Rems' POV
ㅤNawala agad ang takot na nararamdaman ko nung bigla akong binalot ng galit. Tinulak ko sya bago punasan ang luha sa mata ko
"How dare you to use my friend against me?" Galit na sambit ko
"I wanna teach you a lesson" sambit nya
"Lesson for what?" Asik ko
"Di mo ba napansin? Kanina takot na takot ka sakin pero ngayon nagagawa mo nang harapin ako" Sambit nito sakin sabay tawa
"Ginamit mo ang kaibigan ko para paglaruan ang nararamdaman ko!" Asar na sambit ko pero nananatili parin itong nakatayo sa harapan ko kahit na pwede nya kong atakihin gamit ang patalim na hawak nya anumang oras
"Wondering why I used him? It's because sometimes, your emotions can be your strength and it can also be your weakness. That's the lesson" saad nito at bahagyang iginalaw ang kamay nyang may hawak na patalim
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo" madiing sambit ko
"Sinisisi mo sarili mo sa pagkamatay nya tama ba?" walang emosyong sambit nito
"Manahimik ka!" Malakas na sambit ko
"Kase hindi mo sya naligtas kahit nasa harapan mo sya nung mga oras na yun" sunod na sambit nya
"Shut up." Sambit ko bago ikuyom ang kamao
"Wag kang mag alala. Ihahatid na kita sa lugar kung nasaan sya" sambit nito bago tuluyang iangat ang kamay para itarak ang patalim saking leeg.
Wala na kong magawa kundi ang pumikit nalang at tanggapin sa sarili kong ito na ang katapusan ko
"Seriously Remon? Ang weakling mo naman, kapag sakin ang bilis mo kaagad makaganti ng suntok kapag sinusuntok kita tapos kapag yan pipikit ka lang? Unfair. Kaltukan ko yang baga mo" dinig kong sambit sakin ng tinig ni Daryl
Napaiyak ako at napalunok nung marinig ko ang boses na yun kasabay ng pagdampi ng patalim sa leeg ko
"Tama lang na nangyayari sakin lahat ng toh" mahinag bulong ko
"Dahil lang sa di mo ko naisalba? Don't tell me nakokonsensya ka?" Mabilis na tugon sakin ng tinig ni Daryl
"Maybe?" Maikling tugon ko rito
"Sus. Yung brief ko nga na winasiwas mo sa labas ng pinto di ka man lang nakonsensya kahit hiyang-hiya ako sa ginawa mo eh. Dami pa namang nakatingin. Ginawa mong flag, kupal ka" saad nito sakin
"Asaran lang naman kase natin yun." Kontra ko sa sinabi nya
"Talking to yourself?" Singit na sambit ng nilalang na nasa harapan ko pero di parin nito inaalis ang patalim na nakatarak sakin, palagay ko'y ako lang ang nakakarinig sa tinig ni Daryl
"Kung iniisip mo yung pagkatepok ko. Wala namang dapat sisihin dun, di mo rin dapat sisihin sarili mo. Ginusto ko yun, set yourself free noh dzuh." Sambit nya na nagpagaan sa loob ko
"Di ka pa pwedeng mamatay, di ka tanggap sa langit. Do something Rems, mukha kang matamlay na tite dyan eh" sunod na sambit nya na may halo nang pang aasar sakin
"Fuck you!!" Sigaw ko sa hangin
Di ko alam kung ano ang nangyari sakin pero bigla nalang akong binalot ng pagkapikon at nasipa ko sa tyan ang nasa harapan ko sabay agaw sa patalim na hawak nito
"Masyado kang mabagal. Kung kanina mo pa ko pinatay edi sana di babaliktad sitwasyon natin ngayon" sambit ko sabay tadtad ng saksak dito. Sya ata napagbuntungan ko ng pagkapikon ko kay Daryl
"Di ka pwedeng mamatay Remon. Kailangan ka nila. Mas kailangan ka nila ngayon" sambit muli ng tinig ni Daryl
"Ito ang tatandaan mo Mr. Reyes, ikaw ang mas hindi tanggap sa langit." mahinahong sambit ko sa hangin matapos kong tiyaking patay na ang kalaban ko na agad namang nawala matapos balutin ng itim na usok gaya ng nangyari kay Daryl nung nakita ko syang wala ng buhay.
Sumindi na ng maayos ang lahat ng ilaw sa hallway matapos ng pangyayari kaya dumeretso na ko ng lakad at tinahak papasok ang pintuan na nasa harapan ko. Agad namang bumungad na sakin ang kwarto namin ni Daryl.
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa kama kung saan sya humihiga at natutulog. Dumeretso na ko ng higa sa kama ko dala ng pagod.
"Salamat" sambit ko sabay pikit at ngumiti bago tuluyang magpalamon sa antok.