Jessa's POV
"MAMA!" malakas na sigaw niya sabay balikwas ng bangon. Hingal na hingal siya at pawis na pawis. Nanaginip na naman siya. Niyakap niya ang sarili.
Paulit-ulit na bumabalik at nagiging bangungot ang muntik nang panggagahasa sa kanya. Parang nararamdaman niya pa ang mga kamay ni Devon na lumalapastangan sa katawan niya.
Pakiramdam niya ang dumi-dumi niya. Nandidiri siya kapag naaalala ang nangyari. Napahagulgol siya ng iyak.
"Doll?"
Napalingon siya sa pintuan. Naroroon si Xyrius na bakas ang pag-aalala sa mukha. Agad na umahon sa kanya ang galit. Ito ang dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ng husto ang buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit mas naging komplikado ang sitwasyon niya.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na aniya rito.
Nakita niya ang sakit na bumadha mukha nito pero wala siyang pakialam. Gusto niya ng mawala ito sa buhay niya. Kahit magbenta siya mga lamang loob niya gagawin niya.
Bumuntong-hininga ito at humakbang papalapit sa kanya pero binato niya ito ng unan.
"Wag kang lalapit!" galit na sigaw niya.
Dumilim ang mukha nito.
"Doll-"
"Stop calling me that! Hindi mo ako laruan! Hindi ako laruan!" Tumayo siya sa kama at sinugod si Xyrius. Pinagsasampal niya ito at pinagsusuntok sa dibdib pero hinayaan lang siya nito. "Napakawalang puso mo! Napakahayup mo! Ano bang kasalanan ko sa'yo?" galit na sigaw niya dito saka nanghihinang napaupo sa sahig. "Bakit kailangan mo kong parusahan? Anong maling nagawa ko bakit kailangang maging ganito ang buhay ko? Ang baba na nang tingin ko sa sarili ko, ganito na lang..." aniya at ipinakita dito ang dalawang daliri niya na may kaunting uwang para ipamukha dito kung gaano siya kaliit.
Napahagulgol siya sa mga palad niya. "Hindi ko pinangarap ang maging puta pero kinailangan ko para sa Papa ko, siya na lang ang mayroon ako at hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kaya pikit mata kong tinanggap ang pagbebenta ng katawan... Alam kong mali yon pero... anong gagawin ko? Ayokong mapahamak ang Papa ko." Tumingala siya rito. "Ni hindi ko matignan ang sarili ko sa salamin. Araw-araw pilit kong tinatanggal sa isip ko ang lahat. Pero araw-araw ipinapaalala mo sa akin kung anong klaseng tao ako..." Niyakap niya ang sarili. Pakiramdam niya wala siyang halaga. "Hindi ka pa nakuntento... Ipinagkalat mo pa! Wala kang puso, Xyrius... wala kang puso..." sumbat niya dito. Naalala niya ang lahat ng insultong natanggap niya. Ang muntikan nang panggagahasa sa kanya dahil ang tingin ng mga lalaki sa kanya ay babaeng bayaran. Ang mga nagte-text at tumatawag sa kanya para mag-avail ng 'serbisyo' niya. Pagod na pagod na siya sa lahat ng iyon. Sawang-sawa na siyang magpagsalitaan ng kung ano-ano.
Tao rin naman siya. Nasasaktan din siya kahit pilit niyang pinatatag ang sarili. Bugbog na siya sa mga panlalait ng iba.
Pinilit niyang tumayo kahit mabuway ang paglakad niya. Pinunasan niya ang mga luha at hinarap ito. Huminga siya ng malalim.
"H-Hindi ko na kayang ituloy ang kontrata. Kahit ibenta ko lahat ng lamang loob ko gagawin ko mawala ka lang sa buhay ko..."
Nakita niya ang sakit na bumadha sa mukha ni Xyrius. Pero alam niyang ego lang nito ang nasaktan.
Tumalikod siya at lumapit sa cabinet. Kinuha niya mula sa ilalim ng mga damit niya ang titulo ng bahay. Muli siyang bumalik sa harap ni Xyrius at ibinigay iyon.
"Ibinabalik ko na ang bahay namin. Sa'yo naman talaga yan dahil ikaw ang tumubos sa banko." Hindi umimik si Xyrius at nanatili lang na nakatingin sa kanya habang hawak ang titulo ng bahay nila.
"May mga alahas pa si M-Mama. Yung mga gamit dito antigo, maibebenta ko pa. Ibibigay ko sayo lahat ng mapagbebentahan." Lumunok siya saka nagpatuloy. "Malusog ako at malakas ang resistensya siya ko. Nag-research ako kaya raw mabuhay ng tao na iisa lang ang kidney, ibebenta ko yon--"
"Hindi pa rin sasapat lahat ng ito kahit ang dalawang kidney mo pa ang ibenta mo," malamig na anito.
"Mayroon pa akong atay at balun-balunan. May puso pa ako... y-yung m-mata ko p-puwede ding--"
Hindi na niya naituloy ang iba sasabihin dahil mariing hinalikan ni Xyrius ang mga labi niya. Hindi siya kumilos sa kinatatayuan ni hindi niya tinugon ang mga halik nito.
Naging malikot ang mga labi nito. Pilit ibinibuka ang bibig niya para makapasok ito roon pero mariin niyang kinagat ang labi hanggang sa pareho na nilang malasahan ang dugo na nagmumula sa nasugat niyang labi.
Lumayo ito sa kanya pero hindi siya binitawan. Namumula ang mga mata nito at tila puno ng hinanakit ang mata habang nakatingin sa kanya.
"You can't pay your debt to me, even if you sell your toenails, you will not be able to repay what I have already given." paos ang boses na anito. "So whether you like it or not you will stay with me until you can pay the debt... until I get back the thing I gave you," makahulugang anito.
Napakunot noo naman siya. Ibinalik naman na niya dito ang titulo ng bahay. Ano pa ba ang kailangan niyang ibalik? Wala naman siyang matandang mahalang bagay na ibinigay nito sa kanya.
Napapitlag pa siya ng maramdaman ang daliri nito ng pinunasan nito ang labi niya. "You should r-rest," anito at iniiwas ang mga mata sa kanya na tila may itinatago at ayaw ipakita sa kanya. Humakbang ito palayo sa kanya saka tuluyan ng tumalikod.
"Ayoko ng maging puta!" galit na sigaw niya dito ng nasa pintuan na ito. "Xyrius!" malakas na sigaw niya pero hindi na ito lumingon. Tuluyan na itong lumabas ng kuwarto niya.
Napasalampak na lang siya sa sahig kailangan niyang gumawa ng paraan para makabayad kay Xyrius. Kailangan niyang ibalik dito kung ano man ang pesteng bagay na sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Whore (completed)
Storie d'amoreIn the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. The remnants of her once comfortable life vanished one by one, leaving only an overwhelming sense of...