CHAPTER 13

4 0 0
                                    

Rems' POV

Una si Kristel, pangalawa si Daryl. Sino susunod samin? Di na ko papayag na malagasan pa kami ng isa.

"Kasalanan ko lahat ng toh.. Kung hindi ko kayo sinama rito para alamin kung anong nangyari kay Kristel. Hindi sana sya mawawala." Sambit ni Grasya habang umiiyak

"Stop blaming yourself. Walang ibang may kasalanan nang lahat nang ito kundi ang mga taong nagpapatakbo nitong laro at ang mismong lugar na toh" asik ni Alyssa

"Kung laro ang gusto nila. Makikipag laro tayo" inis na sambit ko at marahang ikinuyom ang kamao

"Magaling. Sisimulan na ba natin ang palaro?" Sambit ng isang di pamilyar na tinig mula sa malayo

"Who the fuck are you?" Asik ko sa hangin dahil di namin makita kung saan ito mismo nanggagaling.

"Masyado pang maaga para magsimula. Wala pa ang ikatlong grupo"

"Bukas ang dating nila. Tama ba?"

"Mas maganda sana kung ngayon natin sisimulan. Handa na unang grupo"

Magkakasunod na sambit ng tatlong magkaibang boses. Mas lalong nanuot ang galit sa loob ko nang marinig ko ang boses nila na tuwang-tuwa pa.

Laruan lang ba talaga ang tingin nila samin? Pakiramdam ko nasa loob kami ng isang video game at kami ang mga character na walang magawa kundi sundin ang control ng mga naglalaro.

"Apat sila?" Bulong ni Alicia

"Hindi. Higit pa kami r'yan. Marami kami" tugon ng isang maliit na boses

"Shocks.. Narinig pa nila yun" sambit ni Alicia

"Guys. Don't mind them. Di magsisimula ang laro hanggang hindi kumpleto ang tatlong grupo" malamig na sambit ni Alyssa

"Tama ka pero ang larong pangkalahatan ang sinasabi mo. Nagsimula na ang laro sa bawat grupo." sambit ng isang boses ng lalaki.

"Bago magsimula ang larong pang-lahat, sasabak muna sa pangunahing laro ang bawat grupo." Saad ng isa pang boses ngunit boses na ito ng babae

"What do you mean? Naglalaro na kami?" Sambit ni Ange

"Oo, ganun na nga. Pero tapos na ang inyo. Pangkalahatang laro nalang ang hinihintay" sambit ng maliit na boses ng babae na di ko malaman kung pabebe lang ba o bata talaga

"Sa ngayon, nagsisimula palang ang pangalawang grupo sa laro nila" seryosong saad ng isang boses ng lalaki. Ibang boses na ito kesa sa mga nauna.

"Ipanalo natin toh. Para sa kanila" sambit ni Alicia at alam ko na kung sino ang tinutukoy nya

"HAHAHA. Sa palagay ata nila mananalo sila"

"Mangmang talaga kayo"

Sambit muli ng dalawa sa apat na boses na narinig namin kanina.

"Tingnan natin kung sino ang magiging mangmang oras na magsimula na ang laro" madiing sambit ko

"It's already 4:00 pm. Ang bilis ng oras. Wala ba kayong balak kumain?" Tanong ni Grasya

"Kung bukas ang dating ng ikatlong grupo. Baka bukas narin magsimula ang larong sinasabi nila. Kailangang may lakas tayo" saad ni Alyssa

"Eto nalang muna kainin natin. Nagdadalawang isip ako sa mga pagkain dito" sambit ni Alicia sabay abot ng supot ng tinapay

"Eto inumin" sambit naman ni Ange sabay abot ng isang litrong mineral water.

Ayun nalang din ang kinain namin kesa magutuman. Mabilis makabusog ang tinapay na yun lalo na kapag uminom ka ng tubig. Sapat na pantawid gutom pero baka mabilis lang din yung matunaw sa tyan namin at di malabong magutom ulit kami mamaya.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto matapos naming kumain at bahagya akong napaluha nang makita ko ang bakanteng kama kung saan nakahiga si Daryl.

"Sorry" mahinang sambit ko bago humiga sa kamang higaan ko.

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now