Third person's POV
ㅤPagkalat ng puting usok ay isa-isa ring nakatulog ang lahat liban kay Grasya na nagpapanggap lang na nakatulog
"Anong gagawin natin sa mga gamit nila?" Tanong ni Jhayzon sa lalaking nakahood
"Ihatid mo sa mga bahay nila. Kung saan mo sila sinundo" tugon nito na agad naman nyang sinunod
"Ilalagay ko nalang sa harapan ng gate o kaya ihahagis ko paloob" sambit ni Jhayzon bago bitbitin lahat ng gamit at umalis.
Naiwan ang lalaking nakahood at isa-isang nyang binihisan ang mga manlalaro bago isakay sa isang sasakyan. Sumakay narin sya agad pagkatapos.
“Akane!” Sigaw ng isang boses ng bata nang akmang isisindi na sana nya ang makina
“Mirai!” Sigaw ng isa pang boses ng batang babae
Agad syang lumabas ng sasakyan para hanapin ang pinanggagalingan ng boses pero bigo syang makita ito.
“Mirai! Sa likod mo!” Sigaw muli ng isang bata na agad naman nyang nilingon pero wala syang nakita ni anino ng mga ito
“Akane! Tulungan mo ko!” Sigaw muli ng isa pang batang babae at bakas sa tinig nito ang pag-iyak
“Bitaw! Mirai takbo!”
“Bwisit ka!” Sigaw ng isang boses naman ng lalaki
“Akane!!” Huling sigaw ng isang bata bago tumahimik ang buong paligid
"Matagal na kayong wala. Patahimikin nyo na ko" bulong nya sa sarili bago sumakay ulit sa sasakyan at tuluyang pina-andar ang makina at nagmaneho na paalis
“Kuya...” bulong ng isang batang babae sa kanyang tenga habang nagmamaneho
"In order to defeat them. I have to do this. I'm sorry but trust me... I'll do my best" mahinang sambit nya bago tumulo ang luha sa mata at magpatuloy sa pagmamaneho
“Win the battle for us please?” muling bulong nito kaya napahinto sya sa pagmamaneho
"I will pero kailangan nilang tapusin ang laro" sambit nya at bahagyang napahinto
“Save them” huling sambit ng bata
"Wag ka ng magpanggap na tulog ka. Alam kong kanina ka pa gising Grace Ramos" madiing sambit ng lalaking nakahood
"Just call me Ace or Grasya. Medyo di ko bet ang Grace eh kase you know naman Mr. Hash, maarte ako" tugon ni Grasya bago umayos ng upo
"Mr. Hash?" Tanong nito bago lumingon sa front mirror
"Yeah. You know, Hash Slinging Slasher. Sa Spongebob Squarepants" sambit ni Grasya bago tumawa ng mahina
"Whatever" maikling tugon nito
"Attitude yan? Nagse-self talk ka pala. Sabihin mo nalang pangalan mo" sambit ni Grasya bago sumandal
"I won't and why would I? Manahimik ka kung ayaw mong patulugin kita" asik nito bago paandarin muli ang sasakyan
"Reckless driving ka" saway ni Grasya pero di sya pinansin nito
"It doesn't matter" sambit nito bago tumingin sa kalsada sa harapan
"Sa haba ba naman kase nyang hood mo eh. Tingnan natin kung makita mo pa yang daan" sambit ni Grasya
"Shut up. Ms. Ace" asik nito
"Kapag hindi ka nanahimik. Itatali kita sa likod ng sasakyan para makaladkad ka habang nagd-drive ako" sunod na asik nito at binilisan ang pagmamaneho"Owh. I'm gonna die" sambit ni Grasya sabay ngisi
"Nevermind. Now sleep" sambit nito bago magkalat ng puting usok sa loob ng sasakyan na nagpatulog kay Grasya ng tuluyan.
Ang lalaki ay naiwan sa kuryosidad at nanatili lang sa kakaisip kung bakit sya lamang ang nakakarinig ng mga boses na yun at kung bakit hindi ito naririnig ni Grasya dahil inakala nitong kinakausap nya ang kanyang sarili habang nagmamaneho.