CHAPTER 33

4 0 0
                                    

Sevi's POV

"Sinasabi mo lang yan dahil gusto mo kaming maisahan. Sinungaling ka!" Malakas na asik ni Gela sa lalaking nakahood

"Believe it or not. I don't care" madiing sambit ng lalaking nakahood

"Pano mo naman nasabing clone lang nila yan kung nandun naman ang clone nilang dalawa?" Asik muli ni Gela sa lalaking nakahood

"Sinabi ko na nga yung totoo sayo para tumigil ka na kaiiyak dyan dahil napakapanget ng iyak mo. Ang sakit sa tenga" inis na tugon nito kay Gela

"Ano ba dapat itawag ko sa kanya? Mr. Hash or Mr. Harsh?" Sambit ni Rems sabay pigil ng tawa

"Lumalaban" bulong ni Angelica

"Is it possible na maging dalawa ang clone ng isang player?" Singit na tanong ko

"Yes and of course it's possible" mabilis na tugon nito sakin

"How?" Sunod na tanong ko

"It's for you to find out. Hindi rin naman kayo maniniwala kahit na sabihin ko, lalo na yung isa dyan. Nagmagandang loob na nga ako tapos sinigawan pa ko" sambit nya.

"Anong pakialam ko?" Galit na sambit ni Gela

"Wag kang assuming. I didn't mention anyone pero sabat ka nang sabat" sambit nito.

Dinig ko ang pagpipigil ng tawa ng iba dahil sa bardagulang nagaganap sa dalawa

"Dyan nagkatuluyan lolo at lola ko" sambit ni Hakeem na may halong pang-aasar

"What a gross" naasiwang sambit ni Khalid

"Yeah. It's worse than what you think" pagsang-ayon naman ni Jhonsen

"Really? But we can't be together. Keep quiet if you don't want to die" mahinang sambit nya bago sumindi ang ilaw

It's for us to find out? I still don't get it. Uhmm what if tig-dalawa pala ng clone lahat ng players?

Woah. Does it mean??....

"Mali yang iniisip mo" sambit ng lalaking nakahood na nagpatayo sa balahibo ko. The hell. Muntik na kong gumalaw dahil sa gulat.

"Ako ba sinasabihan nya? O iba? Arrgh!" Asik ko sa sarili gamit lang ang aking isip.

"Ikaw nga sinabihan ko. Nagulat ba kita?" Tugon nya sa mga sinabi ko saking isip.

"Halata namang nagulat ako. Muntik na nga akong gumalaw eh— peste! Don't tell me nababasa nya nasa isip ko?" Bulong ko saking isip

"No. Actually naririnig ko yun" tugon muli nito

"May powers ka?" Tanong ko sa kanya gamit ang aking isip. Mukha namang marunong sya mag mind communication

"If this is what you called power then hell yeah. I have it" tugon nya sakin.

Pansin ko ring parang ako lang ang nakakarinig sa kanya dahil hindi ume-echo sa paligid ang boses nya.

Di gaya nung usapan naming mga players kanina na bawat salita eh ume-echo dahil nga blangko yung buong lugar

"Kung mali pala yung nasa isip ko. Eh bakit dalawa yung clone nila?" Muling tanong ko sa kanya gamit ang aking isip

"Wag mong ipagkakalat ha? Kapag kase traydor ang isang kasamahan nyo. Automatic na magkakaroon sya ng isang clone at syempre bukod ang clone na yun sa clone na binuo ng laro" paliwanag nya sakin

"Huh?" Medyo naguguluhang bulong ko saking isip

"Di mo ba maintindihan? Ang isang clone ay binuo ng laro, ayun yung totoong clone nyo na nakalaban." Muling paliwanag nya

"Tapos yung pangalawa?" Tanong ko

"Yung pangalawa naman. Binuo ng lugar na toh mismo, nabuo rin yun gamit ang kagustuhan nilang magtraydor" tugon nya

"Bakit kailangang magkaclone pa?" Muling tanong ko

"Yung pangalawang clone kase, halimbawa.. ikaw, traydor ka tapos nagkaroon ka ng pangalawang clone. Yung clone na yun ay ang papalit sayo sa laro at magpapanggap na ikaw habang ikaw na totoo ay nagsasagawa ng mga masasamang balak mo" masinsinang paliwanag nya.

"Gets ko na. Ibig sabihin, ang dalawang yun–?"

"Oo. Traydor sila" mabilis na tugon nya na pumutol sa sasabihin ko

"Eh bakit di nalang yung unang clone ang gamitin nila? Sorry, puro ako tanong" sambit ko muli sa kanya gamit ang aking isip

"It's because of the good side and bad side. Yung good side nyo nasa clone one tapos yung bad side naman eh nasa clone two. Kaya nga nagkakaroon kayo ng pangalawang clone kapag traydor kayo o isa kayong masamang nilalang" pahayag nya

"Eh bakit kami kinalaban ng clone one?" Tanong ko

"Para alisin mga agam-agam nyo sa sarili. Remember what the others said. Ang pinakamatinding kalaban mo sa buhay ay hindi ang ibang tao kundi ang sarili mo mismo. Clone one is there to teach you a lesson." masayang sambit nya

"Pero..."

"Sa ngayon kalaban nyo pa talaga sila dahil kontrolado sila ng laro kaya dapat may gawin kayo para makawala sila at kumampi sila sa inyo pero wag kayong magpakampante dahil hindi yun magiging madali" sambit nyang muli na pumutol nanaman sa sasabihin ko

"So yung clone one, pwede namin silang maging kakampi pero hindi sila katulad ng clone two na kakampi mo na kaagad?" Paniniguradong tanong ko

"Oo. Yun ang pagkakaiba nilang dalawa" tugon nya

"Okay. Kailangang may gawin pa kami bago kumampi sa amin ang mga clone one." maikling tugon ko

"Di ka ba naghihinala sakin? Malay mo, niloloko kita" tanong nya sakin

"Mukha namang hindi ka nagsisinungaling. Ikaw na mismo ang may sabing pwede ka naming maging kakampi o kalaban..." tugon ko sa kanya

Umalis na sya sa harapan ko matapos nya marinig ang sagot ko.

Di ko pa natatanong sa kanya kung bakit good side ang inilagay sa clone one kung gawa naman yun ng laro na toh. Kung tutuusin lang, pwedeng ideretso nalang sa bad side at hindi na kailangan pa ng clone 2.

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now