Daryl's POV
ㅤPagkalipas ng tatlong minutong pagtatago sa likod ng kariton ay may natanaw kaming isang taong nakahoody na papunta sa direksyon namin.
May dala-dala syang patalim at dumadaisdis yun sa pader na gumagawa ng langitngit na tunog.
"Si Robinhood ba yan?" Sambit ni Rems habang nakatingin dito dahil natatakpan ng hood ang mukha nya.
"Paano naman magiging si Robinhood yan eh wala ngang pana?" sambit ko
"Atleast may patalim. Robinhood modern version" sambit ni Rems na mukhang narinig ng nakahoody kaya napatingin sa kinaroroonan naming dalawa.
"Puta ka. Ang ingay mo kase" sambit ko nang biglang magpatay sindi ang ilaw sa first floor. Mag gagabi narin kaya madilim na.
"Shit!" Mura ni Rems nang lumakad na yung nakahood papunta samin.
Tatakbo na sana kami pataas nang may marinig kaming boses ng isang babae.
"Don't move." Sambit nito na agad naman naming sinunod sa di malamang dahilan.
Tumagal ng ilang minuto ang posisyon namin bago sumindi ulit ng maayos ang ilaw, wala narin yung nakahood.
Nilingon agad namin ang pinanggalingan ng boses pero wala kaming nakitang kahit anino man lang kaya nagmadali kaming pumunta sa dorm kasama ang lahat ng gamit at di na inintindi pa yung bigat nito.
Ganito pala yung sinasabi nilang adrenaline rush.
Pagbukas namin ng pinto ay bumungad samin ang mukha nila Ange na halatang nagtataka.
"Bakit parang namumutla yata kayo?" Tanong ni Alyssa
"Mabigat kase dala namin. Tabi" Sambit ni Rems na halatang nagmamadali.
"Pero dapat ‘di ba mamumula kayo? Bakit putla?" Tanong naman ni Ange
"Kailangan ba talagang ganon?" Sambit ko.
"Di naman. Bakit parang galit kayo?" Sambit ni Ange pero di na kami tumugon pa
"Galit? We're not. We're just tired." tugon ni Rems kay Ange.
Medyo nanginginig pa yung kamay namin ni Rems habang inaayos yung mga natirang gamit at hanggang sa matapos kaming dalawa ay nanginginig parin kami.
"Is something wrong? Remon, Daryl?" Tanong ni Grasya
"Wala naman. Wag nyo nalang kami intindihin. Pagod lang toh." Saad ko
"Oo nga." Pagsang-ayon ni Rems.
"Okay, This dorm have a three rooms and two beds so it means dalawang tao kada isang kwarto. Sino magkakasama?" Nakangiting sambit ni Alicia matapos libutin ang buong dorm.
"Kaming dalawa nalang ni Daryl sa isang kwarto since kaming dalawa lang naman ang lalaki rito." sambit ni Rems
"Kayong mga babae nalang ang bahalang magsama-sama sa iba" sambit ko
"Sa bandang gitna yung room nyo ah. Alyssa and I, kami sa left side room." Sambit ni Grasya
"So Me and Angelica, sa right side room" sambit naman ni Alicia
"Ayos na? Mauna na kami. Gusto na namin matulog." Sambit ko sabay punta sa kwarto namin at agad naman akong sinundan ni Rems
"Mabuti pa. Matulog na tayo" Saad ni Alicia na sinang ayunan naman ng lahat.