Angelica's POV
ㅤNagpasya kaming bigyan muna ng maayos na burol at libing ang bangkay nila Kristel bago tumuloy sa sinasabi nilang rehabilitation center for recovery dahil kailangan daw naming manatili dun sa loob ng isa o ilang buwan dahil baka may nakuha raw kaming trauma sa mga naganap samin nung nandun kami.
Di narin kami umangal dahil alam naman naming wala rin kaming magagawa.
"They are in peace now." nakangiting sambit ni Daryl habang nakatingin sa puntod nila Kristel.
Napagpasyahan din naman na pagtabihin nalang ang libingan nila Kristel, Ernadel, Shanai, Akane at Mirai para madalaw namin sila nang sabay-sabay.
Sabay-sabay at magkakasama silang lumaban sa laro na yun pero hindi sila katulad namin na pinalad.
Sorry kase wala kaming nagawa para tulungan kayo...
Tumingin ako kay Sierge habang hinihimas nya ang lapida ng libingan nila Mirai at Akane, bakas ang mga luha sa mata nya
"Don't worry... Kuya will be successful. Tutuparin ko promise ko sa inyo mga prinsesa ko" sambit ni Sierge bago punasan ang luha.
It's sad to know na sya nalang pala ang natitira. Mag isa nalang sya sa buhay. Unang kinuha sa kanya ng tadhana ang mga magulang nya, ngayon naman... Ang dalawang kapatid nya.
I know that it's hard for him to recover as of now.
It's sad to know what is the real version of Mr. Hash...
Si Meapril, pagkatapos ng libing ng ate nya ay sumama narin sya sa mga magulang nya papuntang states. Dun nalang daw sya magpaparehab.
Sila Artdelia, Hazen, Sevi, Frances, Jhonsen at Khalid. Dumeretso na sila sa rehabilitation center.
Samantalang si Hakeem, Gela, Shanelle at Kishiya naman ay nag unwind muna bago dumeretso dun. Gusto raw nilang lumanghap muna ng sariwang hangin.
"Tutuloy na ba tayo dun?" tanong samin ni Alicia kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin
"Yes" tugon ni Rems
"Hoy Mr. Hash este Sierge pala. Gusto mo sumali sa squad namin?" sambit ni Daryl sabay ngiti sa kanya ng matamis
"Sige, tutal naging kaibigan ka ng mga kapatid ko" sambit nito.
Si Daryl lang kase ang madalas na nakakakita sa mga kapatid nya dahil ang sabi ni Remon ay bihira lang nya sila Akane at Mirai nung nandun pa kami sa dorm.
"Yes!" Sambit ni Daryl sabay suntok sa braso ni Rems na agad namang ginantihan ni Rems.
"Magbago na nga kayo" saway ni Alyssa.
Hayst. Ayan nanaman silang dalawa.
"Asa ka pang magbabago yang dalawa" sambit ni Grasya.
Nakita ko ang palihim na pagtawa sa labi ni Sierge. Sana magtuloy-tuloy na yun.
Di ko rin mapigilang mapangiti dahil akala ko ay hindi ko na ito makikita ulit.
Mirai and Akane are the reason why Daryl is still alive.
Kaya pala ang lakas ng loob nung kumag na magbara-bara nalang sa mga desisyon nya dahil protektado pala sya.
He told us everything nung nakauwi na kami
Shanai gives a warning to Alicia by scaring her or should I say two of us? HAHAHAHA.
We need to stay awake before the white smoke appears dahil kung malalanghap mo yun ng tulog ka ay pwede kang ma-stroke at pwede mo rin syang ikamatay.
Si Ernadel na tumulong kay Daryl at Remon sa first floor.
Si Kristel na... Palaging nagbibigay ng babala kay Alyssa
Akane and Mirai na tumutulong kay Daryl at Sierge.
Sana payapa narin ang spirits nila ngayon.
Although it's funny how Daryl knows everything... With the help of ghosts. Pero ayoko paring bumukas ang third eye ko like him.
All of the things are clear to us now.
We're all ready for the new beginning.
Paglabas namin ng rehabilitation center. Simula na ng panibagong laban sa hamon ng buhay.
At gaya ng goal namin. Walang susuko, walang iwanan.
We're all in this together...
ㅤ
THE END.