Sevi's POV
ㅤI'm tired of this shit. Lagi nyang nasasalag mga atakeng ginagawa ko, napapagod nalang ako lahat-lahat
Napatingin ako sa iba kong mga kasama at napansin kong wala na si Khalid sa pwesto nya at ang nakahandusay na clone nalang ang natira. Malamang sa malamang natapos na sya sa laban nya.
Barumbado yun kaya halata nang mabilis nya natapos ang kanya. Masamang damo yun kaya imposibleng ang clone nya yung nanalo.
"Ang sama di man lang kami tinulungan" mahinang bulong ko sa sarili
"Sumuko ka na" sambit ng clone ko sakin sabay ngiti
"Tangina mo. Bakit di nalang ikaw ang sumuko tutal ikaw ang nagsabi?" Asar na sambit ko
"Ayoko sa tabas nyang dila mo" madiing sambit nito
"Lols. Ginawa ka gamit yung pagkatao ko diba? Kaya malamang pati tabas nitong dila ko eh nakuha mo kaya paanong ayaw mo sa tabas ng dila ko? Arte mo, clone lang naman kita" Sambit ko sabay taas kilay
"Pakialam mo ba?" Pagtataray din nito sakin
Aba putek lumalaban, palaban yan?
"See? Pake mo rin? Mind your own business bitch" asik ko
"Mukhang sawa ka na sa buhay mo, gusto mo tulungan kitang tapusin yan?" Suhestyon nito sakin
"Yung sayo muna unahin natin" tugon ko. Dapat naglalaban kami pero sa ngayon hindi pisikal na laban ang nagaganap
"Ayoko sayo" madiing sambit nito
"Mas lalong ayoko sayo" asik ko
Sinugod nya ko ng patalim pero agad ko namang napigilan ang balak nyang pagsaksak sakin
"Pikon" sambit ko sabay hiwa sa mukha nya
"Ikaw... Pagbabayaran mo tong ginawa mo sa maganda kong mukha!" Bulyaw nito sakin na sa sobrang lakas ay umabot na sa buong kwarto
"E di wow" sambit ko.
Sasabihin ko sanang panget sya at ang panget ang mukha nya kaya deserve nya yun pero magkamukha lang pala kami kaya uh-uhh nevermind. Legit naman na maganda ko
"I'm gonna make you pay for this!" Asik nya sabay sugod sakin pero nasalag ko ang kamay nya
"Nanghihiram ka lang ng mukha sakin kaya wala kang karapatan para magreklamo. Hinihiram mo lang buong pagkatao ko at wala ka pang pahintulot mula sakin. Clone ka lang, tandaan mo yan" bulong ko sa kanya
"Maganda ka parin naman kahit may sugat ka sa mukha, Mukha ko gamit mo eh. You're such a lucky girl" pilyang sambit ko.
Natigilan ako nang bigla nya kong siniko sa sikmura sabay sampal sakin, dahilan para mabitawan ko ang patalim ko at mahulog ito sa sahig.
Akmang dadamputin ko na sana ang patalim ko nang bigla nya itong tinapakan kaya napatingin ako sa kanya na kasalukyan ding nakatingin sakin at malademonyong nakangiti habang hawak ang patalim nya na nakatutok sakin
"Pay your consequence" madiing sambit nito
"Fuck you!" Asik ko sabay tulak sa kanya para mawala ang pagkakatapak nya sa patalim ko na agad ko namang nakuha
"Got it" sambit ko sabay ngiti sa kanya at angat sa patalim ko
"Kill me if you can" sambit nito sakin
"Yeah. I will" akmang susugurin ko na sana sya nang bigla syang bumagsak kahit wala pa akong ginagawa na kahit ano.
Napatingin din ako sa ibang mga kasama ko pero ganun din ang nangyari sa mga clone nila. Kusa rin itong bumagsak ng walang dahilan
"Game over" sambit ng isang lalaking nilalang mula sa di malamang direksyon.
Sinubukan kong lingunin ang lugar kung saan nakalagay yung cube kanina pero nawala narin yung cube doon.
"Huh?" Sambit ko
"Tapos na ang sampong minutong palugit sa inyo para sa larong ito" muling sambit nito
"Teka. Wala kayong sinabi na may sampong minutong palugit ang laro na toh" tutol ni Gela mula sa ikalawang grupo
"Bawat laro ay may sampong minutong palugit. Dapat alam nyo na yun" sambit nito sabay halakhak
Binalot ako ng kaba nang makita kong isa-isang nagsitayuan ang mga clone kasama na ang clone ni Khalid na napatay na nya kanina.
"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Frances
Nagsipasok narin ang mga clone ng iba pang mga manlalaro kasabay ng pagbukas ng pinto at kasama na rito ang clone ng unang pangkat na hindi lumabas kanina.
Ang mga clone ay pumwesto sa harapan namin ng naaayon sa kani-kanilang grupo. Mula sa una hanggang pangatlo
"So talo kami?" Paninigurado ni Jhonsen
"Ganun na nga" tugon nito
"Tahimik. Tumahimik ka" madiing sambit ng isang lalaking nakahood. Bakas sa boses nito ang galit
Di namin namalayan ang pagpasok nya. Siguro dahil nakafocus kami sa mga clone pati sa nagsasalita
"Bakit? Sinabi ko lang naman na talo na sila." Tugon nito sa lalaking nakahood
"Hindi. Hindi sila talo" malamig na sambit nya
"Ano bang sinasabi mo? Talo na sila" tutol naman ng nagsasalita
"Panalo sila" pilit na sambit ng lalaki
"Pero tapos na ang oras na palugit para sa kanilang laro ngayon at bukod pa don, isa lang ang nakatapos sa kanila" pahayag ng isang tinig na nagsasalita kanina pa.
Halatang si Khalid ang tinutukoy nito dahil sya lang talaga ang nakatapos saming lahat.
"Madumi kayo makipaglaro. Hindi kayo patas" sambit nito na ngayon ay halata mo na talaga ang galit sa boses nya
"Paano ka naman nakasisiguro r'yan sa mga sinasabi mo? Sinabi na namin ang dahilan kung bakit natalo sila hindi ba?" Kampanteng sambit naman ng lalaking nagsasalita na hindi talaga namin malaman kung nasaan.
Sakop ng tinig nya ang buong paligid kaya di namin malaman kung saan banda ito nagmumula
"Dahil hindi nyo sinabi sa patakaran ng laro na may sampung minutong palugit" tugon nung nakahood.
"Manahimik ka nalang dyan at gawin mo na ang tungkulin mo" seryosong sambit muli ng isang nilalang na nasa hindi malamang direksyon
“Sige po. Masusunod” maikling tugon nito.
Napaatras kami papunta sa gilid kung saan nakapwesto ang unang grupo at si Khalid nang makita namin ang paglabas ng isang malaking patalim mula sa kamay nung lalaking nakahood.
Tumingin sya saming lahat gamit ang mga mata nyang punung-puno ng galit