MISSING PAGE
ㅤ***FLASHBACK CONTINUATION***
Daryl's POV
ㅤMatapos ko silang sundan ay napunta ako sa isang silid kung saan sila nagtitipon-tipon.
Nagtago ako sa loob ng cabinet na katabi ng pinto tutal wala naman itong laman at masisilip ko rin ang mga kaganapan sa labas habang nandito ako.
Umalis ang mga nilalang na kamukha namin sa kinatatayuan nila at mukhang may pupuntahan ata.
Nawala na sila sa paningin ko pero hindi ko na sila pwedeng sundan kahit gustuhin ko pa dahil wala na kong ibang pagtataguan sa lugar na toh liban dito sa cabinet. Maliwanag narin ang paligid dahil sa ilaw.
"Ano ba tong pinasok ko?" Mahinang bulong ko
Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat nang biglang may dumungaw na bata sa harapan ko.
"Kita na kita" malamig na sambit nito
Lagot na. Katapusan ko na.
Akmang bubuksan ko na sana ang cabinet para tumakbo pero hindi ko magalaw ang buong katawan ko dahil may kung anong pwersa ang pumipigil dito."Hi" mahinang sambit nung bata na ngayon ay nasa gilid ko na.
"H-hello" takot na sambit ko.
Malakas ang pakiramdam ko na multo itong batang ito dahil sa ginawa nyang pagdungaw kanina at alam kong sya rin ang may dahilan kung bakit di ako makagalaw ngayon.
"I'll tell you a story and retell this to Kuya okay?" Nakangiting sambit nito
"Anong story? Sinong kuya?" Tanong ko
"The guy in a hoody. That's our Kuya" tugon nito
"Okay" sambit ko.
Yung hash slinging slasher.
Paano ko naman kaya mare-retell sa kanya yung story nung batang toh?
Sana di muna ko matepok ngayong gabi. Di pa ko handa. Ayokong mamatay ng walang ligo. Tanggal angas at bawas pogi points yun.
Ikinwento nya sa akin ang istoryang sinasabi nya at nung natapos na syang magkwento ay agad din syang nawala. Nagagalaw ko narin ng maayos ang katawan ko.
Pakiramdam ko totoong istorya yun. Di kaya istorya yun ng totoong buhay nila tapos gusto nya yun ipaalala ulit kaya nya pinapakwento sakin? Exciting.
Bumalik na sa silid ang mga nilalang na kamukha namin kaya nabalik narin agad sa kanila ang atensyon ko.
Isa-isa silang nagsi-alisan at naiwan lang sa kanila yung kamukha ni Grasya.
Binuksan ko ang pinto ng cabinet at lumapit ako sa kanya para kausapin.
"Grace" tawag ko sa kanya kahit alam ko namang hindi si Grasya ang nasa harap ko.
"Grasya ang itawag mo sakin. Hindi ko prefer ang Grace" sambit nito na nagpalaki sa mata ko dahil sa gulat. Parehas sila ng sinasabi ni Grasya sa tuwing tinatawag syang Grace
"Ayoko nga. Hindi ikaw yung totoong Grasya eh" sambit ko
Tiningnan ako nito ng masama kagaya nung tingin na binibigay sakin ni Grasya kapag naiirita sya sa kalokohan ko.
"Anong pakialam ko?" Asik nito sabay iling
"Huli ka balbon. Edi napaamin ka na hindi ikaw si Grasya" ngising sambit ko
"Anong kailangan mo?" Tanong nya
"Kumampi ka samin. Magaling ka naman, tulungan mo kami. For sure malakas ka" sambit ko
"Hindi. Ayoko. Hindi pwede. Ginawa ako para kalabanin kayo, lalo na ang tunay na Grasya na sinasabi mo" sambit nito
"Hindi ka lang magaling kaya ayaw mo makipagtulungan eh. Ayaw mo kumampi samin kase mahina ka" mapang-inis na sambit ko
"Ah ganun? Pwes, ipapakita ko sayo na kaya kong makipagkampihan sa inyo at sinisigurado ko sayong makikita mo ang galing at lakas ko" asik nito.
Reversed psychology works. Sabi na nakuha mo yung traits ni Grasya.
"Sige ba" sambit ko.
Umalis na ito sa harapan ko kaya umalis narin ako. Mukha akong naliligaw na bata habang hinahanap ang daan pabalik sa lugar kung saan ako nakahiga kanina.
"Asaan ba yun?" Kunot noong bulong ko
Tumindig ang mga balahibo ko nang biglang magpatay sindi ang ilaw kasabay ng tunog ng paglangitngit ng metal.
Si Mr. Hash. Nandito na.
Hindi na ako gumalaw pa hanggang sa maramdaman ko ang presensya nya sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Bulong nito
"May iku-kwento lang ako sayo. May nagpapakwento kase" sambit ko
Pumayag naman ito ngunit iniiwasan ko parin gumalaw dahil baka matepok ako.
Matapos kong ikwento ang lahat sa kanya ay agad naman itong napunta sa harapan ko. Sheesh. Mas nakakatakot sya sa malapitan
"Kanino mo nakuha ang istorya na yan?" Inis na sambit nito
"Hindi ko kilala pero bata sya. Ang sabi nya sakin. Kapatid mo sila. Kuya ka raw nila" paliwanag ko
Binaliwala nya ang kinwento ko na parang wala lang ito sa kanya.
Nakaramdam ako ng awa sa batang nagpakwento sakin dahil totoo ngang hindi sila maalala ng lalaking toh. Di sila maalala nung kuya nila.
There's a missing page on his book of memory. Kaya kahit anong gawin kong pagkwento ay wala paring nangyayari dahil may kulang.
Where can I find that missing page? Aish.
Bigla akong nakaramdam ng hagupit mula sa may bandang batok ko at di ko na alam pa ang sunod na nangyari.