Eleven

5.7K 181 10
                                    





Jessa's POV

"STABLE na ang kaibigan mo, ang mabuti pa umuwi ka na rin, hija, para makapagpahinga ka na," sabi ni Tita Melody, ang stepmother ni Mina.

Muli niyang sinilip si Mina. Wala pa ring malay ang kaibigan niya pero ang sabi ng doctor stable na daw ito. Panic attack, yun daw ang dahilan kung bakit nahirapan itong huminga at nawalan ng malay.

Hindi niya masabi sa mag-asawa ang nangyari kaya hinayaan na lang niya na ang Dean ang magpaliwanag sa mga ito.

Hindi niya rin kasi alam kung ano ang eksaktong sinabi ni Kenobi kay Mina kung bakit inatake ito ng panic attack.

"Sige po, Tita, Tito, mauna na po ako," paalam niya sa mag-asawang De'Marco.

"Sige, mag-iingat ka,pp ha?" ani ni Tita Melody.

"Thank you po."

Nilapitan niya si Mina at hinalikan. Bumaling siya kay Tita Melody at Tito Horacio para bumeso.

Nagulat pa siya nang makita si Kristoff na nakahalukipkip sa pinto. Agad itong umayos ng tayo nang makita siya.

"How is she?" tanong nito sa kanya.

"Okay na. Hindi ka ba papasok sa loob?" aniya rito dahil nang dumating siya sa ospital kanina hindi pa nito sinisilip ang bestfriend niya.

"Hindi na," anito na nakatingin sa pintuan tila nagtatalo ang isip kung papasok o hindin. "Pauwi ka na ba?" pagkuwa'y baling nito sa kanya.

Tumango siya kay Kristoff. Hindi niya akalain na approachable pala ito. Natutuwa siya dahil may malasakit ito kay Mina. Nakita niya kung paano ito nag-alala sa kaibigan niya kanina.

"Sabay ka na sa'kin," alok nito.

"Sige ba," pagpayag niya at sinabayan na ito sa paglalakad.

Dumiretso sila sa parking lot ng hospital at sumakay sa kotse nito. Lihim siyang napahanga sa ganda ng sasakyan nito. First time niyang makasakay sa isang sports car.

"Ahmm... Puwede ba akong magtanong?" untag niya dito ng nasa daan na sila.

"Go on," anito na ang mga mata ay nasa kalsada.

"Kanina kasi si Kenobi... may ibinulong siya kay Mina tapos nakita kong parang nagulat si Mina, tapos ayun na, inatake na ng panic attack si Mina."

Nilingon niya si Kristoff para tignan ang reaksyon nito.

"Sa tingin mo ano kaya ang sinabi niya kay Mina?" tanong niya dito.

Nakita niyang humigpit ang hawak ni Kristoff sa manibela. Saglit na tumiim din ang bagang nito. Pero saglit lang lumuwag na ulit ang paghawak nito sa manibela. Pinilit din nitong ngumiti sa kanya.

Nagkibit-balikat ito.

"I don't have any idea. You're there, wala ka bang narinig?" anito at bahagyang lumingon sa kanya.

"Wala nga e, kaya nga tinatanong ko sayo since kapatid mo si Kenobi."

Matiim niyang tinitigan si Kristoff.

May pakiramdam kasi siya na may alam ito pero ayaw lang magsalita.

"Diyan ba ang sa inyo?" anito sabay turo ang bukana ng subdivision nila.

"Oo, diyan na lang ako sa may lamp post," aniya.

Inihinto nito ang kotse sa may lamp post na malapit sa gate ng subdivision.

"Salamat," pasasalamat niya dito saka bumaba na sa kotse nito.

Kumaway pa sa kanya si Kristoff bago ito tuluyang umalis. Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong kotse nito. Hindi siya kumbinsido na wala itong alam. Kapatid ito ni Kenobi malamang na pinagtatakpan lang nito ang kapatid.

Napabuntong-hininga na lang siya at naglakad na. Ala-una na ng hating gabi. Wala ng mga tricycle kaya wala siyang choice kundi lakarin hanggang sa bahay nila.

Hindi naman madilim dahil sa mga light post. Malamig ang simoy ng hangin. December na pala. Nayakap niya ang sarili niya. Nami-miss niya na ang Papa niya. Siguro uuwi na lang siya sa pasko sa Ilocos tutal may two weeks namang bakasyon.

Binuksan niya ang maliit na gate ng makarating siya sa bahay.

Wala na siyang kasama roon at ramdam niya ang lungkot lalo na nang pumasok siya sa loob. Madilim at nakakabingi ang katahimikan.

Binuksan niya ang ilaw. Pagharap niya halos mapatili siya nang makita si Xyrius na parang hari na nakaupo sa love seat. Nakadekuwatro habang matalim ang mga titig na nakatingin sa kanya.

Napahawak siya sa dibdib niya. Sobrang lakas ng kabog niyon at parang kakawala na. Kulang na lang himatayin siya sa sobrang takot.

Galit na hinubad niya ang sapatos niya at binato niya dito. Sapul sa noo si Xyrius at mas lalong bumakas ang galit sa mukha nito.

Napaatras naman siya. Malay niya bang hindi ito iiwas sa ibinato niya.

Tumayo si Xyrius at naglakad papalapit sa kanya. Wala na siyang maatrasan dahil lumapat na sa pinto ang likod niya.

"T-Teka..."

"Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi? Sinong kasama mo?" mariin at galit na anito sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya. Bakit ba kung magsalita to parang Tatay niya?

"Answer me!"

Napapitlag siya sa pagsigaw nito. Inis na kinamot niya ang tainga.

"Ang ingay mo!" inis na aniya dito at pinameywangan ito. "Hoy, Mister, isang dipa lang ang layo ko sayo kaya di mo kailangang sumigaw!" talak niya dito.

Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito. Namaywang na rin ito sa harap niya.

"Sisigaw ako kung kailan ko gusto!" anito.

Naipaikot niya na lang ang mga mata niya.

"De magsisigaw ka diyan! Laki ng problema mo!" aniya saka ito tinalikuran.

"Where the f*cking hell are you going again!" sigaw na naman nito.

"Sa kusina ho, kamahalan, magluluto ng lucky me dahil gutom na ang mga alaga ko sa tiyan," aniya dito habang lumalakad papunta sa kusina. Wala pa siyang hapunan at nagugutom na siya.

"Alaga..." narinig niyang anas ni Xyrius. "Hey, wait! What do you by 'alaga'?" sigaw na tanong nito.

Napailing na lang siya at bahagyang natawa. Masisiraan siya ng bait sa lalaki. Binuksan niya ang cupboard at kinuha ang cup noodles doon. Binuksan niya iyon saka nilagyan ng tubig na mainit mula sa water dispenser.

"Are you pregnant?" tanong ni Xyrius mula sa likod niya. Sumunod na pala ito sa kanya.

Nagulat naman siya sa tanong nito kaya dumaplis ang pagkakahawak niya sa cup at natalsikan siya ng mainit.

"Sh*t!"

"What's wrong?" agad na lumapit si Xyrius at hinila ang kamay niya kaya mas lalong natapon ang cup noodles.

"Ayan natapon na! Ang kulit mo kasi!" galit na singhal niya kay Xyrius.

"I'm just concern to you!" muling sigaw na naman nito.

"Puwede ba lumayas ka sa harap ko nandidilim ang paningin ko sayo!" aniya na naniningkit ang mga mata.

Saglit silang nagtitigan ni Xyrius bago ito galit na tinalikuran siya.

"Buwisit!"

"I hear you!" sigaw nito.

"Wala akong pakealam!" balik sigaw niya.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon