Clone vs Clone
ㅤ
Daryl's POV
ㅤ
Tapos na ba o may kasunod pa? Walang may alam sa susunod na mangyayari. Walang nakaka-alam ni isa man sa amin...“Kuya Daryl...” sambit ng dalawang boses ng bata na agad ko namang nilingon
"Akane, Mirai" tugon ko.
Ngayon ko lang nakita na magkamukha pala talaga sila. Kung parehas sila ng suot at nagdikit silang dalawa. They're like original and clone.
“Nandyan na sila” sambit nilang dalawa kaya napalingon ako sa anggulo na tinitignan nila.
"Daryl. Buhay ka pa pala" sambit ng isang babae habang pumapalakpak ng mabagal at nakatingin sa akin ng deretso.
"Hindi naman ako namatay" tugon ko sabay ngisi
"Pwes ngayon mamamatay ka na" sambit nito bago ako palibutan ng maraming itim na usok.
Yung usok na toh. No... Not again...
"Aahhh!!" sigaw ko nang mapangiwi na ako sa sakit
"Itigil mo yan" sambit ng isang babae na kamukhang kamukha nya bago sya hampasin nito gamit ang malaking kahoy sa braso.
Yung replika... Sa wakas...
"Clone" inis na sambit nito habang nakahawak sa braso nyang hinampas ng sarili nyang replika.
"Bakit kumakampi ka sa kanila. Ako ang lumikha sayo!" asik nito
"Pero sila ang nagmulat sakin sa totoo" mabilis na tugon ng replika.
"Anong totoo ang pinagsasasabi mo?" nanghihinang sambit ng babae.
"Ikaw ang gumawa sa impyernong ito. Pinaglaruan mo silang lahat, kahit yung mga taong tinuring kang kaibigan at pamilya, lahat sila niloko mo, wala kang awa." malamig na sambit ng replika.
"You're leaving me no choice. Kailangan mo nang mawala." nanggigilaiting sambit ng babae
"Isasama kita. Sabay tayong mawawala." tugon ng replika
"I don't think so" kampanteng sambit ng babae
"Ngayon pang nanghihina ka na?Clone ka lang din naman so I'm deadly sure of it" proud na sambit ng replika
"Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang mas angat" sambit ng babae at nagsimula nang sumugod.
Naglaban ang dalawa ng mano-mano at tila walang balak na sumuko ang bawat panig.
"Bitch. You're too slow" sambit ng replika matapos masalag ang atakeng ginawa ng babae.
Akmang susuntok pa sana ito ngunit nahawakan ng replika ang kanyang kamao.
"Sa ating dalawa. Ako ang mas angat. Bumalik ka na kung saan ka nanggaling” sambit ng replika bago lumabas ang itim na usok mula sa kamay nya
"No!!!" sigaw nang babae bago tuluyang maglaho.
"Isang pagkakamali ang iharap mo sakin ang isang clone mo rin... Nakakalimutan mo yatang, ginawa ako ng nababase sa personalidad mo Irene. CLONE TWO... DOWN." madiin at malamig na sambit nito.
“Kuya Sierge” sambit ni Akane bago mapunta sa pwesto kung nasaan si Sierge na animo'y hinaharangan sya
Napatingin ako kung saan banda nakatapat si Akane at halos mawindang ako nang makita ko ang isang lalaki na may hawak nang hindi pamilyar na baril. Ibang iba ang baril na hawak nya sa nakasanayan naming makita.
"Nadali na ang kasama mo. Balak mo talaga sumunod?" sambit ng replika ni Jhonsen
"Bast—" hindi na nakapagsalita pa ang nilalang na may hawak nang baril dahil nilamon na agad sya ng itim na usok
"Tard? Haha. Ikaw yun B. Kulit mo ah. Naglaho ka tuloy. Another Clone two. DOWN." sambit ng replika ni Jhonsen bago tumingin sakin sabay thumbs up.
"Daryl. Kailangan na nating umalis. Tapusin na natin tong kahibangan na toh" sambit sakin ni Sierge na agad ko namang sinunod
Paalis palang kami ngunit humarang sa daanan namin si Jhayzon.
"Get out of my way!" asik ni Sierge
"Masyado mong minamadali ang katapusan mo Sierge Reverie. Chill ka lang" sambit ni Jhayzon bago balutin ng itim na usok ni Sierge
"Tigil!" sigaw ko ngunit pati ako ay binalutan narin. Maya-maya pa ay nakalutang na kami pareho
"Hindi pa ko pwedeng mawala rito. Di pwedeng dito matapos ang lahat!" nagpupumiglas na sambit ni Sierge
"Maglaho kayo" nakangising sambit ni Jhayzon
“Kuya. No!!!!!!” malakas na sigaw ni Mirai na halos mabingi na kami at tumilapon naman sa pader si Jhayzon kasabay nang pagkawala ng itim na usok at pagbagsak namin ni Sierge sa lupa.
"What the hell is that presence?" inis na sambit ni Jhayzon
"Ang mga prinsesa ko... Ipaghihiganti kayo ni Kuya" umiiyak na sambit ni Sierge