Grasya's POV
ㅤKung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na ko tumuloy na laruin yung mobile game. Ginusto kong makapunta rito para alamin kung ano ang nangyari kay Kristel, hindi ko naisip na malalagasan pa kami ng isa.
Mala impyerno ang lugar na toh. Siguro dinanas din nya ang nangyari kay Daryl o baka higit pa.
"Sorry" sambit ko habang pinupunasan ang luha.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ginusto naming pumunta rito kasama mo" madiing sambit ni Rems
"Umalis na tayo rito" sambit naman ni Ange
"Mauna na kayo, aalamin ko kung ano nababalot sa lugar na toh" saad ko
Uubusin ko silang lahat... Pagbabayarin ko silang lahat!
"No. Sama-sama tayong pumasok dito, sama-sama rin tayong lalabas" tutol ni Alyssa
"Hindi ko na hahayaang isa pa sa inyo ang mawala!" Asik ko
Natigil ang usapan namin nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagdadalawang isip pa kaming buksan ito pero nanguna na si Rems.
"Sino ka?" Sambit nya matapos buksan ang pinto
"Sorry sa abala pero alam nyo po ba kung saan ang room 107?" Sambit ng isang lalaki mula sa pinto
"Bagong salta? Mali kayo ng pinasok na lugar" malamig na sambit ni Rems pero napakunot lang ng noo ang lalaki
"Marami sila" dinig kong sambit ni Alyssa
"Room 107? Sa fourth floor yun diba? Nakita ko yung kwarto na yun kanina" sambit ni Alicia.
Nag flashback sakin ang lahat ng pangyayari. Ilang beses kaming nagpabalik-balik sa tapat ng dorm na yun, hindi sana kami makakaalis kung hindi lang dumating si Rems.
"Ilan kayo?" Singit na tanong ko kaya napalingon sa akin ang lalaki pati narin si Rems
"Anim po" tugon naman nito.
Anim din kami nung pumunta rito. Di kaya may bilang ang mga tao na maaring pumunta sa isang araw?
"Nasa fourth floor ang room 107 na hinahanap mo" sambit ko at napangiti lang ito
"Salamat po" maikling tugon nito
"Di mo pa ko sinasagot kung sino ka" madiing sambit ni Rems na pumigil sa lalaki na aalis na sana
"Hakeem po" tugon nito bago magpatuloy ng lakad
"Alyssa.." Mahinang tawag ko kay Aly
"Why?" Tugon naman agad nito
"Patingin ng memo book. Na sayo pa ba?" Tanong ko at agad naman nya itong inabot sakin ng hindi nagsasabi ng kahit anong salita.
Binasa kong muli ang mga nakasulat dito at tama nga ang hinala ko. Anim na tao sa loob ng isang araw lang ang pwede pumunta
"Tatlong grupo?" Sambit ni Ange kaya napatingin ako sa kanya
"Huh?" Takang tanong ko
"Basahin mo yung nasa likod. Nakalagay kase tatlong grupo sa kalahating taon. Kalahating taon is six months diba?" Saad ni Angelica
"Oo. Kung ganun. Tayo ang unang grupo, sila ang pangalawa. May pangatlo pa" sambit ko
"Bukas ang dating ng pangatlong grupo" sambit ni Rems
"Nagsisimula palang ang lahat" dinig kong sambit ng di pamilyar na boses mula sa likuran ko na agad ko namang nilingon pero wala akong nakita
"Dalhin nyo lahat ng gamit nyo. Aalis na tayo dito" sambit ko na agad naman nilang sinunod.
Nagmadali kami paalis ng dorm at di na namin iniintindi ang mga presensya ng mga matang nakatingin samin mula sa paligid na hindi naman namin nakikita.
Pagdating namin sa tapat ng gate ay puwesto na kami para buksan ito ngunit hindi ito umuusad kahit anong klaseng bukas ang gawin namin. Patulak, pahila. Kanan man o kaliwa. Walang nangyayari.
Masyado ring malaki ang gate na animo'y may Titan sa loob ngunit may tempered glass sa bandang gitna nito.
Kumuha si Rems ng malaking bato para basagin ang salamin sa itaas ng gate para akyatin nalang namin ngunit nung binato na nya iyun ay nanatiling buo parin at di man lang nagkaroon ng basag o lamat.
Sinubukan narin naming kunin ang fire extinguisher para ibato rito ngunit wala ring nangyari.
"Testing gate ba toh o great wall of China?" Asar na sambit ni Rems bago ibato ulit ang fire extinguisher ngunit di parin ito nabasag.
"Ang tibay" sambit ni Alicia at nabaling ang tingin namin sa fire extinguisher na may lamat na.
"Fire extinguisher ang nasira. Hindi yang salamin" asik ni Ange
Akmang babatuhin pa sana ni Rems ng malaking bato ang salamin ng gate pero bigla kaming pinigilan ng isang boses ng lalaki
"Wala ng mangyayari! Oras na makapasok ka na, di ka na makakalabas. Kailangan nyong sumunod sa rules ng laro" sambit nito sabay tingin ng seryoso samin at humalakhak ng tawa
Lumapit si Rems dito sabay sapak sa mukha ng lalaki. Napahawak ito sa putok nyang labi para punasan ang dugo na tumulo rito ngunit napatingin din ito ng masama kay Rems pagkatapos sya nitong kwelyohan matapos sapakin
"Tuso ka" inis na sambit nito.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ang lalaking sinapak ni Rems. Sya yung nagbigay samin nung Sisig kaninang umaga.
"Jhayzon?" Mahinang bulong ko sa sarili.
"Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo" madiing sambit ni Rems
"Kapag natapos nyo ang laro. Dun lang kayo makakalabas" sambit nito sabay ngisi.
Dalawang sapak pa ang inabot nya mula kay Rems bago ito awatin ng mga di namin kilalang tao
"Saan sila nanggaling?" Tanong ni Alicia dahil bigla nalang sumulpot ang mga ito sa kung saan
"Di ko rin alam" tugon ni Alyssa.
Matapos ang ilang pagtatalo ay wala rin kaming nagawa kundi bumalik sa dorm para tapusin kung ano mang laro ang sinasabi nila.