Fifty Two

3.9K 126 2
                                    

Jessa's POV

MARAHANG pag-uga ng higaan ang nagpagising sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata at puting kapaligiran ang nakita niya. Napapikit siya ng masilaw sa liwanag ng araw na nagmumula sa bilog na bintana. Nasa yate pa rin siya. Bumangon siya kipkip ang kumot na lumabas siya ng cabin.

Wala si Xyrius kaya nagpasya siyang umakyat sa captains deck. Hindi na siya nag-aabalang magbihis dahil alam niyang dalawa lang naman sila sa yate.

Pagkatapos ng dinner nila kagabi walang sawang inangkin nila ang isa't-isa. Sa ibabaw ng table, sa sahig sa may uppder deck, habang nakahawak siya sa railing at nasa likuran niya ito, at sa cabin. Hindi niya alam kung anong oras na pero mahapdi na sa balat ang init ng araw.

Wala sa captains deck si Xyrius. Nakahinto rin ang yate pero mauga dahil sa alon.

Lumabas siya sa captains deck at lumapit sa railing nang marinig ang pag-flash ng tubig. Sinilip niya iyon at nakita niya si Xyrius na lumalangoy. Itinukod niya ang dalawang siko sa railing at pinanood ang lalaking maglunoy sa tubig. Maya-maya pa ay naramdaman siguro nitong may nakatingin dito kaya naman lumingon ito sa kanya. Kinawayan siya nito saka ito nag-floating. Napa-nga nga siya ng makitang walang kahit anong saplot si Xyrius. Para itong diyos ng karagatan.

Nakataas ang sulok ng labi nito habang nang-eengganyong nakatingin sa kanya. Tumayo siya ng maayos. Hinawakan niya nang hugpungan ng kumot na nakabalabal sa katawan niya. Dahan-dahan niya iyong kinalas at hinayaang nanulas sa katawan niya pabagsak sa paanan niya.

Nakita niyang biglang lumubog si Xyrius nang makita ang hubo't hubad niyang katawan. Wala siyang saplot kahit isa. Umakayat siya sa railing at sumampa sa kabila. Inantay niya lang muling lumutang ang ulo ni Xyrius bago siya nag-dive sa tubig.

Sumalubong sa kanya ang malamig na tubig dagat. Lumangoy siya agad paitaas at ng makaahon siya ay galit mukha ni Xyrius ang nakita niyang papalapit sa kanya.

"What the fucking fuck are you thinking!" malakas na sigaw nito at marahas siyang hinaklit. "Paano kung nadulas ka at napasama ang pagbagsak mo? Paano kung tumama ka sa railing? Do you have plan on killing me?" labas ang litid na sigaw nito sa kanya.

Hindi niya magawang magalit sa pagsigaw nito sa kanya dahil sa nakikitang sobrang pag-aalala nito.

Nakangiting ipinulupot niya ang kamay sa leeg nito.

"Why so OA, my baby boy?" malambing na aniya dito sabay halik sa labi nito.

Natigilan naman ito at saglit na nalito.

"You... scared me..." anas nito. Nawala na ang galit sa boses nito. Mahigpit na niyakap siya nito. "Don't do that again, okay? You're giving me a heart attack!" anito saka siya hinalikan.

"Wait!" anito sabay tulak sa kanya. "What did you just call me?" kunot noong tanong nito pero may naglalarong ngiti naman sa mga labi.

"Ha? Anong sinabi? Yung 'why so oa'?" patay malisyang sagot niya.

Napaikot naman nito ang mga mata. "After that..." anito na mas lalo siyang niyakap.

Nagdikit ang noo nila. "Ahhh... Yung my baby boy?" aniya sa paos na boses.

"Yeah... Isa pa nga..."

Tumawa siya. "Baby boy..." ulit niya.




DAIG pa nila ni Xyrius ang nag-honeymoon pagbalik nila sa lupa. Nanatili sila ng dalawang araw sa yate at yun na ata ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Mas nakilala niya si Xyrius at mas naging malapit sila sa isa't-isa.

The Billionaire's Whore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon