Xyrius' POV
"Are you sure gagana ang plano mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Gareth.
Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa malaking flat screen T.V. habang hawak ang controller ng xbox. Katabi nito si Kristoff na mukhang malalim ang iniisip.
"Of course. She has no one else to run to, but me!" mayabang na sagot niya. Totoo naman iyon. Sino pa ba ang malalapitan ni Jessa kung hindi siya lang? Siya lang ang may kayang sumuporta dito.
Alam niyang pinatawag na ng Dean si Jessa para ibalita ditong na tanggalan na ito ng scholarship at nakikini-kinita na niya na maluha-luha itong lalapit sa kanya para humingi ng tulong at siyempre pa tutulungan niya ito at magmumukha siyang tagapagligtas ni Jessa. Napakatalino talaga niya!
"If you say so..." kibit-balikat na sagot ng kaibigan niya.
Napasimangot siya hindi niya iyon nagustuhan. Mukhang duda ito sa plano niyang ilubog sa utang si Jessa.
"Why don't you court her instead? Make her fall in love with you," ani pa nito.
Nawalan siya ng imik. Paano siya manliligaw kung hindi naman siya marunong no'n? Wala naman siyang niligawang babae, mga babae ang lumalapit sa kanya at namimili lang siya. Paano niya rin ba sasabihin na natatakot siya na baka hindi niya magawang paibigin si Jessa kaya mas pinipili niya na lang na mabaon ito sa utang sa kanya para mas magkaroon pa siya ng maraming oras na makasama ito?
"Natotorpe," ani ni Kristoff. "Kaya puro kalokohan ang ginagawa dahil takot ma-basted."
"And a fucking spoiled rotten brat!" tatawa-tawang segunda ni Gareth. "Akala niya lahat mabibili ng pera niya. Well, goodluck, brod!"
Agad na uminit ang ulo niya.
"Wala kayong kuwentang kausap!" inis na tumayo sita at iniwanan ang dalawa.
Lumabas siya ng tambayan na nasa loob ng Campus. Dating tambayan iyon nila Kuya Gringo - pinsan ni Gareth na apo ng may-ari ng Westwood. Apat na taong ahead sa kanila sina Kuya Gringo, Nicklaus, Travis at Ivo. Ngayon silang tatlo nila Gareth at Kristoff ang gumagamit ng tambayan.
Napipikon siya dahil totoo ang lahat ng kantiyaw ng mga kaibigan niya.
He was born with a golden spoon in his mouth. He always can get everything he wants. Everything has a fair amount and his family has a lot of money that he can use for whatever he wants. Ganoon ang buhay. Umiikot ang lahat sa pera. Kahit ang batas ay kayang bilhin. Kahit pa si Jessa.
Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang number ni Jessa.
"Hello?" sagot nito.
Saglit siyang natigilan. Bakit mukhang hindi naman malungkot ang boses nito? Tinawagan na siya ng Dean at sinabi nitong nakausap na nito si Jessa.
"Where are you?"
"Palabas ng canteen, bakit ba?" mataray na anito at hindi niya talaga ito nahihimigan ng kahit konting lungkot.
"Magkita tayo sa parking!" utos niya dito. In-end call niya ang tawag at saka naglakad patungo sa parking lot na kinaroonan ng kotse niya. Pumasok siya roon at hinintay si Jessa.
Ilang saglit pa nakita na niyang papalapit si Jessa. Nangunot ang noo niya. Bakit kaya hindi ito mukhang problemado? Mukha ngang masaya pa ito. Binuksan nito ang pinto ng kotse niya at pumasok.
"Ano na naman, Xyrius?" anito sabay higit ng tissue sa bag nito at pinunasan ang pawis. "Ang init sa Pinas!"
"Wala ka bang sasabihin sa'kin o hihingiing pabor?" di makatiis na tanong niya. Mukha kasing wala itong balak na makiusap.
Nangunot ang noo nito. "Kagaya ng ano?" takang tanong nito.
Shit! In denial ba siya? - pero mukhang wala talaga itong problema. Mukhang genuine ang pagkalito sa mukha nito.
Natahimik siya. Paano ba niya i-o-open dito ang iaalok niyang tulong kung wala naman itong balak na humingi ng tulong sa kanya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Na-Nabalitaan ko kasi na pinatawag ka ng Dean--"
"Ah, Oo..." kibit-balikat na anito. "Tinanggalan ako ng scholarship," relax na anito.
Inilabas nito ang foundation at nagsimulang mag-retouch. Mukhang baliwala dito na na tanggalan ito ng scholarship.
"Need ko na daw magbayad," dagdag pa nito saka inamoy ang kili-kili nito.
Noong una napapangiwi siya kapag ginagawa nito iyon pero kalaunan ay nasanay na rin siya. Minsan kapag magkatabi sila sa kama nakiki-amoy rin siya sa kili-kili nito hanggang sa na-adik na siya. Minsan nagigising na lang siya na nakasubsob ang mukha sa kili-kili ni Jessa, good thing na wala naman itong anghit sa totoo lang nakaka-adik ang kili-kili nito. Sunod na kinuha nito ay ang bimpo at iniabot sa kanya saka tumalikod.
Mahilig itong magpapunas ng likod kapag napapawisan na ito and he find it amusing. Minsan din kapag galing siya sa pagwo-work out pinupunasan din siya nito ng pawis. Ibinalik niya dito ang bimpo ng matapos niya itong punasan ng likod.
"Thanks," anito.
Muli na naman itong nagkalkal sa bag nito. Kinuha nito ang pulbo. Hinila nito ang kuwelyo nito at nagtaktak ng pulbo doon. Pagkatapos ay sa likod naman nito. Nagkalat ang mga puting pulbos sa sahig at upuan ng lamborghini niya pero hinayaan niya lang ito. Wala siyang pakialam kahit mag-amoy Johnson baby powder ang loob ng mamahalin niyang sasakyan. Nasanay na kasi siya.
Nang matapos ito ay saka ito humarap sa kanya.
"Ano?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Para namang umurong ang dila niya. Paano niya ba ito aalukan ng tulong kung hindi ito humihingi? Ah bahala na! - "I was worried about you--"
"Naku, okay na. Nakagawa na ako ng paraan. May nag-offer sa akin ng scholarship uli, sa isang foundation tapos puwede pa akong mag-apply ng part time job--"
"What!" halos mayanig ang loob ng kotse niya sa lakas ng sigaw niya.
Sumimangot naman ito at hinimas ang tainga.
"Ayan ka na naman sa kakasigaw mo para ka na namang tanga. Wala pang isang dipa ang layo natin Xyrius, kahit bumulong ka maririnig kita!" inis na talak nito sa kanya.
Napakuyom siya ng kamao. Hindi niya inaasahan na may mag-aalok ng tulong dito. Was it Mina? Baka ang foundation ng pamilya De'Marco ang nag-alok ng tulong dito. Hindi niya naisip yon. Siguro nakapagkuwento na ito kay Mina kaya agad na naalukan ng tulong.
Lihim siyang napamura hindi puwedeng mabaliwala ang mga plano niya. At paano niya mailulubog si Jessa sa utang kung hindi siya ang magbibigay ng tulong dito.
"Tanggihan mo yon!" aniya dito.
Matalim naman na tinignan siya nito.
"Ano ka bale? Kagaling-galing at may tumulong sa akin tapos tatanggihan ko?" mataray na panonopla nito sa kanya.
"Hindi ka dapat humihingi ng tulong sa iba! Ako dapat ang tutulong sa'yo! Kaya kong bayaran ang tuition mo kahit sampung taon ka pang mag-aral!" talak niya dito sabay hampas sa manibela. Pakiramdam niya ay umuusok ang ilong niya sa galit.
Natawa naman si Jessa. "De lalo akong nalubog ng utang sa'yo? Ayoko nga!" tila tuwang-tuwa na anito.
Lalo namang nag-init ang ulo niya at nagsalubong ang mga kilay niya. "At bakit ayaw mo?" galit na tanong niya dito.
Lalo naman itong natawa. "Kasi baka Lola na ako hindi pa rin ako tapos sa pagbabayad ng utang sa'yo. Kaya ayoko. Buti pa doon sa foundation ng Tito ni Ycos, libre."
"THE FUCK?" malakas na sigaw niya na ikinapitlag ni Jessa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
RomanceIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...