa kanya.
"Hindi na ba kayo kakain man lang dito?" aniya kina Timothy.
Ngumiti naman si Timothy at magalang na nagpaalam na sa kanya.
Kinuha niya naman ang cellphone niya at tinawagan si Xyrius.
"Pumunta dito sina Timothy," bungad niya dito nang sagutin nito ang tawag niya.
"Good. By the way I'll pick you up later."
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Sa isang charity ball. I need a date there."
"Pero--" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng babaan na siya nito ng tawag.
Napakamot na lang siya sa noo at tinext si Xyrius kung anong oras siya nito susunduin. Ilang sandali naman ay nag-reply na ito sa kanya.
ISANG black cocktail dress ang suot niya. Plunging ang neckline at mababa ang likuran kaya naman kita ang makinis niyang likod. Mahaba rin ang slit niyon sa kanang hita niya kaya ay sa bawat paggalaw niya nakikita ang mahaba niyang legs. Buti na lang talaga at nagmana siya sa Mama niya, long legged kasi ito.
Ginawa niyang messy bun ang style ng buhok niya at nag-full bangs. Simple lang ang make up na nilagay niya at pinarisan niya iyon ng dark matte lipstick.
Nasisiyahang napangiti siya sa salamin.
Sa totoo lang nami-miss niya ang magsuot ng ganito. Gusto niya rin talagang maka-attend sa mga party.
May bahagi niya ang naiinggit sa iba na na-e-enjoy ang buhay ng walang iniisip na problema.
Dinampot na niya ang silver clutch bag niya ng marinig na may nag-door bell sa pintuan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...