Alicia's POV
ㅤ"Kilala mo yun?" Tanong sakin ni Rems nung makalayo na yung lalaking yumakap sakin kanina.
"Di ko sya kilala, di ko nga alam kung bakit tinatawag nya kong Shanai" tugon ko bago isara ang pinto
"Maybe, Shanai is his girlfriend then kamukha mo yung girlfriend nya na yun kaya akala nya ikaw yung Shanai like waahhh katulad nung movie na napapanood ko. Tapos ending nyan magkakadevelopan kayo tapos magkakatuluyan yiiiieeeee" sambit ni Rems sabay tusok sa tagiliran ko
"Tumigil ka nga. Mukha kang bading sa part na yan" asik ko bago umismid at umupo pabalik sa couch
"Uhhmmm. Alicia, hindi ba last time ang sabi mo na nakakita ka ng babaeng kamukha mo sa paahan natin?" Baling na sambit ni Ange kaya nag flashback sakin ang lahat ng nangyari at bahagyang nalungkot nung maalala kong nandito pa si Daryl nung kinwento ko yun
"Yeah. Parang duplicate ko nga sya eh" tugon ko
"Baka yun si Shanai" singit na sambit ni Alyssa
"Baka nga, kaya siguro sya nagpakita sakin, pero pakiramdan ko talaga may sasabihin sya nun kaso may nakabusal sa bibig nya kaya di sya makasalita" saad ko habang nakatingin sa kanila
"Malay mo gusto nya tayong bigyan ng babala" sambit ni Grasya
"Babala saan?" Tanong ko kay Grasya
"Na mababaliw sayo yung boyfriend nya" sambit ni Rems sabay tawa at agad naman syang binatukan ni Alyssa
"Seryoso kase" sambit ni Alyssa bago magfocus ulit sa usapan
"Mag spirit of the glass kaya tayo?" Suhestyon ni Rems
"Siraulo ka ba? Sa dami ng namatay dito malamang sa malamang hindi lang isa matatawag natin" sambit ni Angelica
Isang tunog mula sa clock ang narinig namin na animo'y isang alarm na pinatay agad.
"What's with that sound?" Sambit ni Rems bago mapatingala dahil mula sa itaas nanggaling ang tunog
"I don't know, baka nagsisimula na yung ikatlong grupo sa laro nila" tugon ni Grasya
"Bakit yung mga laro nila nagsimula agad? Yung satin kase kinabukasan pa" kunot noong sambit ni Ange
"No. As matter of fact, nagsimula na yung laro natin pagtapak palang natin sa mga espasyong sakop nitong mansyon" tutol ni Rems
"Huh?" Takang tanong ko
"Nung araw na nag aakyat kami ni Daryl ng mga gamit. May nakaencounter na kami ng isa sa kanila." Saad ni Rems
"Tuloy mo" sambit ni Grasya nung napahinto si Rems sa pagsasalita
"Yung hash slinging slasher na sinasabi namin. Ayun yun. Kagaya nung babaeng nakaputi na naencounter nila Alyssa halos ganun lang din ang pustura nya. May hawak syang patalim at naglalakad habang lumalangitngit sa kung saan-saan yung talim nung hawak nya. Ang kaibahan lang, kapag nakita mo sya eh wag kang gagalaw dahil yung mga gumagalaw lang ang inaatake nya. Remember the game rule, When the light flickers on and off. Don't hide, just stop and don't move" mahabang lintanya ni Rems
"Kaya pala napatingin kayo sakin nung dinugtungan ko yung kinukwento nyo tungkol dun" sambit ni Grasya
"Yeah. Akala nga namin ni Daryl na may alam ka tungkol dun" sambit ni Rems bago ngumiti ng pilit