A CRY TO REMEMBER
ㅤ
*** FLASHBACK 2 ***
ㅤDaryl's POV
ㅤNananatiling pala-isipan ang nangyari sakin kagabi.
Bakit hindi nya ko pinatay? Bakit hindi ako tinapos ni Mr. Hoody o Mr. Hash. Kung sino man sya. Madali nalang sa kanya na patayin ako kagabi pero hindi nya ginawa.
ㅤ
—
ㅤ
Kasalukuyan akong inaasar ng mga kaibigan ko nang makakita ako ng batang paakyat sa hagdan. Agad ko itong sinundan dahil kapareha nya yung batang nagpakita sakin sa cabinet kagabi."Anong ginagawa nya rito?" Mahinang bulong ko habang paakyat ng hadgan
Yung taong humampas sakin. Palagay ko sya rin ang nagbalik sakin dito sa dorm. Hayst.
Di ako sigurado kung si Mr. Hash din ba yun o ibang tao pero aishh, malakas ang kutob ko na si Mr. Hash yun.
Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnat ko yung batang nagpakita sakin kagabi na nakaupo sa kama ni Rems pero iba ang suot nya kesa dun sa nakita kong paakyat sa hagdan kanina. Napalingon ako sa isa pang kama at dun ko nakita ang isa pang batang nakaupo sa kama ko.
Dalawa? Dalawa sila?
"This is our former room" sambit nung batang nagpakita sakin kagabi
"Ito?" Tanong
"Ito rin dorm namin dati" sambit naman nung batang nakaupo sa higaan ko. Sya yung nakita kong paakyat sa hagdan kanina
Nakangiti sakin yung batang nagpakita sakin kagabi habang yung isa naman ay nananatiling nakatalikod
"Sino ba kayo?" Tanong ko
"Akane" tugon sakin nung batang nakaupo sa higaan ni Rems
"Yung isa?" Sunod na tanong ko
"Si Mirai, kambal ko" sagot nya
"Bakit hindi sya lumilingon? Gusto ko pa naman makita yung mukha nya" sambit ko sabay lingon sa batang nagngangalang Mirai
"Wala ka rin namang makikita" tugon ni Akane
"Huh?" Kunot noong tanong ko
"Salamat. Sa pagsabi kay Kuya. Salamat dahil kinwento mo sa kanya" pasasalamat ni Akane
"Pero... hindi naman sya naniwala" sambit ko.
Ngumiti ng mapait si Akane bago mapalitan ng galit ang maamo nyang mukha
"Si Kuya... nagbago na sya" malungkot na sambit ni Mirai na sa tancha ko ay umiiyak na sa mga oras na ito
"Hindi sya nagbago. Binago sya" galit na sambit ni Akane bago magpatay sindi ang ilaw sa kwarto
Iba talaga nagagawa ng kapangyarihan ng galit na espirito.
"Kagabi. Nakita mo yung mga replika tama?" Tanong sakin ni Akane
"Oo" tugon ko
"Tapusin mo silang lahat. Kapag nagawa mo yun. Mawawala yung kontrol sa kanila nung mga halimaw rito sa lugar na toh. Mapapasunod na sila ng mga kaibigan mo" pahayag nito
"Pero paano yung kay Grasya? Palagay ko napasunod ko na sya" sambit ko
"Malamang ganun na nga. Nung oras na nag-usap kayo at napangunahan sya ng emosyon. Nawala na kontrol sa kanya agad. Independent ang mga clone kase nilikha sila na parang mga tunay na tao. May five senses din sila kaya kung malakas ang paninindigan nung orihinal. Malakas din ang kanila" sambit ni Mirai
"Basta. Gawin mo ang makakaya mo para mapasunod mo ang ibang clone ng mga kaibigan mo" sambit ni Akane
"Sige. Susubukan ko" tugon ko
Bahagya akong nagulat nang biglang bumukas ang pinto nung kwarto at bumungad si Rems na seryosong nakatingin sakin.
Binalik ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala na yung dalawang bata.
A/N: you can re-read the chapter 8-9 after reading this part of flashback for better understanding
ㅤ
— FLASHBACK 2 CONTINUATION —ㅤ
Daryl's POV
ㅤ"Tapon na natin toh" sambit ni Rems
"Sama kami" sambit ni Grasya at Alicia
"Okay" tugon ko
Lumabas na agad kami ng dorm dala ang mangkok na naglalaman ng sisig. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang biglang makarinig kami ng mga yabag at tinig kasabay ng iba't ibang presensya ng mga matang nakatingin samin
Agad kong napansin na nawala sila Alicia at Grasya kaya napahinto ako at agad na napatingin kay Rems na tuloy-tuloy parin sa paglalakad
May mga anino akong nakikita na sumusunod sa kanya.
Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang lalaking nakahood na naglalakad pababa ng hagdan na agad ko namang sinundan.
"Hash slinging slasher!" Tawag ko sa kanya at agad syang napahinto
"Si Akane at Mirai. Hindi mo ba talaga sila naaalala?" Tanong ko
"Hindi. Sino ba sila?" mabilis na tugon nya
"Mga kapatid mo sila! Kuya ka nila. Ganun ba talaga kabilis sayo para kalimutan ang pamilya mo?" Asik ko
"Pamilya? Wala ako nun" sambit nya sabay tawa
Sinapak ko ang mukha nya dahil di ko na talaga kinaya ang inis ko. Agad namang nanlisik ang mata nya nang mapatingin sya sakin nang dahil sa galit
"Go to hell!" Asik nya.
Akmang susugurin nya na sana ko ngunit tumakbo agad ako pabalik sa kinaroroonan ni Rems.
*** END OF FLASHBACK ***