Xyrius POV
ANG laki ng ngisi niya habang tinatanaw ang galit na si Jessa na papalayo sa kanya.
"Ang sakit no'n ah!" ani ni Gareth habang hinihimas ang panga. Hindi ito mukhang galit at nakatanaw din ito kay Jessa na may amusement sa mga mata.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Nainis siya sa nakikitang pagka-aliw nito kay Jessa.
"Altierra!" tawag niya kay Gareth.
Napalingon naman ito sa kanya at mas lalo siyang nainis ng may ngiti pa rin ito sa mga labi.
Iniumang niya ang kamay dito. "Pull me out."
"Tss!" palatak nito pero lumapit naman sa kinaroroonan niya. Nakita niya namang napangisi si Kritoff.
Pero imbis na abutin nito ang kamay niya nakapamulsa nitong sinipa papunta sa kanya ang aviator niya. Tinamaan siya sa noo.
"The hell?" inis na sigaw niya dito.
"You can't trick me, id*ot," nakangising anito sa kanya saka siya tinalikuran.
"Grow up, dude," iiling-iling naman na ani ni Kristoff at sumunod kay Gareth.
Nagngingitngit naman na tinignan niya ang mga papalayong kaibigan.
Hindi niya nagustuhan ang naging reaction ni Gareth kay Jessa. Mas gugustuhin niya pang nagalit o murahin nito si Jessa kaysa makita niya itong tila aliw na aliw sa pag-aari niya.
Napatiim bagang siya.
Nawala tuloy ang magandang mood niya dahil sa ipinakitang pag-aalala sa kanya ni Jessa at ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya laban kay Gareth.
Jessa's POV
BUWISIT na buwisit siya, ay hindi, galit na galit pala siya sa damuhong Xyrius na iyon.
Hindi biro ang takot na naramdaman niya kanina nang akalain niyang nalunod na ito. Bumalik sa kanya ang alaala ng sakit nang mamatay ang Mama niya. Ganoon ang naramdaman niya kanina. Gusto niyang maglupasay lalo na nang makitang hindi nagre-respond si Xyrius ng i-mouth to mouth resuscitation niya ito, para siyang mababaliw kanina. Hindi niya alam ang gagawin. Ramdam niyang tumigil ang pintig ng puso niya sa sobrang takot.
Napatigil siya sa paglalakad. Basta na lang siyang napa-upo at sumubsob sa tuhod niya. Doon niya pinakawalan ang mga luha. Parang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya nang mawala ang Mama niya.
At dahil iyon sa buwisit na Xyrius na yon!
May puting panyong bumalandra sa mukha niya. Napatingala siya sa nag-abot niyon sa kanya. Si Gareth. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito.
Tumayo siya at padaskol na inabot ang panyo nito at mabilis na siningahan. Tinignan niya ito pero hindi man lang niya nakitang ngumiwi ito o nandiri.
"Hindi ako magpapasalamat sayo," barado ang ilong na aniya dito.
"Hindi rin naman ako nanghihingi ng thank you," sagot nito na tumaas ang gilid ng labi.
"Buti naman dahil wala kang mapapala sa akin. Oh, panyo mo!" Ibinalik niya rito ang panyo nito.
Nagulat siya ng inabot nito iyon at baliwalang isinilid sa bulsa nito. Napataas ang kilay niya. Hindi niya inasahan ang ginawa nito. Ang ini-expect niya kasi mandidiri ito at sasabihan siyang itapon na lang ang panyo nito. Katulad ng mga typical na mayayaman.
Isang dangkal ata ang itinaas ng kilay niya nang tanggalin nito sa harap niya ang jacket nito at iniabot sa kanya.
"Here. Isuot mo," anito sa kanya.
"H-Hindi na--"
"This is not for your sake. Ayoko ko lang nakakakita ng mga palakad-lakad na babae na naka-swimsuit. Lalo na kung hindi naman sexy."
Napanganga siya dito. Nakasuot pa nga pala siya ng swimwear niya. Pero ang kapal ng ng mukha nito. Hindi raw siya sexy? Ha! Bastos ang bunganga nito hindi nakakatuwa.
Inis na hinablot na rin niya ang jacket nito at agad na isinuot. Dahil matangkat ito at malapad ang katawan sobrang laki sa kanya ng jacket halos umabot na iyon sa gitna ng hita niya.
"Di pa rin ako magpapasamat. Diyan ka na nga!" aniya dito at mabilis itong tinalikuran.
Kung akala nito mauuto siya nito dahil nagbabait-baitan ito sa kanya nagkakamali ito. Panigurado may binabalak na namang kalokohan si Xyrius kaya bigla-bigla na lang siyang nilapitan ni Gareth.
"Mabaog sana kayo mga hayop kayo!" galit na bulong niya.
BUMALIK siya sa pool pero nagpalipas muna siya ng ilang oras. Siniguro niyang wala ng tao roon ng bumalik siya. Ayaw niya kasing madatnan doon si Xyrius o kahit na sinong mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari kanina.
Pumasok siya sa locker. Binuksan niya ang locker niya at kinuha doon ang mga gamit niya. Nilalamig na siya dahil natuyo na sa katawan niya ang swimsuit na suot niya.
Sa bahay na lang siya maliligo para makapag-init pa siya ng tubig. Wala kasing heater dito sa shower room at nakakaramdam na siya ng panlalamig hindi niya kayang maligo kaya mas mabuti pang sa bahay na lang siya.
Nagpalit na siya ng damit at inilagay sa paper bag ang pinaghubaran niya at ang jacket ni Gareth. Saka niya lang siguro yun isasauli o kaya hindi na lang makaganti man lang kahit kaunti.
Kinuha niya ang cellphone niya. May 300 missed calls at 200 messages ay lahat ng iyon ay galing kay Xyrius. Napa-ismid siya. Hindi pa rin nawawala ang galit niya dito.
"Manigas ka!" aniya sa cellphone at binulsa niya iyon.
Wala na siyang balak um-attend sa natitira niya pang klase kaya naman umuwi na lang siya. Medyo mabigat na kasi ang pakiramdam niya at gusto niyang magpahinga na lang.
Nakauwi siya sa bahay nila. Dumiretso siya sa kusina. Kinuha niya mula sa taas ng cup board ang electric kettle ng Mama niya. Matagal ng hindi nagagamit iyon. Dinala niya iyon sa kuwarto niya.
Nag-init siya ng tubig habang pinupuno ang bathtub. Gusto niyang lumubog sa maligamgam na tubig para naman mawala ang pananakit ng katawan niya.
Nang maayos na ang liliguan at matantiya niya na ang init na gusto niya ay naghubad na siya saka ibinabad ang katawan sa bathtub. Inabot niya ang earpiece niya at isinalpak sa tenga.
Nakaramdam siya ng ginhawa kahit papaano. Pumikit siya at in-enjoy ang bathtub habang nakikinig ng music.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang naka-idlip pero nagising na lang siya ng biglang matumba ang pinto ng banyo niya at galit na galit na lumabas doon si Xyrius.
Agad na nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya kung paano napalitan ng relief ang mga mata nito nang makita siya.
"D-Doll... I... Thought -- f*ck!" anito at mabilis na lumapit sa kanya at paluhod na niyakap siya. "You scared me..." bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap.
"Anyare sayo?" naguguluhang tanong niya sa drama nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
Storie d'amoreIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...