CHAPTER 37

1 0 0
                                    

REPLIKA

***FLASHBACK***

Daryl's POV

Nasa kalagitnaan kami ng pagku-kwentuhan nang biglang magkalat ang puting usok sa loob ng dorm at sunod-sunod na nagsipagbagsakan ang mga kaibigan ko.

"Pampatulog" bulong ko sa aking isipan. Pinigil ko kaagad ang paghinga sabay bagsak na kunwari ay nakatulog ako kahit hindi naman.

Agad din namang nawala ang usok matapos makatulog ang lahat. Idinilat ko nang konti ang mata ko na sakto lamang para may maaninag ako habang nagpapanggap akong tulog.

May mga taong pumasok sa dorm na sa palagay ko ay mga tauhan dito sa lugar dahil walang kahirap-hirap sa kanila na buksan ang pinto kahit nakalock.

Ipinikit ko na ng maayos ang mata ko matapos kong makita na may taong papunta sakin. Hindi nya pwedeng malaman na nagtutulog-tulugan lang ako.

Ramdam ko ang pagbuhat nya sa akin na maihahalintulad mo sa lovers carry dahil sa istilo nito.

"Hindi ba sya nabibigatan sakin?" Bulong ko sa aking utak.

Hinayaan ko syang buhatin ako sa kung saan man nya ko dadalhin dahil alam kong kasunod nya ang iba pa nyang mga kasama na buhat naman ang mga kaibigan ko.

Isang puting liwanag ang naaaninag ko mula sa talukap ng mga mata ko na animo'y nasa operating room ako't nakahiga.

Matapos nya kong ibaba ay bahagya kong idinilat muli ng kaunti ang aking mata at nakita kong paalis na sila.

Nang makaalis na sila ay biglang namatay ang lahat ng ilaw at wala na kong makita kahit konting liwanag.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinubukan kong umaninag ng kahit ano ngunit bigo ako.

Bigla akong napalingon sa gilid ko nang may marinig akong bumuntong hininga sa tenga ko. Dang! Nahalata ata nilang gising ako.

Halos manginig na ko sa takot nang sumindi ang lahat ng ilaw dahil inaasahan kong marami silang nakaambang sakin ngunit wala ako nakitang kahit isa. Blangko narin ang buong paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga malalaking glass container na kasya ang isang tao.

Marahan akong bumaba sa higaan ko at naglakad para lapitan ito ngunit nanayo agad ang mga balahibo ko nang makita kong nalamanan na ito.

"Ako ba toh?" Mahinang bulong ko nang makita ko ang aking sarili sa loob ng isa sa mga container.

Maya-maya pa ay nagkaroon narin ng laman ang iba at ang mga kaibigan ko ko ang laman nito

"Anong klaseng lugar ba toh?" Mahinang bulong ko

"Lugar na pagawaan ng replika" gulat na napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong tinig ng isang babae.

"Sino ka?" Tanong ko

"Call me Ernadel. Ako yung tumulong sa inyo sa first floor" tugon nito sakin

Sya pala yung nagsabi na wag kaming gagalaw.

"Tauhan ka ba rito? Bakit ka nandito? Anong—"

"Isa-isa lang. Mahina kalaban. May hihingiin lang akong pabor sayo kapalit ng pagligtas ko sa inyo nung kaibigan mo" sambit nito

"Sige. Ano?" Pagsang-ayon ko agad dahil ayoko rin nung tumatanaw kami ng utang na loob sa iba.

"Yung silid na yun. Pasukin mo. Gisingin mo kapatid ko. Ayokong mabura ala-ala nya. Alisin mo sya dun" malamig na sambit nya

"Bakit hindi nalang ikaw?" Tanong ko

"Tanging mga buhay lang ang pwedeng makapasok dyan kaya pakiusap. Gisingin mo sya" pakiusap nito

"M-multo ka?" Sambit ko dahil hindi naman kase sya mukhang multo sa paningin ko.

Tumango lang ito sa akin kaya naglakad na ko papalapit sa silid na tinutukoy nya. May nakita akong isang babae at may kung anong nakakabit na mga puting hose sa ulo nya.

"Kagaya toh nung mga napapanood ko sa mga movie kapag may ini-install sila sa utak nila. Eto ba yun?" Takang tanong ko habang tinatanggal isa-isa ang mga hose na nakakabit.

Matapos kong matanggal isa-isa ay agad kong ginising ang babaeng nakahiga rito ngunit hindi sya magising-gising sa kahit na anong tapik ko kaya nilagutok ko nalang ang hinlalaking daliri nya sa paa at agad naman syang nagkamalay pagkatapos nun. Success.

Parang wala ito sa sarili na tumingin sa akin bago ako titigan ng masama na animo'y papaslangin ako kaya napatakbo ako bigla.

"Gising na sya" sambit ko nang biglang lumitaw sa harapan ko ang multong si Ernadel

"Salamat. Magtago ka dun" sambit nya sakin sabay turo sa ilalim ng mesa na may kurtina.

Agad naman akong nagtago sa lugar na tinuro nya kaya naman laking pasasalamat ko nang hindi ako makita nung babaeng ginising ko.

"Anong nangyayari?" Mahinang bulong ko.

Isa-isang nagsilabasan ang mga nilalang sa container kasama na yung kamukha ko at agad din silang lumabas sa kwarto.

Lumabas na ko sa ilalim ng mesa at nilibot ang tingin sa paligid ngunit wala rito ang mga kasama ko kaya sinundan ko nalang ang direksyon na pinuntahan ng mga nilalang na galing sa container

"Nasaan ba ko?" Tanong ko sa'king sarili

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now